CHAPTER 11

2.1K 47 1
                                        

"I'M SO excited." Tili ni Mommy sa likod ko habang inaayusan ako dito sa loob ng kwarto ko.

"Ang ganda mo talaga Ma'am." Sabi ng bakla na nag aayos sakin.

"Salamat." Pilit na ngiti ang ibinigay ko dito.

Ilang minuto pa ang lumipas ay tapos na akong ayusan at bihis na din kami.

Nasa munisipyo na daw ang mga lalaki kaya umalis na din kami doon. Sumakay kami sa kotseng nag hihintay samin sa labas namin. Maraming nakatingin sa akin. Ang iba ay nag tataka at ang iba ay humahanga sa aking itsura.

Hindi pa man kami lubos na mag kaayos ni Albert. Ngayon. Pero gagawin ko to para sa kanila hindi sa sarili ko. Pwede ko namang bawiin yun kapag ayaw na ni Albert to.

Saglit pang byahe ay nasa munisipyo na kami. Lumabas na kami sa sasakyan at pumasok na sa munisipyo.

ORAS din ang inabot namin sa munisipyo. Ang mga naroon lang ay ang mga kamag-anak ko. Mommy ni Albert, kaibigan nito kahit si Richard ay na doon din. Sila Badeth at Edward ay na doon din. Maliban pa doon ay wala na.

Umuwi agad kami dahil sa bahay lang din naman ang handaan para doon. Nag catering pa nga si Mommy Audrey para doon. Masyadong marami ang handa para saamin lang. Mamayang gabi ay mag iinuman naman ang mga lalaki doon.

Ang mga na doon na pag kain ay. Garlic shrimp, Garlic chicken, nuggets(my favorite), rice, roast chicken, menudo, vegetable salad, coffe jelly, maja(my favorite), and cake syempre di mawawala yan. Apat ang cake na na roon. Ang isa ay may Mrs. And Mr. Del Rio, ang isa naman ay ang naka design doon ay pangalan ko at ang isa ay pangalan ni Albert, at ang isa doon ang pinakamalaki. 3ft cake yun na ang design ay ang building ng Del Rio company. Ayun ang gusto nila edi go lang.

Nag sipag kainan na ang mga bisita at kahit kami rin naman. Kwentuhan doon kwentuhan dito. Masyadong maingay at masyadong masaya ang araw na yun na halos good vibes lang ang mararamdaman mo. Pero kahit na ganun ay hinding hindi ko kinakalimutan na hindi pa kami ayos ni Albert. Pero sa araw na ito na espesyal samin dalawa ay hahayaan ko muna ang galit ko dito. Papalipasin ko muna .

Simpleng serebrasyon lang ang naganap hanggang sa umabot na ang gabi. Nag iinuman na ang ibang tao na nadoon parin. Ako ay kakaligo lang at nag bibihis na ngayon sa kwarto. Nang bumukas yun habang nag sosoot ako ng bra.

"Ano ba di marunong kumatok!" Inis na bulyaw ko kay Albert na basta basta nalang pumapasok. Ngayon kaseng araw na to ay mag kasama na kami sa iisang kwarto at sa kwarto ko yun.

Ipinag patuloy ko ang pag bibihis ko at hindi na ito ulit pinansin. "Hindi mo parin ako papansinin hanggang ngayon?" Tanong nito.

"Nag taka ka pa." Sabi ko dito.

"Can you just listen to my explanation?" Pa tanong na sabi nito.

"No." Sabi ko.

"What? What do you want huh? Na everyday nalang tayong ganito. Ano yung kanina pakitang tao mo lang na kung wari ay ayos tayo?. Ganto ba ang gusto mo huh, Joyce." Medyo inis na sabi nito sakin.

"Wag mo kong sinusumbatan sa sarili kong pamamahay Alberto!" Inis na sabi ko dito. " Tama nga siguro ang sabi sabi na ang babaero ay always babaero no?" Sakastimo ko pang sabi dito at sinuot na ang t-shirt na kanina ko pa kapit.

