Vanilla
"Hey, bakit mukhang magkakaaway kayo?"
Ayan na naman yung brag na si Grant. Kadarating lang nito. Bago na naman yung kotse kasi nayupi at nagasgasan siguro yung Jaguar Coupe nito nung nakipaghabulan kina Hariette. Stingray naman ngayon. Brand new Chevrolet Corvette. Red pa yung kulay.
"Gosh! Ang hunk!"
Napasimangot pa ako nang lapitan iyon ni Leigh na halatang gustong-gusto. I immediately note in my mind na bibili din ako noon. Favorite color pa naman ni Leigh yung red.
Akala ko kasi okay na si Leigh dun sa pinakamamahal nyang Lotus car. Paborito nya kasi gamitin yun lalo na pag magkasama kami.
"Wanna ride that?"
Parang nagdadalawang isip pa talaga si Leigh kaya inis na binato ko na sya ng hawak kong neck pillow. Buti nasalo nito iyon bago pa malaglag sa sahig. Kundi pareho kaming walang gagamitin mamaya lalo pa at long drive pa naman.
Imbecile ka talaga Leigh. Dapat sumagot ka agad na hindi. Pasusukahin ka na naman nyan ni Grant. But on a second thought, mabuti nga siguro na sukahan mo yung interior nyan. Letse kayo!
Lumingon muna ito sakin saka pilit na pilit na umiling kay Grant. Halatang out of courtesy lang dahil magagalit yung girlfriend nya pag tumango sya. Yung isa naman natawa lang at inakbayan pa si Leigh.
"Dump her Leigh, I can afford to buy you luxurious cars every month."
"Yucks, sugar mommy." Malakas na komento ni Terry sa tabi ko. Ramdam ko pa yung pagtapik nya sa siko ko.
Napatango tuloy ako ng wala sa oras.
"Kaya nga. Bugaw yung datingan."
"Wait, Are you referring to me or to Leigh's current girlfriend, soon-to-be ex?"
Sabay kaming napacross arms ni Terry. Lalo tuloy natawa si Grant samin.
"Dwarves. Cute nyo."
"Mali naman. Di ba dapat dwarfs?" sabi ko pa kay Terry.
Si Terry naman siniko ako. "Tanga mo talaga Van. Inulit mo pa. Nilait na nga tayo."
Tiningnan ko tuloy si Terry. "Hindi naman ako tinamaan e. Tinamaan ka ba?"
Nagulat ako nang suntukin nya ko sa braso. Halatang na-offend.
Hala, 5'2 naman yung height nya. Por que 5'11 si Grant?
Pagkatapos ay tumakbo na si tinkerbell palapit kay Samantha. Sinumbong siguro nito si Grant kasi tumingin samin si Sam bago tinapik sa ulo si Tinkerbell. Halatang inaalo.
Lalo tuloy na-entertain samin si Grant. Inirapan ko tuloy sya.
"Scottish, babe. Dwarves." Nakangising sabi nito at saka humalik sa pisngi ko. "I'm just kidding, Van. Di ko type si Leigh. Don't worry. Mas type ko yung mga palaban kesa sa submissive na gaya nitong girlfriend mo. I'll surely get bored with her. Buti hindi ka nababagot dito?"
Ngumiti lang dito si Leigh na halatang hindi man lang na-offend.
So ibig sabihin talagang hindi nya papatulan yan si Grant?
"There's an imaginary printed name on my forehead. Vanilla's lang. Wag mong ipilit Grant. Inaasar mo pa yung baby ko e. " Sabi pa ni Leigh.
Doon lang nawala yung pagkainis ko. Mabuti na yung malinaw.
Niyakap ko na din si Grant. Dapat siguro bigyan ko din ito ng alay para hindi na landiin si Leigh.
Napaghiwalay lang kami nang marinig namin yung tinis ng boses ni Hariette.
BINABASA MO ANG
Vanilla's Poser Girl
ChickLit"What makes you think you're already in love? You haven't even met that Zero." Natawa naman ako sa kaibigan kong si Leigh habang inaayos ko yung sintas ng sapatos ko. "Why Leigh? Do you fall in love at first sight? Hindi naman din di ba? Saka sabi m...