"IKAKASAL na sila Jordan at Jana sa susunod na buwan." Sabi ni Richard.
"Oh, edi congrats sa kanila." Sabi ko.
"Nasabi nga nila sakin. Gusto daw sana nila na na doon ka. Tinanong pa ni Jana si Albert kung nag kita naba kayo. Syempre sabi ni Albert hindi pa." Sabi pa nito.
Nasa kanila kami ngayon. Lahat kami nila Badeth, Edward at Mama. Birthday kase ng Bunsong kapatid ni Richard na si Rian. Kaya ito ngayon nasa balkonahe kami nila. Nag kwekwentuhan kaming dalawa dito dahil ang mga bisita ay natatanaw namin sa malaking garden nila. Ibig sabihin lang ay nasa manila kami ngayon. Ngayon lang naman dahil uuwi din kami mamaya. Nasa rooftop nila ang helicopter na gamit namin papunta dito.
"Bigyan ko nalang sila ng regalo. Ibigay mo sana ng kayong tatlo lang ang nakakaalam." Sabi ko.
"Ok sige." Sabi nito.
Nag stay pa kami ng ilang minuto doon bago pumasok sa loob.
"Oh, na dito lang pala kayong dalawa." Sabi ng Mommy ni Richard.
"Iha, kilan ka nga ulit manganganak?" Tanong nito.
"Next month Tita." Sabi ko.
"Oh, malapit na. Ang mga kasama mo ay nag sipag akyatan ng makita si Albert sa baba." Sabi nito.
"Ho, si Albert? Narito?" Tanong ko.
"Oo kakarating lang." Sabi nito.
Tumingin ako kay Richard. "Mom, ihahatid ko na ulit sila sa palawan ngayon na." Sabi ni Richard.
"Ok kayo bahala." Sabi nito.
"Una na po ako Tita." Sabi ko at bumeso dito.
"Ingat." Sabi nito. Tumango nalang ako at nag tungo sa sala sa taas.
"Ma." Tawag atensyon ko dito.
"Anak, narito si Albert." Tumayo ito at sinabi yun.
"Oo nga Ma. Kakasabi lang sakin ni Tita." Sabi ko.
"Tita, uuwi na po tayo sa palawan." Sabi ni Richard.
"Ok, sige." Sabi nito.
Umalis na kami doon. Nag tungo muna kami sa kwartong pinag lagyan ng gamit namin. Kinuha lang namin lahat ng gamit namin doon at umaakyat na sa rooftop nila Richard. Gumamit kami ng elevator paakyat sa rooftop nila.
"Bakla, mag pakita kana kaya kay Albert." Sabi ni Badeth. Naka kunot noo akong tumingin dito. "Di ko pa kaya." Sabi ko.
"Ok." Sabi nito.
Naunang pumasok sila Badeth at Edward. Sumunod si Mama at ako ang huli. Binuhat ako ni Richard para makaakyat sa helicopter.
"Ok ka na?" Tanong nito.
"Oo, salamat." Sabi ko.
Ito ang mag papalipad ng helicopter.
Nang simulang paliparin nito ang helicopter ay tumingin lang ako sa baba. Tiningnan ang magandang lugar ng manila. Hindi namin rinig ang ingay ng helicopter dahil soundproof itong helicopter ni Richard.
ORAS din ang lumipas ng makababa kami sa airport nila Richard, dito sa palawan. Kumain muna kami sa isang restaurant doon.
"Hindi tayo nakapag paalam sa kapatid mo Richard." Sabi ko.
"Tatawagan ko nalang mamaya." Sabi nito at nag patuloy sa pag kain.
May lumapit samin na dalawang babae at titig na titig sakin. "Ikaw po yung asawa ni Albert Del Rio diba?" Tanong ng isa. Hindi ako naka imik agad.

BINABASA MO ANG
BOSS (COMPLETED)
RomantizmWARNING: MATURE CONTENT |R-18 Hindi ako mayaman na tao pero pinalaki ako ng nanay ko ng maayos. maginhawa ang buhay namin dahil sa pamilya Del Rio. Lalo na at napakabait ni Ma'am Audrey. Siya ang nag paaral sakin nakapag tapos naman ako pero hindi l...