1 MONTH LATER
FEBRARY 14.
"So Joyce ano mang yayare sa date nyo ni Sir Albert?" Tanong ni Wendy sakin habang naka upo kami sa hapag kainan.
"Di ko alam, basta sabi nya mamayang 4 dapat bihis na ako." Sabi ko dito at sumubo ng kinakain ko.
"Ayie, ikaw na talaga gurl, kainggit ka." Nakasimangot na sabi ni Wendy.
Ilang minuto pa ang tinagal namin sa hapag kainan ng matapos kami at ako na din ang nag hugas ng pinggan.
Pahinga din namin ngayong araw dahil sabado din namam kaya pahinga day.... Yung ibang kasambahay dito ay nag sipag uwian muna.
Kahit naman pahinga day ko ay di ko talaga maiwasan na mag gawa dito sa bahay... I mean mansion pala hehe.
"Joyce, iha." Tawag sakin ni Ma'am Audrey.
"Po?"
"Sa summer diba sa inyo tayo?" Tanong nito sakin.
"Kayo po bahala. Maganda din po kaseng mag vacation doon sa palawan. Para mameet nyo na din po ang lola't lolo ko." Naka ngiting sabi ko dito.
"Ok sige doon na tayo sa inyo para ma meet na din namin ang iba mo pang kamag anak. Ilang taon na din kayo dito ng mama mo diba. Pati yung pinag-ipunan nyo ng mama mo na bahay diba ay nagawa na yun?"
"Opo dalawang taon na po yung bahay na gawa." Naka ngiting sabi ko din.
"Mabuti kung ganun. Ilang sukat yung binili mo na palayan ng mga magulang ng nanay mo doon?" Tanong nito.
"600 meters po." Sabi ko.
"Hmm mahaba haba na rin yun. Meron ba daw na katabing palayan yung inyo?." tanong pa nito.
"Sa malamang po meron po yun. Pero di ko lang po sure. Dahil nga po sa tagal na din na di kami na uwi na ni nanay sa probinsya. Pati po Kase yung kalapit bahay namin ay ang mansion ng mayor doon." Sabi ko.
"Sige pag punta nalang natin doon. Febrary ngayon sa April tayo pupunta sa inyo first week or second week." Ngiting sabi nito.
"Ipapaayos ko na sa secretary ko ang flight natin, ok?"
"Sige po." Ngiting sabi nito.
"Ahm. Pwede mo ba akong samahan sa salon?" Tanong nito sakin.
"Ahm, sige po, mag bihis lang po ako." Sabi ko dito.
"Sige, by the way kasama si Judy ,kami ang mag dadate ng nanay mo ,HAHAHA"
"Sige po, saglit lang po mag bibihis lang po ako." Paalam ko dito.
Nag mamadali akong pumasok sa kwarto ko at nag hanap ng maayos na maisusuot.
Nang matapos mag bihis ay nag ipit lang ako. Tyaka lumabas na din. Nakita ko na nag uusap sila Mama at Ma'am Audrey sa sala.
"Tara na iha. Alam kong may date pa kayo ng aking nag iisang anak." Kinikilig na sabi nito.
"Kanina ko pa nga po hindi nakikita ang isang yun eh." Sabi ko.
BINABASA MO ANG
BOSS (COMPLETED)
RomanceWARNING: MATURE CONTENT |R-18 Hindi ako mayaman na tao pero pinalaki ako ng nanay ko ng maayos. maginhawa ang buhay namin dahil sa pamilya Del Rio. Lalo na at napakabait ni Ma'am Audrey. Siya ang nag paaral sakin nakapag tapos naman ako pero hindi l...