Vanilla
"Hariette." Kinakabahan ako habang nakatingin kay Leigh na nasa malapit sa villa at katulong sina Grant na magluto.
"Problema mo?" Masungit na sabi nitong isa na nakatingin din doon sa tinitingnan ko.
"I'll ask Leigh to marry me. Tingin mo she'll say yes?"
Ngumiti ng nakakaloko si Hariette saka lalo pa akong hinatak sa malalim na part ng dagat. Plano na yata akong lunurin. Di pa naman ako magaling lumangoy.
Napatili tuloy ako ng malakas. Lalo pa at hindi na abot ng paa ko yung ilalim. Kuntodo kapit na ko sa leeg ni Hariette.
Pag ako talaga binitawan nito iiyak ako ng malakas.
"There, she's coming to save you now Van. Tingin mo sasagot ng Yes yan pag inaya mo magpakasal?"
True to her words, Leigh is already rushing to save me. Halatang nag-aalala. Ako tuloy nakalimutan na hindi ko pala abot yung ilalim. Bumitaw ako kay Hariette at planong salubungin sana si Leigh.
Napatili tuloy ako sa pagkataranta. Pakiramdam ko nakainom pa ako ng tubig-alat. Lalo tuloy ako nagpapanic. Buti may puso pa din si Hariette at hinatak ako pataas.
Sunod-sunod yung pag-ubo ko dahil sa dami ng nainom kong tubig-dagat. My eyes are brimming in tears. In an instant nakalapit na samin si Leigh, kinuha nya ako kay Hariette.
"Leigh!" I slammed my body to her. Halatang nagulat ito dahil parang lulubog din kami sa lakas ng impact ng pagdamba ko sa kanya.
"Hey, it's okay Vanilla. Andito na ko. I won't let you drown." Leigh's voice is so sweet and endearing.
"Nilulunod ako ni Hariette." Naiiyak pa talaga ako. Feeling ko nanginginig yung tuhod ko sa takot.
Leigh put her forehead into mine. Tapos natawa lang ito.
Dapat awayin nya si Hariette kasi nilulunod ako.
"You can't die yet. We'll have little Vanilla pa." bulong pa nito.
"Yeah. I want to get married with you pa. I want to travel the world too beside you. Yung magkaroon pa ng little Leigh. Dapat yung kasing sweet mo." Sunod-sunod na sabi ko.
On my peripheral vision, I saw Hariette rolling her eyes na halatang nandidiri sa mga pinagsasabi namin ni Leigh. She excused herself in silence at lumangoy papuntang pampang. Mukhang aahon na din.
If I know, mukhang plano nya lang mang-inis kay Grant doon.
"Ayaw mo ng little Vanilla?"
Mabilis akong umiling. It's so hard to be me. Kawawa naman si Leigh pag naging kasingkulit ko yung babies namin. Siguradong sasakit ng husto yung ulo nya.
"I want three kids Leigh. It's so sad to be an only child. Dapat kasing ganda, kasing bait at kasing talino mo"
"How about a mixture of us, Van? I want them to be as pure-hearted as you are. I want them to be humans not just a version of me. Dapat yung kaya nilang i-balance yung feelings nila and their reasonings. Yung kasing bait mo pero kasing wise ko. I want them to have your eyes and your photographic memory. I want them to have half of your innocence and charm. "
"Bakit half lang?"
Leigh chuckled at that. I love the feeling of her heartbeat into mine. Kinikilig talaga ako pag ganitong nakayakap sya sakin. Feeling ko safe na safe mabuhay sa mundo.
"Kasi pag lahat nakuha sayo magiging uto-uto din sila. Imagine if Terry and Sam would have kids too, for sure kawawa mga babies natin sa kanila pag naging best friends din sila."
BINABASA MO ANG
Vanilla's Poser Girl
أدب نسائي"What makes you think you're already in love? You haven't even met that Zero." Natawa naman ako sa kaibigan kong si Leigh habang inaayos ko yung sintas ng sapatos ko. "Why Leigh? Do you fall in love at first sight? Hindi naman din di ba? Saka sabi m...