Vanilla
"Van, bakit hindi ka daw pwede uminom?" Takang tanong sakin ni Terry.
I'm beside her. Like me, she's just drinking a green mango shake. Ako naman banana mango shake. Si Corinne naman ay Avocado shake.
Cute naming tatlo. We're totally left out habang ang saya saya nung iba. They were drinking my favorite brandy and whiskey.
"Bawal pa daw sabi ni Leigh." sagot ni Corinne na busy sa pagsketch sa sketch book nya.
"Bot ka din?" Inosenteng tanong sakin ni Terry.
Si Corinne naman ay natawa lang at namula. Pati tuloy ako nagblush na din yata.
Ang straightforward kasi netong si Terry. Nakakainis.
"Bakit bot ka?" I teased her back. Pero unlike sakin, hindi ito nahihiya na tumango.
"Sam is being nice sometimes to let me be top. Pero madalas lagi akong talo. So heto, ganito lang pwede kong inumin dahil baka magpass out na naman ako." Malungkot na tiningnan nito yung shake nito.
Si Corinne naman ay natawang ibinaba yung hawak nitong charcoal pencil.
"Di ba alam mo na yung number ng drinks mo? Demand Sam na pasalihin ka doon."
Umiling ulit si Terry.
"Hindi pwede, Ate Corinne. Toka ko yung maglaundry at maglinis ng bahay bukas. Straight hours ang duty ni Sam sa susunod na araw e."
"Ander ka pala e. Balik mo na yung alay ko. Hindi na ko naniniwala sa powers mo."
Tsk. Kaaabot ko pa naman ng gift check sa kanya para makabili sya ng gusto nyang food sa mall na pag-aari ng pamilya namin. Tapos ander lang din pala sya.
"Ander ka din naman ah!"
"Hindi a!" mabilis na sagot ko at kuntodo iling pa para kapani-paniwala. "Ako kaya laging top."
"Weh? Patunayan mo nga." Kantyaw pa nito na hindi naniniwala.
"Why would I? Just believe it. Gusto mo turuan pa kita e."
Umiling lang samin si Corinne na para bang nasisiraan na kaming dalawa ni Terry.
Si Corinne kasi alam na alam namin na upperhand sa kanila ni Aria.
Kaya ganyan yan samin ni Terry e.
Sabay na bumagsak yung mukha namin ni Terry sa mesa. Untog noo talaga sa mesa.
"Isn't it nice to be in control sometimes? Yung tayo naman yung sinusunod?" Hinarap nito yung mukha nito sakin habang nakalapat pa din yung right cheek sa mesa.
I'm also facing her, nakalapat yung left cheek ko sa table. "Yeah, yung tipong sila naman yung matataranta sa atin no?"
"Yung lahat ng sasabihin natin parang bilib na bilib sila. Tapos lahat ng gusto nating bilihin bibilhin nila."
"Yeah." I agreed. "I want to eat too much sweets. Gusto ko magstocks ng chocolates sa fridge o kaya ng Lays, Cheetos, Doritos. I want to drink sodas. I want to drink cappucino and muffins."
"Ang sarap nun. Gusto ko din nun, Van. Bili mo ko. Nauumay na ko sa pinapakain sakin ni Samantha. Puro dahon dahon. Mukha na akong kambing o."
Napatingin tuloy ako kay Terry. Mukha ngang namumutla na ito.
"Ako din. Leigh's stocks are making me lose my appetite too. Ayoko din ng dahon. Mas gusto ko ng steak. Puro oatmeals, fresh milk at healthy stuff din laman ng fridge namin."
BINABASA MO ANG
Vanilla's Poser Girl
Chick-Lit"What makes you think you're already in love? You haven't even met that Zero." Natawa naman ako sa kaibigan kong si Leigh habang inaayos ko yung sintas ng sapatos ko. "Why Leigh? Do you fall in love at first sight? Hindi naman din di ba? Saka sabi m...