"MAAYOS NAMAN na ang lagay niya. Masyado lang siyang napagod. Kaya pag pahingahin mo muna siya." Sabi ni Mrs Lane.
"Salamat Doc." Sabi ko at tumingin kay Joyce na nakahiga sa kama ko.
"Paano ba yan mauna na ko." Sabi ng Doctor.
"Sige Doc salamat ulit." Pag papasalamat ko dito.
Tumabi ako kay Joyce tinitigan ito sa Mukha. Napalingon ako sa Side table ng kama ng tumunog ang cellphone nito. Kinuha ko yun at tiningnan kung sino.
'Richard😏' ang nakalagay. Tumayo ako at pinatay ang cellphone. Pumunta ako sa Closet at itinago doon ang cellphone nito. Nang matago ay lumabas muna ako ng kwarto at bumaba.
"Oh, ang aga mo naman Iho." Sabi ni Manang Selma.
"Ah eh. Inuwi ko lang ang asawa ko Manang." Sabi ko.
"Asawa?" Tanong nito.
"Opo manang si Joyce po yung kwenikwento ko sa inyo." Sabi ko dito.
"Ah. Buti nakita mo na siya. Isang taon mo kamo siya hinanap diba?"
"Opo manang." Sabi ko dito.
"So, anung plano mo?" Tanong nito sakin.
"Edi hindi ko na siya papakawalan pa Manang." Nakangiting sabi ko dito.
"At sa tingin mo papayag kaya yun."
"Ayun ang hindi ako sigurado." Sabi ko dito.
"Nako iho. Mahal mo ba talaga yang si Joyce?" Tanong nito sakin.
"Oho naman manang. Hahanapin ko ba ng isang taon yan kung hindi." Sabi ko dito.
"Ah sige ikaw bahala. Ano palang gusto mong ulam mamaya?"
"Adobo po manang." Sabi ko dito.
"Ok sige. Mamalengke ako at ubos na ang stock dito sa bahay." Sabi nito.
"Isama niyo na si Mak." Sabi ko.
"Oo naman aba. Gagamitin namin yung van." Sabi nito.
"Opo manang. Ingat po kayo." Sabi ko dito.
NAGISING ako dahil kumakalam na ang sekmora ko. Pag mulat ng mata ko ay hindi ako agad pamilyar sa kwarto. Bumangon ako at lumingon lingon. Pag tingin ko sa katabi ko ay si..
"A-Albert?" Bulong na tanong ko. Sinigurado kong si Albert ngayun. Tumingin ako sa orasan doon na napansin ko. 2:48 na ng madaling araw.
"Bakit ako narito?" Tanong ko muli sa sarili ko.
Inisip ko ang nangyare kahapon. Nang maalala ay napa iling nalang ako.
"Hinimatay ako?" Takang tanong ko ulit.
Tiningnan ko ang suot kong damit at iba na yun. Isang puting tshirt na sigurado akong kay Albert ito at Boxer. Dahan dahan akong umalis sa kama kahit na medyo mahapdi ang pagkababae ko. Hinanap ko ang dala kong bag kanina o kahit cellphone ko lang. Pero di ko mahanap doon.
Nag tungo ako sa sofa doon at doon ko nakita ang damit kong sinuot na nakatiklop na at ang bag na dala ko. Mabilis kong kinuha ang bag ko at hinanap ang cellphone ko pero wala.
"Nasan na yun?" Tanong ko sa sarili ko.
Nilibot ko ulit ang tingin ko sa buong kwarto. "Wala bang telephone dito?" Tanong ko.
"Bakit ba kase ka hinimatay kanina. Kainis naman Joyce oh." Inis na sabi ko sa sarili ko.
Napansin ko sa isang side table ang cellphone ni Albert. Kinuha ko yun at binuksan. Akala ko ay walang password. Pero pag bukas ko ay meron, letters pa talaga.
BINABASA MO ANG
BOSS (COMPLETED)
RomanceWARNING: MATURE CONTENT |R-18 Hindi ako mayaman na tao pero pinalaki ako ng nanay ko ng maayos. maginhawa ang buhay namin dahil sa pamilya Del Rio. Lalo na at napakabait ni Ma'am Audrey. Siya ang nag paaral sakin nakapag tapos naman ako pero hindi l...