"MUKHANG, ayos na ayos naman ang asawa mo." Salubong ni Rem ng makapasok ito sa opisina ko.
Nag angat ako ng tingin dito at takang tumingin dito. "What do you mean?" Tanong ko.
"Nakita ko lang yung Story niya." Sabi nito at umupo sa sofa doon. Napatayo ako at lumapit dito. "Story san?" Tanong ko.
"IG?" Patanong na sabi nito.
"Ano yun?" Tanong ko.
"Tsk instagram pre." Sabi nito.
"Di ko alam yun." Sabi ko at umupo sa isahang upuan doon.
"Ayos na ayos naman siya eh, nag my day lang siya ng My angel." Sabi nito.
"Where?" Tanong ko sabay lahad ng kamay dito.
"Hindi ko na Screenshot." Sabi nito.
"Ano bayan pre." Sabi ko.
"Pero alam mo na kung nasan siya?" Tanong ko.
"Hmm?" Sabi nito. Inilagay pa nito ang isang daliri sa baba at iniangat ang tingin sa kisame na parang nag iisip.
"Hindi ito libre pre." Sabi nito bigla.
"Name your price." Seryosong sabi ko.
"Hmm, may roon akong lupa malapit doon sa bagong bahay na pinagawa mo." Sabi nito.
"Bibilin ko. Sabihin mo lang kung mag kano." Sabi ko at tumayo na. Lumapit ako sa mesa ko at binuksan ang unang drawer doon. Kinuha ko ang cheque ko doon at kumuha din ako ng ballpen sa mesa ko. Bumalik ako sa pag kakaupo ko doon.
"Hmm, halatang gusto mo ng makita ang asawa mo ah." Nakangising sabi nito.
"Malamang, mag wawalong buwan ko ng hindi nakikita ang asawa ko." Sabi ko.
"6 digit lang." Sabi nito.
"Ang mura naman." Sabi ko.
"Hindi naman yun sobrang laki eh." Sabi nito.
"Tsk, 1 million mo na nahiya kapa. Alam naman nating sobrang kapal ng pag mumukha mo eh." Sabi ko habang nag susulat na. Pinirmahan ko na din yun.
"Oh." Abot ko dito.
"Yown." Sabi nito at malaki ang ngiti ng makita ang halaga na nakalagay sa cheque na binigay ko dito.
"So saan siya?" Tanong ko.
"Nasa palawan siya." Seryosong sabi nito.
"Pupuntahan ko ngayon doon." Sabi ko at tumayo.
"Sa isang araw kana pumunta kasal na nila Jordan bukas." Sabi nito.
"Oo nga pala. Ok sa isang araw nalang." Sabi ko.
"Alis na ko pre." Sabi nito at tumayo.
"Tawagan mo ko kung may tanong kapa." Sabi nito.
Tumango lang ako dito. Umupo ulit ako sa swivel chair ko. Tiningnan ko ang mga pipirmahan ko pa. Tatapusin ko na ito ngayon din.
"Makikita na rin kita sa wakas." Sabi ko at tumingin sa picture namin ni Joyce na nasa mesa ko. Napangiti ako sa isiping yun.
"Hintayin mo ko." Sabi ko pa.
"AALIS na ko." Paalam ni Richard samin.
"Ingat ka huh." Sabi ko.
"Mag ingat din kayo." Sabi nito.
"Ilang araw lang naman ako mawawala." Sabi pa nito.
"Sige na umalis kana pre." Sabi ni Edward.

BINABASA MO ANG
BOSS (COMPLETED)
RomanceWARNING: MATURE CONTENT |R-18 Hindi ako mayaman na tao pero pinalaki ako ng nanay ko ng maayos. maginhawa ang buhay namin dahil sa pamilya Del Rio. Lalo na at napakabait ni Ma'am Audrey. Siya ang nag paaral sakin nakapag tapos naman ako pero hindi l...