CHAPTER 12

2.2K 49 2
                                        

ILANG ARAW pa kami sa palawan bago dumating ang araw ngayon na babalik na kami sa manila. Palabas na kami ng private jet ni Albert. Ayos na din kaming dalawa. Hindi na nag aaway , syempre wala na naman pag aawayan pa. Pero dahil na dito na naman kami sa manila paniguradong meron na naman yan.

Pag labas namin sa airport ay madaming tao ang dumagsa samin. May mga dalang camera at mic ang mga ito. Sunod sunod din ang tanong nila kay Albert.

" Mr. Del Rio, Totoo po bang kinasal na kayo?"

"Siya po ba ang babaeng pinakasalan niyo?"

"Bakit sa munisipyo po kayo kinasal? Bat hindi sa simbahan at hindi dito sa manila?"

"Arriange married lang po ba kayo?"

Sunod sunod na tanong ng mga tao doon. Buti nalang at may mga guard doon na nang haharang sa mga tao para di kami madagsa. Akala ko hindi sasagutin ni Albert yun. Pero huminto ito at tumingin sa mga tao doon.

"Yes kasal na ako at itong babaeng katabi ko ang pinakasalan ko. Hindi pilit ang kasal namin at mahal ko ang babaeng ito. Meet my wife. Mrs. Joyce Kirn M. Del Rio." Nakangiting sabi nito at hinalikan nalang ako basta na ikinalaki ng mata ko dito. Nahihiya ako kase madaming tao ang nadito.

Hinaharangan ako nito habang nag lalakad kami pa punta sa sasakyan namin. Nauna na sila Mommy at Mama doon.

NANG MAG GABI na ay na buryo ako sa bahay. Nasa sa sala ako ng bahay namin at medyo na pagod din.

Kanina kase ay may pinuntahan kaming lupa na binili ni Albert at patatayuan daw ng bahay namin. Kinausap namin ang architect at engineer na kilala nila Albert.

Binuksan ko ang tv at saktong balita yun.

"Chika minute si Mr. Alberto M. Del Rio ay kasal na nga ba?. Panoodin ang ibang video kanina sa airport ng umuwi ito galing daw sa probinsya ng babae."

Pinalabas doon ang ibang video nga kanina at may mga picture pa. Meron ding picture nung nasa may papagawaan namin daw ng bahay.

"Ala eh, ito ang ayoko yung na babalita ako." Sabi ko sa sarili ko at napa sampal nalang sa noo.

"So tama nga ang sabi sabi na kasal na itong si Mr. Del Rio. Ang may ari ng Del Rio building ,Del Rio cruise ship line ,hotel's and Restaurant. Na sikat sa buong mundo. Ang babaeng pinakasalan nito ay si Ms. Joyce kirn Meyer na ngayon ay Mrs. Joyce Kirn M. Del Rio na. Ang sabi pa ng batang bachelor ay hindi daw pilit ang kasal nila ng babae. At mahal na mahal niya daw ito." Sabi ng nag babalita sa tv. Huminto ito at may picture na mag kayakapan kami ni Albert na lumabas sa screen ng tv.

" Ang gusto ng maraming tao ay masagot ang katanunang ng mga ito. Bakit hindi daw legal ang pag papakasal nila o parang bakit hindi dito at public wedding. Pero syempre dapat ay hindi na nating pinapasok ang ganun sa buhay ng batang bachelor. Ayun lamang ang chika ko ngayon. Ako po si Iya Gomez. Nag babalita." Pag tutuloy nito.

Nang matapos ang balita ay pinatay ko na din ang tv. Tumayo na ko at umakyat na sa kwarto namin ni Albert. Nakita ko na mahimbing ang tulog nito. Nag tungo ako sa cr at nag shower doon.

2 months later

"Ma, ano po yang niluluto niyo ang baho." Sabi ko habang nag lalakad papasok sa kusina na nakatakip ang kamay sa ilong.

BOSS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon