DUMAAN ang isang linggo. Isang linggo na ng liligaw si Sir Albert sakin. Walang sawang bulaklak at chocolates ang ibinibigay nya sakin tuwing uuwi sya.
"Inday" kurot sa aking tagiliran ni Wendy.
"Ano? "
"Jusko ka ang swerte mo kay Sir noh. Di naman ka taka taka na mag kakagusto sayo yung tao, maganda ka oks manamit at masipag. Diba san kapa nga ba edi sayo na. Kainggit ka girl, nag kakandarapa ang boys seyo makuha lang ang oo mo." sabi nito.
"Wag kang mag alala makakahanap ka din ng sayo." Nakangiting sabi ko.
"Kilan? Tagal tagal naman eh..... kung di ko lang talaga kailangan ng malaking pera ay umalis na ko sa pag kakatulong at nag asawa agad, pero kailangan eh may sakit ang inang at amang" nakasimangot na sabi nito.
"Kung may maitutulong lang ako ginawa ko na Wendy, pero kase need ko din ng money ngayon, daming gastusin eh at buti ay ayos ang lolo at lola eh." Sabi ko.
"Hays, wala eh ako lang din ang aasahan samin." sabi nito habang tuloy tuloy sa pag lilinis na tinutulungan ko. Wala naman na akong ginagawa, dahil taga laba at minsan ay taga luto ako ng kakainin dito.
"Yieee." Tili ni Ava at tumakbo palapit samin ni Wendy. "Najan na si Sir, Joyce hinahanap kana." Kinikilig na sabi nito.
"Ala naasinan kaba sa pwet at ganyan ka." Natatawang sabi ko.
"Joyce baby, Where are you? I'm home." medyo malakas na sigaw nito.
"Yieee, kinikilig talaga ko sa inyong dalawa, bagay na bagay kayo." Sabi pa ni Ava. Naikinangiti ko. Kilala na naman ako ng mga tao dito ,lahat mababait at kasama na kami ni Nanay.
"Ala sige puntahan mo na yun, ako na bahala dito. Salamat sa pagtulong Joyce." Nakangiting sabi sakin ni Wendy.
"Sige." Sabi ko.
Nag lakad na ko papasok ng kabahayan, nasa garden kase kami at nag lilinis kahit nine na ng gabi.
Nakita ko si Albert na nakaupo na sa sofa.
"Hi, baby." Ngiting bati nito sakin at lalapit sana ng pigilan ko ito.
"Heps, madumi ako. "sabi ko. Nakakahiya at amoy pawis ako.
"It's ok." Sabi nito at lumapit ulit at ako ay umatras naman.
"No, no, no. Mabaho at madumi ako. "sabi ko.
Nakasimangot naman ito sakin. "Hug lang naman eh"
"Ala, maliligo muna ako pwede "sabi ko. "O kaya pag handaan na kita ng makakain mo, nagugutom ka na ba? "
"Sabay tayo pwede." Nakangiting sabi nito.
"Sabay saan? Kumain? "
"Nope, maligo sabay tayo." Nakangiting sabi nito.
"Ay Jusko napakarami ng langgam, abay anak mag hihintay na ba ako ng apo nito." Nakangiting sabi ni Ma'am Audrey habang bumababa sa hagdan.
"Mom." Nakangiting lumapit dito si Albert at hinalikan ang ginang sa pisngi.
"Pwede rin Mom na mag hintay kayo ni Tita Joy." Nakangiting sabi nito.
"Ala, sige po maiwan ko muna kayo at maliligo po muna ako." Nakangiting paalam ko at nag lakad na paalis sa sala at pumunta sa mga maids room doon at pumasok sa kwarto ko. Kumuha ako ng damit ko pati ang tuwalya at mga gamit sa katawan bago lumabas ulit ng kwarto at nagulat pa ko ng naduon si Albert sa gilid ng pinto ko.
"Nakakagulat ka naman, Sir." Sabi ko at humawak pa sa dibdib.
"Sabay tayo maligo." Sabi nito.

BINABASA MO ANG
BOSS (COMPLETED)
RomanceWARNING: MATURE CONTENT |R-18 Hindi ako mayaman na tao pero pinalaki ako ng nanay ko ng maayos. maginhawa ang buhay namin dahil sa pamilya Del Rio. Lalo na at napakabait ni Ma'am Audrey. Siya ang nag paaral sakin nakapag tapos naman ako pero hindi l...