"Kung hinahayaan mo kong mag paliwanag ngayon diba." Inis pa na sabi nito.

"Oh, ala sige ano mag paliwanag ka ngayon. Pero asahan mo na hindi ako maniniwala sa paliwanag mo kase nakita mismo ng dalawa kong mata ang nangyare." Sabi ko dito at naka pamewang na humarap dito.

"Una walang nagyare o kung ano man yang iniisip mo." Sabi nito.

"Mag papaliwanag ka tas di mo alam kung ano ang iniisip ko." Na tatawang sabi ko.

"Ano ba ang iniisip mo ng makita mo kaming ganun?" Tanong pa nito.

"Lakas din ng loob mong mag tanong. Aba ano paba malamang sa malamang nakikipag lampungan ka doon sa babaeng yun. Una palang sa elevator eh, narinig ko na ang mga sinasabi ng mga nag tratrabaho doon na, yung ex ni sir na dito. Ganyan ganyan. Daming dada. Tapos ng pagbukas namin ng pinto. Napapawow nalang talaga ako. Ano pa kaya sa tingin mo ang iisipin ko nung araw na yun at oras na yun na makita mo ang boyfriend mong may kahalikang iba!" Inis na sabi ko dito. "Dapat itong kasal kasalan na to hindi ako pumayag. Dapat pala nakipag hiwalay nalang ako ng araw na yun!" Sigaw ko pa dito.

"Hindi ko naman hahayaan na makipag hiwalay ka sakin. Mag eexplain na ko. Kaya pakinggan mong maigi. Walang halikang nang yari ng araw na y-" nahinto ito sa pag sasalita ng mag salita ako.

"Walang halikan huh? Hindi ako bulag Alberto." Sabi ko dito. " Nakita ko pang tumingkayad yung babae mo . Syempre malamang sa malamng nag halikan nga kayo. Baka nga bago yun ay may nang yare pa sa inyo eh." Sabi ko pa dito.

"Hindi ko nga yun babae, ok sige oo inaamin ko nag dampi lang ang labi namin pero tinulak ko siya. Pinaalis ko nga kaagad eh. At walang nang yare samin. Simula ng may mang yare satin wala ng iba ikaw lang." Sabi nito.

"At sa tingin mo maniniwala ako sa ganyan ganyan mo. Nako Alberto sa ngayon sige pag bibigayn kita. Pag bibigyan na mag bago hane. Kasal na tayo. Mag asawa huh hindi mo na ko girlfriend ngayon asawa na. Kaya kahit saan ka pumunta kahit mag cr ka mag sabi ka sakin. Kung gusto mo lang naman . Pero sige isa pa isa pang makita kitang may ibang babae na kahalikan o ano pa yan. Iiwan at iiwan kita ng walang paalam." Sabi ko at lumabas na ng kwarto.

Bumaba na ako at nakipag halo bilo na sa mga bisita namin. Kwentuhan at harutan jan. Umiinom din naman ako pa unti unti nga lang syempre baka malasing at bumigay pa ako. Wag nalang no. Gusto ko pang matulog ng mahimbing.

MAG AALAUNA NA ng  mag sipag alisan ang bisita ang iba ay sa hotel nalang daw muna mag papalipas ng gabi at bukas ay uuwi din agad. Hindi naman ako nakainom ng marami. Nang mawala na sila lahat sa paningin ko ay doon naman ako nag simulang mag ligpit. Nang lumapit sa Albert sakin.

"Ako na mag liligpit mag pahinga kana." Sabi nito.

Iniwan ko nalang ito doon at pumasok na ko sa loob at umakyat na rin sa taas sa kwarto ko. Dumapa ako kaagad doon dahil inaantok na rin ako. Wala akong paki kung sakop ko pa ang kama, alam kong aayusin naman nun ang pwesto ko pag akyat niya.

*/////////////////*
Nakapag update din🥱 keep safe guys

BOSS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon