KAKALAPAG lang namin sa Puerto princesa airport dito sa palawan.
Bumaba na kami sa jet ng makalabas ako doon ay suminghot muna ako ng sariwang hangin sa palawan.
Napangiti ako ng malanghap ang sariwang hangin ng palawan.
"I'm home." sabi ko habang naka ngiti.
Lahat kami ay na doon na sa labas. Hinihintay nalang namin ang gamit na mailabas lahat.
"Naka uwi din ulit tayo anak." sabi ni Mama.
"Oo nga Ma eh." nakangiting sabi ko at niyakap ito.
"Let's go." Sabi ni Mommy.
"Sila na ang bahala sa mga gamit natin." sabi pa nito.
"Ok po. tara na. 15 minutes lang naman po ang byahe pa punta sa amin." sabi ko.
"Ok." sabi nito.
Nag lakad na kami paalis doon. Nang may tumawag kay Albert.
"Bro." sabi nito sa lalaking kasing tangkad nito.
"Musta?" tanong naman ng lalaki.
"Ok lang. Walang bago." sabi naman ni Albert.
"Hi,tita." bati naman nito kay Mommy Audrey. Nag beso pa ito sa ginang. "Salamat po pala sa tulong na binigay niyo kahapon." sabi pa nito.
"Wala yun, by the way How are you, iho?" nakangiting tanong ni Mommy dito.
"I'm fine tita." sabi nito. Tumango tango nalang si Mommy dito.
Ibinalik ng lalaki ang tingin kay Albert. "Balita ko kila Mark, you have a girlfriend?" ngiting sabi at tanong ng lalaki.
Tumingin sakin si Albert at lumapit. Inakbayan ako nito. "This is my girlfriend Joyce." nakangiting sabi nito.
Gusto ko sanang tanggalin ang pag kakaakbay nito sakin pero dahil na dito ang kaibigan niya pag bibigyan ko siya.
"Hi, my name is Richard. The owner of this airport. Nice to meet you Joyce." nakangiting sabi nito at inilahad ang kamay.
Tinanggap ko ang kamay nito at nginitian ng matamis. "Nice to meet you too." sabi ko.
Matagal ko pang kinapitan ang kamay nito bago yun bitawan. Sinilip ko sa tabi ko si Albert at nanglilisik ang matang naka tingin kay Richard. Humigpit din kase ang kapit nito sa balikat ko. Napangisi at iling nalang ako.
"Boss." may tumawag naman agad kay Richard sa likod nito.
"Yes?."
"You have a meeting in a few minutes." sabi ng lalaki.
"Oww, yes." sagot nito.
"Ahm by the way Tita, Albert, Joyce. I have to go." Sabi nito at bumiso kay Mama at Mommy Audrey. Nginitian ko ito ng tumingin sakin.
"Take care. see you again." sabi nito at umalis na.
Tinanggal ko na ang pag kakaakbay sakin ni Albert at lumapit kay Mama.
"Tara na po." sabi ko.
Nag lakad na kami palabas ng airport at may sasakyan na nag hihintay doon.
Sumakay na kami doon lahat at nag hintay na makarating mismo samin.
NAKARATING narin kami samin. Hapon na hapon ay tahimik sa bahay.
"Tao po." Tawag ko at sumilip sa pinto.
Nakita ko sila lola at lolo na nanglaki ang mata na tumingin sakin. Tumayo ang dalawa at lumapit sakin. Sabay nila akong niyakap.
"Apo." sabay na sabi ng dalawa
BINABASA MO ANG
BOSS (COMPLETED)
RomanceWARNING: MATURE CONTENT |R-18 Hindi ako mayaman na tao pero pinalaki ako ng nanay ko ng maayos. maginhawa ang buhay namin dahil sa pamilya Del Rio. Lalo na at napakabait ni Ma'am Audrey. Siya ang nag paaral sakin nakapag tapos naman ako pero hindi l...
