CHAPTER 19

1.9K 40 1
                                        

ISANG linggo din kami na natili sa hospital ni Baby JK. Pero tatlong linggo na si baby Jk at ngayon ay nasa bahay na kami ni Richard.

Bumukas ang pinto ng kwarto ko sa bahay ni Richard iniluwa nun ay si Mama na may dalang tray.

"Anak ubusin mo ang sabaw huh, kailangan mo yan." Sabi nito.

"Salamat Ma." Sabi ko. Inilapag nito sa harap ko ang tray na dala.

Natakam naman ako dahil salmon yun. Alas syete palang ng umaga so umagahan ko ito. At may roong sabaw doon.

"Ihahanda ko lang ang pangpaligo mo." Sabi ni Mama.

"Sige po." Sabi ko.

Sinilip ko si Baby Jk sa tabi ko. Ang himbing parin ng tulog. Napuyat ako dito dahil mga alas tres ata yun ng umiyak ito dahil gustong dumede.

Kumain na ako ng umagahan ko. Ilang minuto na kong kumakain ng bumukas ulit ang pinto at pumasok si Richard. Nakangiti itong umupo sa gilid ng kama.

"Musta?" Tanong nito.

"Ok naman." Sabi ko.

"Di ako nakauwi nung isang araw eh, ang daming ginagawang trabaho sa hotel eh. Ang ka partner ko doon ay ilang buwan na din daw hindi nag pupunta doon kaya ako lahat nag ayos." Sabi nito.

"Ok lang naman. Siguro mag tratrabaho na rin ako pag mga tatlo o apat na buwan na si Baby JK." Sabi ko.

"Hmm, pwede kita ipasok doon sa Bro Hotel." Sabi nito.

"Edi ok. Para naman samin ni JK yun." Sabi ko.

"Ah eh yung bahay niyo nga pala sa manila. Matagal na palang pinagawa ni Tita Audrey yun." Sabi nito.

"Seryoso?" Tanong ko dito habang may laman ang bibig ko.

"Oo nga. Kase diba sabi mo tingnan ko ang dati niyong bahay." Sabi nito na tango lang ang sagot ko dahil kumakain ako. " Kanina ko lang dinaanan bago ko umuwi dito. Maayos na dalawang palapag apat na kwarto sa taas. Tas mas lumuwag kase binili ni Tita ang sa kapit bahay niyo." Sabi nito.

"Seryoso ka talaga jan?" Tanong ko ulit pag katapos kung lunukin ang kinakain ko. Ilang subo nalang naman ay tapos na ko.

"Oo nga. Di ko na picturan eh." Sabi nito habang nag kakamot sa batok.

"Saan mo ba gustong binyagan yang si Baby JK?" Tanong nito.

"Sa manila na syempre. Na doon ang mga kaibigan ko/natin eh." Sabi ko.

"Eh ilang buwan siya?" Tanong nito.

"Mga pag ka tatlong buwan niya, isang linggo pag tapos nun." Sabi ko.

"Oh sige." Sabi nito. "Kilan mo ba plano bumalik doon?" Tanong nito.

"Ay teka dito ko nalang kaya yan pa binyagan sila nalang pumunta dito." Sabi ko.

"Mas mabuti pa nga." Sabi nito.

"Sige dito nalang. Sabihan mo nalang sila Jana." Sabi ko dito.

"Ah oo nga pala nakasalubong ko sila. Buntis na si Jana ng dalawang buwan. Pati sabi nila baka this week ,bisitahin ka nila or bukas daw." Sabi nito.

"Ah eh edi ako nalang mag sasabi sa kanila." Sabi ko.

"Ok." Sabi nito.

Lumabas na si Mama sa cr. "Ayos na ang pang paligo mo." Sabi nito. Tumango ako. Buti at tapos na kong kumain.

Naramdaman kong gumalaw ang gilid ko. Sinilip ko ulit si Baby JK at gising na ito.

"Ang baby ay gising na." Sabi ko at hinalikan ito sa leeg.

BOSS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon