Chapter 28

16.4K 846 468
                                    

Leigh

"Leigh!"

I run out of the bathroom with the smell of burnt cookies. I wrapped the towel to cover my nakedness and run towards the kitchen.

I saw Vanilla half in tears while staring at her half-burnt baked cookies.

"What went wrong? Were you hurt?" Nag-aalalang nilapitan ko sya para icheck yung kamay nya kung napaso ba sya.

"No. My cookies were..." Pumalahaw na talaga sya ng iyak.

Hindi ko tuloy malaman kung tatawa ba ako o aaluin sya. Goodness. I can't imagine us having kids. Baka maging kasing gaya pa ni Vanilla ang mga ito. Siguradong mabilis akong tatanda. Unfair!

"Hey, it's alright. Pwede ka naman magbake ulit di ba?"

Tumingin ito sa suot nitong relo.

"Male-late tayo." Suminghot pa ito at pinahid ng braso yung luha.

Shems! She's being too irresistible right now.

"Pwede naman tayo ma-late."

Mabilis na sunod-sunod na umiling si Van. Tapos inisa isa na nitong ilagay sa kitchen sink yung mga ginamit nito.

"Railey would be mad. Alam mo naman na magpupuslit lang ulit iyon ng sasakyan e."

"Well.." Natatawang hinalikan ko yung pisngi nya. I can't help it. She's too cute. "We can take a plane. Mauuna pa tayo sa kanila."

"Ayaw." Nagsuot na ito ng gloves at sinimulan maghugas. "May usapan kami nila Terry na sabay sabay kami nila Corinne. Saka madami akong baon. Ipapa-inggit ko kay Terry lahat ng inuwi mong pasalubong sakin."

I shyly scratched my nape. Vanilla, Terry, and Corinne are being best friends now. Pero okay na din kahit papano. They are surely good influence with Vanilla. Street smart kasi ang mga ito. They aren't so intelligent but they are wise. Yung form of teaching nila kay Van, yung tipong pang survival. Sobrang praktikal. Unlike us that were book-based and factual.

"Saan mo dadalhin yan?" Takang tanong ko nang mukhang itatapon nya na yung bin-bake nyang cookies.

"I'll throw it out. Alangan naman ipakain ko sa prinsesa ko yung ganito?" nakasimangot pa talaga ito nung sinabi nito iyon.

Damn! Prinsesa daw.

"I'll take that. Kakainin ko mamaya sa sasakyan."

Kumuha pa ako ng glass container at doon ko nilagay lahat ng cookies na ginawa nya. Hindi naman siguro ako malalason kahit medyo toasted na iyon. Hindi naman totally color black-burnt. Medyo masakit lang siguro sa ngipin iyon.

Nevertheless, Van made it for me kaya okay lang naman siguro. I can just consult a dentist after.

Pero sana wag naman.

"Leigh, magbihis ka na. Ang tagal mo pa naman." Sabi pa ni Vanilla na patapos na maghugas.

Is she so excited for our first get-together tapos we will be coming there as a couple?

"I've readied my things too." Sabi pa nito.

Ako naman ay lihim na natawa. I've checked her things. Kulang kulang na naman yung mga nilagay nya kaya inayos ko pa. That's why late na ako nakaligo e. Lagi talaga syang walang dalang towel. Tapos makikihiram sakin. Not that I hate it, pero syempre vanity pa din. Saka yung damit na nilagay nya laging konti. Kaya madalas nanghihiram ito ng damit e.

The last time ipinagshopping ko na sya ng mga bagong damit at gamit. Si Vanilla din kasi minsan parang si Railey. Yung suot na Tees pare-pareho. She have Tees na sampung piraso. Tapos may times na ayun lang yung sinusuot nya araw-araw.

Vanilla's Poser GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon