"JOHN." Tawag ko sa secretary kong nasa labas ng opisina ko. Ilang segundo pa ay pumasok na ito sa loob ng office ko.
"Bakit po sir?" Tanong nito.
"Ready my car." Sabi ko at sumandal sa likod ng upuan ko.
"Bakit po?" Tanong ulit nito.
"Pupunta ko ng Bro Hotel ngayon and paki sabi sa secretary ni Richard doon na huwag ulit sabihin sa boss nila na bibisita ako doon. Ang alam ko ay maraming mag aapply doon ngayon kaya baka kailanganin din ako." Sabi ko dito.
"Sige po Sir." Sabi nito at lumabas na din agad. Ipinahinga ko muna ang sarili ko habang hinihintay na sabihin ni John na ok na ang sasakyan ko. Tinatamad akong mag drive kaya ko iniutos sa kanya yun.
Ilang saglit pa ay bumukas na ulit ang pinto. "Ok, na po Sir." Sabi nito.
"Ok, ipag drive mo ko doon. Kailangan din kita doon." Sabi ko.
"Sige po sir." Sabi nito.
Tumayo na ko at kinuha ang cellphone ko doon at susi ng kotse. Hinagis ko yun kay John at nasalo naman nito yun. Lumabas na kami ng office at sumakay ng elevator. Sumandal ako doon para mag pahenga ulit. Kanina pa ko trabaho ng trabaho kakapagod.
Bumukas naman agad ang elevator ng nasa parking na kami. Lumabas kami doon at nag lakad patungo sa kotse ko. Pinag buksan ako ni John ng pinto sa back seat. Sumunod na pumasok ay ito. Pinaandar na din nito agad yun. Medyo malayo naman ang Bro hotel kaya mag papahinga muna ko saglit.
"John, gisingin mo ko pag na doon na tayo huh." Sabi ko dito.
"Sige po sir." Sabi nito.
Kinuha ko ang neck pillow ko sa likod ng kotse ko ay iniligay yun palibot sa leeg ko. Iniayos ko ang upo ko at sumandal. Ipinikit ang mata para maidlip.
"SIGURADO ka na ba anak?" Tanong ni Mama.
"Opo Ma. Isang linggo lang ako doon tapos babalik balik ako dito ng uwi. Kailangan kong mag trabaho. Ayoko ng umasa sa binibigay ni Mommy." Sabi ko.
"Ikaw ang bahala." Sabi nito.
"Kayo na po muna ang bahala kay Baby Jk. Kahit bisi-bisitahin niyo din sila Badeth para may kalaro yan." Sabi ko.
"Oo anak." Sabi nito.
Nag aayos ako ng gamit ko na dadalin sa manila. Doon muna ako ng isang linggo para mag hanap ng trabaho o mag trabaho agad. Dahil sa Bro hotel naman ako papasok.
Biglang bumukas ang pinto. "Tapos kana?" Tanong ni Richard.
"Matatapos na." Sabi ko.
"Beshhh." Rinig kong sigaw ni Badeth sa labas.
"Bakit?" Balik na sigaw ko. Tumingin ako sa pinto at sakto namang pumasok doon si Badeth.
"Sama ko pwede?" Tanong nito ng mailapag nito ang anak nito sa kama sa tabi ni Baby Jk.
"Huh? Bakit ka sasama?" Tanong ko dito.
"Dali na sama mo na ko. Isasama ko din si Baby EM." Sabi nito.
"Anim na linggo palang pag kalipas ng panganganak mo. Ayos naba ang lagay mo?" Tanong ko dito.
"Abay oo naman. Isama mo na kase kami." Sabi nito.
"Bakit ba?" Tanong ko dito.
"Abay basta isama mo kaming dalawa huh." Sabi nito at niyakap ako sa beywang.
"Oo na makulit ka eh." Sabi ko.
"Yehey." Sabi nito at hinalikan pa ko sa pisnge.
"Nasa baba na pala gamit namin." Sabi nito.

BINABASA MO ANG
BOSS (COMPLETED)
RomanceWARNING: MATURE CONTENT |R-18 Hindi ako mayaman na tao pero pinalaki ako ng nanay ko ng maayos. maginhawa ang buhay namin dahil sa pamilya Del Rio. Lalo na at napakabait ni Ma'am Audrey. Siya ang nag paaral sakin nakapag tapos naman ako pero hindi l...