Leigh
"Please visit us whenever you feel like visiting us."
I watched at how humbly my Vanilla hugged Carmilla. Si Carmi naman ay mukhang nadala na din ng pagiging mabait ni Van. She gave me back atleast half ng lahat ng nakuha nito kay Van. Sinabi pa nito na wag ko na lang din daw sabihin kay Van iyon dahil ayaw na din nitong mabahiran pa ng kahit anong monetary issue yung namamagitan sa kanila.
Minsan pala talaga violence is not always the answer to violence. Kindness and forgiveness can make a good feat too.
With Vanilla's kindness and charm, she managed to change our hearts full of hatred. Ako at si Carmi.
"Leigh, I'm sorry."
Ngumiti ako kay Carmi at niyakap din ito. Ang totoo medyo ayoko pa din sya makita. Pero dahil nga minsan nakukunsensya ako kapag nagsisimula na maglitanya si Van about Carmi's improvement sa therapy nito, I decided to cross the bridge and make amends.
Seeing her now, It's as if something heavy was uplifted in me. Maybe Van is right, it takes a stronger act to be able to forgive and forget. And just move on and live.
"Take care, Carmi. We might not have a good start. But I'm sincerely wishing you the best now." Sabi ko pa.
Tumango ito at saka isinenyas yung sasakyan nito na maghahatid dito sa Airport. She will be going back now in the U.S on where her family is staying. For good, I guess.
"Just give us a call if you need someone to talk to. Okay?" Kumaway pa dito si Van.
Out of instinct ay kinabig ko tuloy ito palapit sakin. Mukhang gusto pa sumama kay Carmi e.
Nang tuluyan ng makaalis yung sasakyan ni Carmi ay saka ko naman hinatak si Van papasok ng coffee shop nila Sam at Terry. Investor din naman din kasi kami dito kaya pinopromote na din namin ni Vanilla.
"Van, Lika dito. Dali!" Sigaw agad ni Terry na hinatak sakin palayo si Vanilla. Aangal pa sana ako pero inakbayan na ako ni Samantha.
"Let the girls handle that. It's about Railey."
"Ang alin?"
"May pag-uusapan daw silang plano. Hindi din sinabi sakin ni Terry e. Gusto kong mag eavesdrop." Pasimpleng sabi pa ni Sam sa tabi ko at Itinuro yung upuan sa may dulo ng coffee shop. I saw Grant on one of the tables, kaharap si Aria na busy sa pagtitig sa hawak nitong tablet. Malayo sa pwesto nila Van, Terry, Corinne, at Railey.
"Seryoso yan? Magpaplano sila? With Vanilla and Terry instead sa ating dalawa?" tanong ko pa kay Sam.
Maging si Samantha ay natatawang tumango din na halatang hindi din makapaniwala.
Nang makalapit kami kay Grant ay noon ko lang napansin yung laptop nito na nasa ibabaw ng table. Nakapatong lang iyon. Wala naman itong ginagawa.
"Wear this." Sabi pa nitong ngiting-ngiti na inabutan kami ni Samantha ng tig-isang wireless earphone.
"What's this?"
Inabot ko iyon at isinuot sa left ear ko. I gaped when I recognized the voices. Napalingon tuloy ako sa direksyon nila Vanilla.
"They're so funny." Tawang-tawa talaga si Grant na halatang nag-eenjoy sa pakikinig. Samantalang si Aria ay tipong cool na cool lnag din. While Sam has that proud grin. Mukhang proud na proud sa bida-bidang asawa nito.
Hinatak ko na din yung upuan at naupo doon.
"Gagi, Van. Ano ng nangyari? Nakuha mo na ba yung information nung Alice na yun sa office ni Leigh?" dinig ko pang tanong ni Terry.
BINABASA MO ANG
Vanilla's Poser Girl
ChickLit"What makes you think you're already in love? You haven't even met that Zero." Natawa naman ako sa kaibigan kong si Leigh habang inaayos ko yung sintas ng sapatos ko. "Why Leigh? Do you fall in love at first sight? Hindi naman din di ba? Saka sabi m...