CHAPTER 8

2.1K 50 1
                                    

"IHO, BAKIT LATE KANA NAKA UWI?" Tanong sakin ni Mommy ng makapasok ako sa bahay.

"Tinapos ko lang po ang trabaho ko." Sabi ko.

"Sige mag pahinga kana." Sabi nito.

"Bakit gising pa kayo?" Tanong ko dito ng nasa hagdan na ko.

"Nauhaw lang ako." Sabi nito.

"Pag tapos niyo po uminom matulog na ulit kayo huh." Sabi ko dito.

"Oo anak." Sabi nito.

Tumango nalang ako dito at umakyat na. Nag tungo na ko sa Kwarto at pag bukas ko palang doon ay madilim. Wala kahit lamp shade na ilaw. Pinindot ko ang switch ng ilaw sa gilid ng pinto. Nag liwanag ang buong kwarto at inilibot ko na ang mata ko sa buong silid pero wala parin doon ang hinahanap ko.

"Oh, Iho bat na jaan ka parin sa may pinto ng kwarto mo?" Tanong ni Mommy sa likod ko.

"Mom, where's Joyce?" Tanong ko dito at humarap na.

"Wala ba jan?" Balik na tanong nito.

"Wala." Sabi ko.

"Ah hindi ko alam." Sabi nito.

"Check mo sa kwarto ng Mama Judy mo." Sabi pa nito.

Nag tungo ako kaagad sa kabilang kwarto at dahan dahan yung binuksan.

Mahimbing na natutulog ang dalawa at nakayakap si Joyce sa Mama nito.

"Pano ko siya ma ililipat sa kwarto namin?" Tanong ko sa sarili ko.

Lumapit nalang ako dito at hinalikan ito sa noo. "I love you, sweet dreams baby." Sabi ko.

Lumabas na ako doon at sinara ang pinto ng dahan dahan. Nag tungo na ako sa kwarto ko at dumeretso sa cr para mag shower.

"IHA, gising na." Rinig kong sabi ni Mama.

"Opo, gising na." Inaantok na sabi ko pa.

"Tanghali na aba, bangon na jaan." Sabi pa nito.

"Anung oras na ma?" Tanong ko pa.

"12:30." Sabi nito.

Napabangon naman ako kaagad at nagmulat ng mata. "Ang haba naman ng tulog ko." Sabi ko.

"Mahaba talaga. Kumain kana doon sa baba. Tapos na kami kumain ni Audrey." Sabi nito. "Ayaw pang kumain ni Albert eh, sabay daw kayo." Sabi pa nito.

"Hindi pa ko nagugutom Ma." Sabi ko ng makatayo sa kama. "Ligo lang ako Ma." Sabi ko at nag tungo mismo sa cr ng kwarto nito. Naligo ako ng mabilisan at lumabas na doon. Wala naman kase sa cr niya ang mga ginagamit ko eh.

"Ma punta na ko sa kwarto namin huh." Paalam ko pa dito. Nag lalagay na kase ito ng damit niya sa bag na dadalin mamaya.

"Sige, mag ayos kana din ng gamit mo." Sabi nito.

"Opo." Sabi ko at lumabas na doon.

Pumasok naman ako sa kabilang kwarto at nag papasalamat ako na wala doon si Albert. Nag tungo ako sa damitan at nag bihis na ng isusuot para mamaya. Nag lagay ako ng kaunting damit sa bag na dadalin ko. May mga damit naman ako doon sa bahay ng mga lolo ko. Kaya di na kailangan ng madaming dadalin.

Ng matapos ay inilapag ko muna sa kama ang bag na dadalin ko at nag tungo ulit ako sa cr para mag sipilyo at mag lagay ng inilalagay sa mukha.

Saglit lang din ang tinagal ko doon at lumabas na ng cr. Nagulat pa ko ng nadoon si Albert sa kama nito at nakaupo. Deretso ang tingin sakin. Iniiwas ko ang tingin ko dito at nag tungo na sa pinto para lumabas.

BOSS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon