"CLOSE your eyes baby." Sabi nito.
"Bakit?" Takang tanong ko dito.
"Basta dali na." Sabi nito.
"Ok ok" sabi ko tyaka pumikit.
Ilang minuto pa ang lumipas nang huminto si Albert.
"Pwede ko ng imulat mata ko?" Tanong ko.
"No no no baby, mamaya na." Sabi nito.
Narinig kong bumukas ang pinto at maya maya ay ang akin na ang bumukas.
"Aalalayan kitang bumaba, wag mo munang buksan ang mata mo huh." Sabi nito.
"Ok" Sabi ko.
Kinapitan nito ang kamay ko at siko. Inalalayan nitong makababa ang paa ko at ganun din sa ulo.
"Bat kase kailangan pang nakapikit" sabi ko dito.
"Basta baby sumunod ka nalang sakin" Sabi nito.
"Geh hakbang lang ikaw ng hakbang na dito lang ako aalalayan kita makapasok doon sa loob." Sabi nito.
"Ok sige" sabi ko.
Nag lakad na kami at halos inabot ata kami ng ilang minuto bago kami makarating doon pero wala pa kami sa mismong loob daw.
"Nasan ba tayo at may naririnig akong mga alon?" Takang tanong ko dito.
"Basta." Sabi ulit nito.
"Dahan dahan lang ang lakad malapit na tayo." Sabi pa nito.
Ilang hakbang pa ang ginawa namin bago ito nag salita ulit "Hagdan na yan 7 hakbang" Sabi nito.
Ginawa ko naman yun ng dahan dahan baka kase matapilok pa ako lalo at naka heels din ako.
"Ayan nakataas ka din. Meron pa hakbang ka lang. Malapit na talaga tayo." Sabi nito.
Nag lakad pa kami ng mga 20 hakbang pa ata yun bago kami huminto.
"Jan kalang sasabihin ko pag imumulat mo na ang mata mo huh. May kukunin lang ako" Sabi nito.
"Ok" Sabi ko.
5 minuto ata akong nakatayo doon bago ko marining ang sinabi nitong mag mulat na ko.
Dahan dahan akong nag mulat ng mata. Nung una ay medyo blur pa. Pero mga ilang sandali pa ay naging ayos na.
Nagulat ako ng makita ang lugar. Nakita ko din si Albert na nakatayo sa gitna na may kapit na bouquet ng rosas at meron din sa lapag ng mga petals ng pulang rosas.
"Omg" Nasabi ko nalang.
Naluluha akong tumingin dito.
Ang ganda ng lugar. Nasa likod ni Albert ang mesang may mga plato at iba pang gamit sa pagkain at meron namang mga kandila sa gitna at may isang vase din doon na may rose din sa gitna.
Nakalapit na pala sakin si Albert at pinunasan ang pisngi ko.
"Why are you crying? Di mo ba nagustohan?" Tanong nito.
Umiiling iling akong tumingin dito "Gustong gusto." Ngiting sabi ko dito at niyakap ito.
"Thank you , Thank you." Sabi ko dito.
Hinagod nito ang likod ko.
"Thank you din kase na gustuhan mo." Sabi nito.
Humiwalay na ko sa yakap namin.
Di ko na alam ang sasabihin ko dito.
"Di ko alam ang sasabihin ko." Nahihiyang sabi ko dito.
"It's ok" sabi nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/226451644-288-k901112.jpg)
BINABASA MO ANG
BOSS (COMPLETED)
RomantizmWARNING: MATURE CONTENT |R-18 Hindi ako mayaman na tao pero pinalaki ako ng nanay ko ng maayos. maginhawa ang buhay namin dahil sa pamilya Del Rio. Lalo na at napakabait ni Ma'am Audrey. Siya ang nag paaral sakin nakapag tapos naman ako pero hindi l...