"MA?." Tawag ko sa Nanay ko na abala sa pagtitiklop ng damit nito sa sariling kwarto.
"Ow? " Lumingon ito sakin pero ibinalik din sa ginagawa ang tingin.
"Ipasok niyo po ulit kaya akong labandera sa mansion nila madam. Nang makatulong ako ng ayos dito sa gastusing bahay. Ilang linggo na kong walang trabaho. " Sabi ko dito. "Dahil nga umalis na ko sa laundry shop jan malapit sa bukana ang bastos naman pala ng amo namin. " Kwento ko pa dito.
"Ay buti nga na umalis ka doon." Sabi nito. "Kakausapin ko si Madam bukas o mamaya at kailangan nga ng labandera din doon dahil umuwi ng probinsya ang labandera at may sakit ang ama. Di ka na naman bago doon sa mansion at kay Madam Audrey pati kay Sir. " Sabi nito.
"Salamat Ma. Wala kaseng tumatanggap na malaking trabaho pa sakin, hirap talaga mamuhay dito sa manila kahit sanay na tayo" sabi ko at umupo sa tabi nito at tinulungan sa pag titiklop.
Nang matapos kami mag tiklop ay kumain na kami ng hapunan habang nag kwekwentohan lang.
"Ma alam mo ang gwapo talaga ni Sir Albert." nasabi ko bigla.
"Sinabi mo pa anak, siguro kung mayaman tayo. Bagay talaga kayong dalawa. " Sabi nito na ikinangiti ko. "At nung nabubuhay din si Sir Albent no, ayun ang sabi niya at ayun din daw sana ang hiling niya. Na sana ay magkatuluyan kayong dalawa hanggang huli." Sabi pa nito.
"Bagay naman talaga kami ma. Yun nga lang malabong maging kami, eh kesyo mahirap nga lang tayo. Pero bat ang bait bait kaya satin ng mag inang yun noh ma. Tapos kapag may inuman ang mga kaibigan ni Sir kasama ako parati at isipin ko daw na belong na ko sa kanila tapos kapag kaarawan ko ang dami nilang regalo na mamahaling damit, relo, alahas, sapatos at iba pa. " Mahabang sabi ko. "Tapos isang beses ma, di ko pa na kwento ito sayo eh. Isang beses tinanong ako ni Sir Albert kung gusto ko daw ng sasakyan. Syempre ma kahit papano alam kung sobrang mahal ng sasakyan kaya inayawan ko. Kaya ayun cellphone na branded ang ibinigay ng matawagan at matext daw ako." Kwento ko na may kilig pa sa huli. "Alam mo ma, feeling ko may gusto yan sakin si Sir, feeling ko lang naman ma" sabi ko pa.
"Ang ganda mo naman kase, kung hindi lang tayo iniwan ng tatay mong kano. Aba baka napakaginhawa ng buhay natin pareho. Pero mas ok na ko dito na simple lang tayo at nakakaraos naman kahit papano dahil narin sa tulong nila madam. "sabi nito na pareho naming ikinangiti.
Natapos na kaming kumain ni mama at ako na ang naghugas. 7:30 na ng gabi at matutulog na kami mamaya dahil maaga kami bukas sa mansion. Malapit lang naman dito yun isang sakayan lang ng jeep o tricycle. Kaya di na kami lugi ni mama dahil malapit lang ang pinagtratrabahuan namin.
Tapos naman ako ng pag aaral pero walang tumatanggap sakin kahit taga pag linis lang talaga ay wala parin. Feeling ko may nag uutos sa mga ito na huwag akong papasukin sa trabahong yun. Pucha sa kakabasa ko sa wattpad to kaya ganito iniisip ko. Hahaha.
Nang matapos ako mag hugas ay nanood kami ni nanay ng kdrama sa cellphone ko. Wala naman kaming wifi dito, naka load lang ako at 32 inch lang na flat screen ang tv namin. Galing din yun kila madam, regalo nito kay mama noong nakaraang taon.
Nang matapos namin ang dalawang episode ng kdrama ay nag pasya na kaming matulog.
"IHO, Tumawag si Judy ang sabi ay baka pwede kong ipasok na labandera ang anak nito, ayos lang ba sayo na bumalik siya? " Tanong ni Mommy sakin habang kumakain kami ng dinner.
"Of course Mom, you know how much i miss her" sabi ko.
"Patay na patay ka talaga dun ano, pero ok naman ako sa kanya napakabait na bata at sipag eh." Sabi nito naikinangiti ko.
BINABASA MO ANG
BOSS (COMPLETED)
RomanceWARNING: MATURE CONTENT |R-18 Hindi ako mayaman na tao pero pinalaki ako ng nanay ko ng maayos. maginhawa ang buhay namin dahil sa pamilya Del Rio. Lalo na at napakabait ni Ma'am Audrey. Siya ang nag paaral sakin nakapag tapos naman ako pero hindi l...
