Chapter 21

20.4K 947 299
                                        

Leigh

"Leigh!"

Napabalikwas ako nang bangon nang marinig ko yung tili ni Vanilla.

I immediately grabbed my robe na nakapatong sa couch sa loob ng kwarto habang nagmamadaling sinuot iyon at lumabas.

I heard her shouting my name again. Halos lakad-takbo tuloy ako.

"Van?"

Naabutan ko sya sa kusina. Everything in there is truly a mess. Lahat yata nakakalat sa countertop. Yung mga kaldero at kawali nakakalat sa lababo. Pati mga measuring cup at strainer. Pati mga kutsilyo at chopping board.

"Hey, what's wrong?"

Naaliw na pinagmasdan ko yung mukha nyang naiiyak na naman. She's really enchanting pag ganito na mukha syang nawawalang bata.

My sweet innocent Vanilla, bakit ang aga aga ang cute mo na naman?

"I'm cooking."

"Talaga?" pinigilan ko yung sarili ko na matawa. Ang totoo, hindi ko talaga maisip na marunong syang magluto.

I've been with her eversince. I just know that she's not meant to be in the kitchen.

But give her the credit, Leigh. Atleast she's trying.

"What do you want, Leigh?"

"Lulutuin mo?"

Nakangiting tumango-tango ito na para bang na-eexcite.

"I just want to drink Strawberry yougurt in the morning, Vanilla. Pero kung may lulutuin ka, syempre kakainin ko. Kahit ano."

"Mabuti naman. Nagluto ako ng nilaga. Tinuruan ako ni Terry nito. Ilang beses ko pang pinractice sa kanila bago ko naperfect."

"Nilaga?"

Tumango ito at ngumiti na tila ba excited na excited. Pero nang mapalingon sa mga kalat nito ay nawala na yung ngiti nito.

Siguro iniisip nya kung paano liligpitin iyon. Tamad pa naman yang babaeng iyan. Mahilig kumain pero hindi naman marunong magluto.

"Leigh, ikaw magligpit ha? Ako na nagluto e." Sabi pa nito na para bang nagpapaawa pa.

Noon ko lang napansin na nakasuot lang ito ng hapit na sando at cotton shorts.

Bahagyang pinagpapawisan na din ito. Siguro dahil nga sa pagluluto.

"Okay. I'll do it. Maghain ka na para makakain na tayo. I'll wash the dishes too." Pagkasabi niyon ay sinimulan ko ng ligpitin lahat ng kalat nya. I'm still wondering kung bakit wala man lang akong nakikitang pinagbalatan nya ng mga ingredients na ginamit nya sa pagluluto. Worst, wala naman akong naaamoy na nilaga.

Pero syempre being the most understanding and nice girlfriend, sinarili ko na lang. Mahirap na. Baka masaktan pa ko.

My curiosity was answered in just a few minutes.

Pigil na pigil ko yung tawa ko ng ipakita nya sakin yung niluto nya.

"Tingin mo?"

She's giving me a plate of boiled egg.

"That's great, sweetie."

I bit my lower lip to control the urge to kiss her senseless. She's so damn cute.

"Talaga? You weren't disappointed?"

"Of course not. Everything starts with the basics. Next time ako naman magtuturo sayo kung paano magluto. Yung mga gaya ni Terry kasi mga pangbasic lang alam nun. Syempre sa world-class chef ka dapat magpaturo." I gave her a flirty wink.

Vanilla's Poser GirlMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon