CHAPTER 28

2.7K 49 1
                                    

3 DAYS LATER

"EVERYTHING is ok now Iha." Sabi sakin ni Mommy ng mag alala ako sa mga pag kain ng bisita.

"Calm down Babe." Sabi naman ni Albert sa tabi ko. Kunot noo ko itong nilingon. "Anung Babe ka jan." Mataray na sabi ko dito. "Hehehe."

"So ok na lahat Mommy." Sabi ko sa byanan ko. "Oo nga iha. Ilang ulit na eh." Napakamot nalang ako sa noo ko.

"So let's go guys?" Tanong ni Richard na kakapasok lang sa sala.

"Let's go." Sabi ko at tumayo. Buhat ni Albert si Baby JK kaya nakaalis na kami doon agad.

FAST FORWARD

"KAIN na kayo." Aya ko sa mga bisita ng makarating sa reception ng binyag.

Madaming nag aabot ng regalo, at na tutuwa ako dahil na doon ang karamihan sa mga dating kaibigan at mga bagong kaibigan. Kahit ang ibang mga kaibigan ni Albert ay na roon din.

Si Baby JK naman ay halatang napagod sa kaliwat kanang pa picture ng mga ninang at ninong nito kaya ayun nakatulog.

"Ma." Tawag ko sa Nanay ko na inaasikasyo ang ibang mga inaya nito sa binyag.

"Si Badeth po?" Tanong ko dito.

"Aba nakita ko kanina na mag ka usap sila ni Edward eh." Sabi nito.

"Ah ganun po ba." Nasabi ko nalang.

"Babe Joyce." Rinig kong tawag sakin ni Labert sa likod ko.

Humarap ako dito at tinaasan ito ng kilay ng makalapit sakin ito. "Bakit tinatawag mo na naman akong Babe. Alam mo kanina ka pa huh!" Bulong na sabi ko dito.

"Bawal ba babe." Nakangising sabi nito at niyakap ako sa beywang. Aalisin ko na sana yun ng mag salita si Lola

"Aba't baka naman kagatin kami ng langgam dito sa pag ka sweet niyong dalawa huh." Sabi ni Lola.

"Nako La. Mas sweet pa kami nito pag kaming dalawa lang ng misis ko." Sabi ni Albert kay lola at hinalikan pa ko sa leeg.

"Ano ba!" Gigil na sabi ko dito.

"Najan si Lola. Sabi mo nga di nila alam na nag kahiwalay tayo." Bulong din nito.

"Ay nako. Jan na kayong dalawa. Huwag niyo muna susundan ang apo ko sa tuhod huh. Nako nako." Sabi nito at umalis na.

Nang makitang wala namang nakatingin samin ay tinulak ko palayo si Albert sakin. "Huwag ka nga yakap ng yakap at halik ng halik jan. Ipapaalala ko lang sayo hindi pa tayo ayos. " Sabi ko dito.

"I will court you again." Biglang seryosong sabi nito.

"Ligawan mo sarili mo. Che." Sabi ko dito at tinalikuran. Napa daan ako sa entrance at nakitang nakayakap si Edward kay Badeth na umiiyak siguro. Hinayaan ko nalang silang dalawa at umalis na doon. Nakipag usap ako sa ibang mga bisita.

"KAPAGOD." sabi ko ng makahiga sa guest room nila Richard.

Biglang bumukas ang pinto ng kwartong kinarorounan. Tiningnan ko kung sino yun.

"Anung ginagawa mo dito?" Tanong ko kay Albert habang buhat si Baby JK.

"Ahm. Nag poop siya eh." Sabi nito.

"Anung gusto mong gawin ko?" Tanong ko dito at umupo sa gitna ng kama.

"I don't know how to change it." Sabi nito.

"Tuturuan kita." Sabi ko at umalis na sa kama. Nag punta ako sa crib ni Baby JK. "Halita dito ihiga mo si JK." Utos ko dito habang kumukuha ng diaper sa closet.

TINURUAN ko itong mag punas ng pwet ng bata. Pero puro tawa lang ang nagawa ko kase parang nasusuka ito sa amoy ng poops ni Baby JK. Halos ilang minuto bago kami na tapos.

"Baho daw ng poops mo sabi ni Daddy mo anak." Natatawang sabi ko parin.

Tumawa din si Baby JK na akala mo ay na intindihan ang sinabi ko. Pag lingon ko kay Albert ay nakatingin lang ito sakin.

"Bat ka naman titig na titig jan?" Tanong ko dito.

"I miss that smile." Sabi nito. "And i'm happy na makita ko kayong dalawa na masaya." Sabi pa nito.

"Eh nako ka. Sino ba di matatawa sayo." Natatawa ko paring sabi dito.

"Can you give me one last chance Joyce?" Tanong nito.

"I will give you one last chance. This is the last chance Albert. Binigyan na kita noon pero sinayang mo yun." Seryosong sabi ko dito.

"I'm seriuos this time Babe. Kahit noon seryoso naman ako sadyang may makakating tao lang. Ikaw lang ang babaeng minahal ko noon hanggang ngayon. Simula nung nag katulong ka sa bahay ay nagustuhan na kita at hanggang ngayon mas lumala ang pag kakagusto ko sayo hindi na nga halos gusto itong nararamdaman ko kase mahal na kita. Nung kinasal tayo sa inyo. Plano ko sana ilang buwan lang ay mag pakasal naman tayo sa simbahan. Pero iniwan mo ko." He said.

"This time yung chance na binigay ko sayo huwag mo ng sayangin. Yung chance na yun isipin mo nalang kaya kita binigyan pa ng isang pagkakataon para sa anak natin Albert. Nung umalis ako nag dadalawang isip ako kung iiwan kita o hindi pero mas pinili kong iwan ka. Kase nung araw lang na yun naka ramdam ako ng sakit na ganun. Dahil ikaw ang unang lalaking pinapasok ko sa buhay ko. Ang tatay ko iniwan na kami nung baby palang ako, may babae siya nung panahong pinag bubuntis palang ako ni Mama." Sabi ko dito at naramdaman ko na pinahiran nito ang luhang tumulo sa pisnge ko. "Kaya medyo ganun din ang iniisip ko sa mga kabaro niyo." Sabi ko pa dito.

"Simula ng sagutin mo ko lahat ng atensyon ko na sayo na. Hindi na ko gaya ng Albert na babaero." Sabi nito at kinuha sakin si Baby JK.

"Ikaw lang ang babaeng gusto ko maiharap sa altar at ikaw lang din ang babaeng gusto ko maging ina ng mga anak ko." Nakangiting sabi nito.

"Itong last chance na binigay mo hinding hindi ko na ito sasayangin. Na dito naka sa alang alang ang kaligayan nating dalawa at ng anak natin, Baby." Nakangiting paring sabi nito at hinimas ang pisngi ko.

"Can i kiss you?"

Tango lang ang nasagot ko dito. Parang nawala ang nakaharang na bato sa puso ko sa mga sinabi nito. Dinampi nito ang labi sa labi ko. At may pag mamahal sa halik nito.

Sana maging maayos na ang lahat.

🐼Mami_panda🐼
HUHUHU last na 😭 Thanks guys sa parating pag support niyo sakin🥺 plano ko na mag self-pub ng book. Support niyo po ako. Pero very very soon pa pag iipunan ko pa siya at aayusin ang ibang mga story. Pag tapos nito ay mag papahinga muna ako. Mamimiss ko mag sulat HUHUHU. Keep safe guys tom.  Epilogue na❤️

ADD me on FB: Mami panda. (Link in comment section and in my Bio.)❤️

BOSS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon