Chapter 16

15.3K 844 477
                                    

Vanilla

"Ang weak mo naman pala, Van." Kantyaw ni Terry habang nandito kami sa kwarto.

Nakahiga ako sa kama dahil sinisipon na ako at sobrang sakit ng tyan ko dahil sa pag-inom ko ng sampung bote ng strawberry yogurt ni Leigh kagabi.

Feeling ko nga dehydrated na ko e. Kasi nilagyan na din ako ng alternative dextrose ni Sam sa may veins ko. Para daw di ako madehydrate.

"Sabi ko na nga ba bot ka e." Tumawa pa ito.

"Hindi aa. Top kaya ako. Utusan ko lang yan si Leigh. Gusto mo utusan ko pa yan e."

Pareho tuloy kaming napatingin kina Sam at Leigh na nagkukwentuhan. Halatang close na close sila. Well, kaming tatlo naman talaga yung pinakasuper close.

"Tinanong ako ni Leigh kagabi dun sa perang binigay nya. Nanghingi na ako ulit ng allowance para pag kakain ulit tayo. Gusto ko ulit ng steak, pizza at sodas."

"Bibigyan ka na daw nya ulit ng allowance?"

"Oo. Sabi ko dagdagan nya kasi tig-dalawang steak lang natin yung last time."

"Ayy, ang mahal naman kasi yung steak na yun. Pero sulit kasi masarap. Sabi nga ni Sam ikaw daw talaga may alam kung saan masarap ang mga pagkain. Kaso iready na daw ang bulsa pag ikaw ang kasama."

Umismid naman ako. Kasalanan ko ba na yung taste buds ko pang expensive na pagkain lang ang gusto?

" Ililibre na lang kita. Madami namang pera si Leigh. Saka wala ka naman pera din e. "

"Heto o, tingnan mo. Binigyan na din ko ng card ni Sam. Pwede na tayong kumain ulit ng steak sa labas. Ikaw naman ililibre ko."

"Talaga?" Napaupo talaga ako sa kama sa sobrang excitement ko. "Sige, magkano ba credit limit mo?"

"Credit limit? Hala, hindi ko alam. Tatanungin ko pa si Samantha."

"Tsk. Wag mo pasamahin yan si Sam kay Leigh. Magiging kuripot din yan, Nako!"

"Oy, hindi aa. Galante kaya si Samantha. Si Leigh ba hindi? Sabi ni Sam si Leigh daw pinakamataas ang networth sainyong lahat e. Bukod pa daw sa pagiging Royal blood ni Leigh. So dapat sabihan mo si Leigh na wag ka tipirin."

Napasimangot naman ako. Madami ngang pera kuripot naman.

Nung nakaraan na nasira ko yung pinakamahal nyang lingerie, dalawang araw nya akong sinasabihan na sya na lang magkukusang maghubad sa sarili nya pag magwowork-out kami.

Hmp. Napaka kuripot. Parang damit lang. Bilihan ko pa sya ng sampung ganun e.

"Madamot kaya si Leigh. Parang maghihirap pag gumastos."

"Practical lang siguro. Alam mo naman na todo-hirap din yun sa pagngiti sa camera e."

Napasimangot naman ako ng maalala na model nga pala si Leigh.

"Saka nga pala, binilhan na din ako ni Sam ng maraming stocks natin. Sabi ko kasi umiiyak ka kahapon dahil dahon na naman yung kinain natin." Sabi pa nito na naupo na din sa tabi ko habang ipinagbabalat ako ng apple.

"Sana sinabi mo damihan nya para nakapag-uwi din ako dito. Wala kaming stocks. Puro hindi masarap. Kaya nga ako lumabas kagabi e. Kasi walang pagkain dito."

"Bakit hindi ka nagluto?"

"I don't know how to cook."

Sinamaan ko ng tingin si Terry ng mukhang tatawanan ako nito ng malakas.

Kaya naman napabungisngis na lamg ito.

"Kahit prito hindi ka marunong?"

"I'm a Carriedo, Tinkerbell. We have cook and chef at home."

Vanilla's Poser GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon