NANG MAKAPASOK sa bahay ay nagulat talaga ko sa laki ng pinag bago.
"Mom, ang ganda." Sabi ko kay Mommy Audrey.
"Syempre magaling na architect at engineer ang kinuha ko." Sabi nito.
"Thank you Mommy." Sabi ko.
"Nako wala yun. Teka nga pala, kilan niyo plano umuwi dito?"
"Hmm baka pag tapos ng binyag ni JK." Sabi ko.
"Ay malapit na nga pala binyag nun ano." Sabi nito.
Umupo kami sa sofa doon. Si Richard at ang bodyguard nito ang nag akyat ng gamit namin sa taas.
"Ahm, mommy paki bigyan ng invitation po sila Wendy." Sabi ko dito.
"Oo sige. Pati pala yung si Rian yung nag ayos sayo. Jusko madaming pupunta doon. " Sabi nito. "Teka sila Jana ba ninang?" Tanong nito.
"Ah opo pinabigyan ko po kay Richard." Sabi ko dito.
Tumayo ito at kinuha ang bag. "So pano iwan ko na kayo huh. Kaya lang ako pumunta para buksan ang bahay. May meeting pa ko eh. And by the way iha. Ito ang gusto kong isuot mo pag apply mo mamaya." Sabi nito at inabot ang paper bag nitong dala sakin.
"Sige po. Meron na sana akong susuotin eh." Sabi ko dito.
"Ay huwag yun ang isuot mo. Gusto ko ayan ang isuot mo. Nung nasa hongkong ko payan iniorder nung isang araw lang dumating." Sabi nito.
"Ah sige heheh. Salamat ulit Mommy." Sabi ko dito.
"Wala yun. Oh ikaw din syempre meron." Sabi ni Mommy sabay abot ng paper bag din kay Badeth.
Sinilip yun ni Badeth at tuwang tuwa ng makita yun ng buo. "Hala salamat Tita." Sabi nito.
"Ano sige mauna na ko huh." Sabi nito at bumeso saamin.
"Hatid ko na po kayo sa labas." Sabi ko.
"Ay nako huwag na. Mag ayos na kayo at anung oras na." Sabi nito at nag paalam ulit. Wala naman kaming nagawa kaya umakyat na kami para mag ayos. Mag 2:30 na rin kase.
Saktong pag alis ni Mommy Audrey tyaka bumaba sila Richard.
"Where's Tita?" Tanong nito.
"Ah umalis na may meeting daw." Sabi ko dito.
"Akyat na kami huh. Mag aayos na kami." Sabi ko dito.
"Ah sige. Alis na muna ko. Babalik ako sa palawan madami akong aasikasuhin doon. Najan na naman sa labas si kuya Jon." Sabi nito.
"Ah sige ingat kayo." Sabi ko dito.
"Tawagan mo ko pag nag karon ng problema." Sabi nito.
"Ok." Sabi ko.
Umakyat na kami ni Badeth sa taas. Nasa uang pinto ang kwarto niya at ang akin ay nasa susunod na pinto.
Nanglalagkit ako kaya nag tungo ako agad sa cr para maligo. Buti at may mga shampoo at sabon na doon na ginagamit ko.
Mabilis lang ang naging ligo ko kaya lumabas ako ng cr na naka tapis ng tuwalya. Umupo ako sa gilid ng kama at binuksan ang dala kong bag para kunin ang blower ko. Nang makuha ay isinaksak ko na yun doon at nag patuyo ng buhok. Ilang minuto din ang inabot ko kaya nang matapos ay isinuot ko muna ang ibinigay ni Mommy Audrey sakin na dress at sapatos. Nang masuot yun ay chaka ako nag ayos.
NAG picture muna kami sa may tapat ng bahay namin ni Badeth bago umalis. Nasa byahe kami ngayon nang mag salita si kuya Jon.
"Ma'am ok lang po ba na mag leave ako ng isang buwan?" Tanong nito.

BINABASA MO ANG
BOSS (COMPLETED)
RomanceWARNING: MATURE CONTENT |R-18 Hindi ako mayaman na tao pero pinalaki ako ng nanay ko ng maayos. maginhawa ang buhay namin dahil sa pamilya Del Rio. Lalo na at napakabait ni Ma'am Audrey. Siya ang nag paaral sakin nakapag tapos naman ako pero hindi l...