1 MONTH AND 2 WEEKS LATER.
"NAKA balik din ulit sa wakas." Sabi ko ng makaupo ako sa sofa.
"Nako Iha alam kong pagod kana doon kana sa taas sa kwarto niyo." Sabi ni Mommy.
"Dito nalang ako My. Hintayin ko na po ang pag kain nagugutom na din po ako." Sabi ko naman dito at nahiga sa sofa.
"Albert anak. Ano ba mga pinaluto mong pag kain kay Manang?" Pasigaw na tanong nito sa Anak dahil nasa taas para iakyat ang mga gamit namin.
Bumaba na si Albert ng sumagot sa ina. "Garlic mushroom, Roast Chicken legs and sinigang na hipon. And for dessert is Chocolate Mousse cake and Banana's split." Sagot nito sa ina.
"Anung meron bat naman napakarami anak?"
"Masaya lang ako Mom." Sabi nito at tumingin sakin na napakataas ng ngiti
"At bakit naman?"
"Kase Mom, ok na po kami ni Joyce." Sabi nito.
"Edi good." Sabi ni Mommy at nag tungo na din ng kusina.
Lumapit sakin si Albert at umupo sa paanan ko. Hinilot niya ang hita at binti ko. "Are you ok?" Tanong nito.
"Oo naman, Gusto ko na sana matulog pero nagugutom na ko." Sabi ko dito.
"Kanina pa naman ako nag paluto kaya baka matatapos na sila manang mag luto." Sabi pa nito. "Uhm." Sabi ko nalang dito.
"TARA na kain na tayo." Silip ni Mama sa kusina dito sa bahay ni Albert, i mean namin daw .
"Ok po." Sabay naming sabi ni Albert. Tumayo kami at nag tungo na sa kusina. Pinag hatak ako ng upuan ni Albert. "Salamat." Sabi ko dito.
"What is that smell?" Tanong ko ng makasinghot ng hindi ko gusto.
"Bat parang ang bantot." Sabi ko pa at isa isang inamoy ang mga nasa lamesa.
"Ow this one. Bat ganun ang amoy?" Tanong ko pa.
"Bakit anak, ano ba na aamoy mo?" Tanong ni Mama.
"Amoy garlic eh." Sabi ko.
"Ah iha ayaw mo ba ng may bawang. Hindi naman sinabi ni Albert sakin agad." Sabi ni Manang.
"Ahm sorry manang. Ewan ko po kase basta po hindi ko lang nagustuhan ang amoy ng garlic ulit ngayon. Pero favorite ko naman po itong garlic mushroom eh." Nakasimangot na sabi ko.
"OMG, don't say na buntis ka na naman iha?" Tanong ni Mommy.
"Huh. Ako po? Hindi Mom." Sabi ko dito.
"Kilan ang huling may nang yare sa inyo?" Tanong bigla ni Mommy.
"Huli, nung binyag ni Baby JK." Sagot ni Albert
"Ay hindi na kataka taka jusko." Sabi ni Mama.
"Mag papa check up tayo mamaya huh." Sabi ni Mommy habang itinuloy ang pag kain.
"Ok po." Sabi ko nalang. Inilayo nalang nila sakin ang Garlic mushroom. Naging ok naman na ang pang amoy ko ket papano at nakakain naman ng maayos.
Nag matapos kumain ay nag pahinga lang kami ng ilang minuto bago umalis.
Nasa SUV na kami at nakatanaw lang ako sa labas. Naiwan sa bahay daw namin si Baby JK. Na doon naman sila Wendy kaya medyo panatag ako.
"Are you ok?" Tanong ni Albert na nasa tabi ko. Nilingon ko ito at ngumiti lang ako dito.
BINABASA MO ANG
BOSS (COMPLETED)
Roman d'amourWARNING: MATURE CONTENT |R-18 Hindi ako mayaman na tao pero pinalaki ako ng nanay ko ng maayos. maginhawa ang buhay namin dahil sa pamilya Del Rio. Lalo na at napakabait ni Ma'am Audrey. Siya ang nag paaral sakin nakapag tapos naman ako pero hindi l...
