Chapter 27

16.9K 805 226
                                    

Vanilla

Katatapos lang namin maligo ni Leigh. We both stink dahil sa suka nya kanina.

First time ko lang yata sya nakita na ganoon ka-helpless. Being a model, I'm used to seeing Leigh na laging parang rarampa o kaya may photoshoot. Kahit nga na hindi ito magmake up o mag-suklay, basta yung damit at ayos nito halatang pang Royal Blood pa din.

"Okay ka lang?" I get her a glass of water.

Tumango naman ito kahit halatang nahihilo pa. Gago talaga yun si Grant. Pinahirapan pa ng husto si Leigh. Dapat talaga sa kanya sumuka si Leigh e. Para makabawi man lang.

I hate them. Lalo na si Alliston. Sya talaga ang pinakamasama ang ugali samin. Lagi nya kami pinaghihiwalay ni Leigh.

We both heard the knocking on the door of our room.

"Maaga pa para magbedtime, guys. Baka pwede labasin nyo muna kami dito." Dinig ko pa yung hagikgik ni Railey na halatang nang-aasar.

Isa pa yan. Pinagtulung-tulungan nila kami ni Leigh. I hate her too.

"Anong ginawa nila sayo?" Nag-aalala din na tanong sakin ni Leigh bagamat halatang nanghihina ito.

"I hate them. Niloko ako ni Alliston at Sammie. Sabi nila magbabakasyon daw tayong dalawa. Dadalhin daw nila tayo sa private villa ni Aria sa Balesin. Para daw makapag-usap tayo ng maayos." Napasinghot pa ako dahil naiiyak na naman ako.

Muntik na naman akong mauto. Buti na lang naalala ko yung sinabi ni Leigh sakin dati na wag masyado magtiwala pag nagiging mabait ng husto si Alliston. Kasi siguradong may pinaplano itong hindi maganda.

Akala ko kakampi ko pa naman si Sammie at Jen. Buti napansin ko agad na inuuto lang nila ako. If I am gullible, good thing that they've include Jen in the plan. Atleast kahit papaano nakapag-isip isip din ako. Leigh is always saying to me that Jen is a terrible liar. If I want to know something, I just have to ask Jen. Well, I just did. When I started asking kung paano nila kukuhain si Leigh, nagkasala-salabit na yung mga pinagsasabi nito.

That's why I carefully plan my escape too.

Knowing Sammie and Alliston, hindi ko kaya makipag one-on-one combat sa kanila para makatakas. I pretended na nauuto nila ako. When I got the chance to escape, I just did it without turning back. Nagkunwari ako na bibili lang ako ng mga chocolates and chips. But I never came back. Akala nila kasi hindi ako tatakas, na under control nila ako, na paniwalang-paniwala sa sinasabi nila. I got them on that.

Pabalik na ako nang condo namin ni Leigh when I noticed her na sumakay ng kotse ni Grant. I followed them. I then understand that it's all just a trick too.

Ang totoong may plano ay sila Alliston, Sam, at Grant. Bait lang sila Hariette, Railey, at Aria para ipush si Leigh na ipakita na kampi sila dito. They'll bring me down at gagatungan lahat ng points ni Leigh. That way, mafo-force si Leigh to weigh things not just on her own perspective but also on mine. It's Leigh's nature to protect me. Because that's she is. If someone sees her point, she'll try to outweigh it too. She loves stability and balance too much.

"Grant told me about their plans. Tinulungan nya ako na makalayo kina Harriete at Aria."

Umiling ako at saka sumandal kay Leigh nang payakap.

"Grant's a playmaker. Ang plano ni Grant sigurado ay ilayo ka sakin. Kakampi ko si Hariette at Railey. Alam ni Grant na itatakas ka panigurado ng dalawa para dalahin sakin. You know how much those two hates cunning Alliston. Grant is a two-side face too. Mahirap magtiwala din minsan sa kanya. Dami nyang hidden motives at sikreto."

Natigilan si Leigh na para bang nagugulat ito na nag-iisip na din ako ng ganito. Ako din naman. Pero kilala ko din kaya sila.

"I'm proud of you, Vanilla. Your reasoning and critical thinking is improving."

Vanilla's Poser GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon