Chapter 20

16.7K 911 890
                                    

Vanilla

Gusto kong matawa kung paano ibato ni Leigh yung mga luggage ni Alliston palabas ng unit. Pati tuloy sila Railey at Sam nakatayo na sa harapan ng mga unit nila at nakatingin samin.

Pero umurong lahat ng tawa ko nang makitang seryoso talaga si Leigh. Her face is flushed and red. Ayaw talaga nito pagstay-in sa unit namin si Alliston.

"Get outta here, Alli. You're ruining our night!" Inis na sabi pa nito kay Alliston na nakangiti lang na mukhang trip talaga mang-inis.

"Just suck it up, Leigh. I'll sleep next to Van, get outta here. Umuwi ka na sainyo."

"Subukan mong tumabi kay Vanilla. Isasako talaga kita, tatadtarin ng pinung-pino, at itatapon palabas."

Wew! Parang nilamig din yata ako. Bakit parang nakakatakot si Leigh?
Maybe kasi ngayon lang sya nagbanta ng ganyan na in details pa?

Tumawa si Alliston. Ni hindi man lang ito kinilabutan sa sinabi ni Leigh.

"Why don't we ask Van kung ayaw nya akong katabi matulog? Or better yet kung gusto nya akong paalisin?"

Iritableng tiningnan ako ng masama ni Leigh pagkatapos. Nanahimik naman ako dito aa.

Imbes na magsalita ay napalunok na lang talaga ako sa takot. What should I do when she's already playing her hand knife between her fingers? Bull's eye magdart at maghandknife itong si Leigh e. Baka bumagsak na lang akong walang buhay pag nagkataon.

Kahit left hand pa gamit nya, I won't risk my life. One wrong answer and I'll surely drop dead.

"Hala, dito na lang samin matutulog si Alliston para di na kayo mag-away." Sabat ni Terry. She's so cute habang tila natutulala pa talaga kay Alliston.

Nakasilip ito sa pintuan habang hinaharangan ni Samantha yung line of vision nito. Kaya ang ginawa nya, nilusot nya yung ulo nya sa braso ng nakapamaywang na si Sam.

"Talaga, Pwede ak—"

"No!" Sammie abruptly cut off Alliston. "Makakagulo ka lang dito. Fully booked na kami. Madami kaming schedules."

Inis na hinampas ni Terry sa tyan nito si Sam. "Anong fully booked? Kawawa naman si Alliston. Baka kung saan saan na yan matulog."

"Don't worry about her, she'll survived. Malapit na nyang maabot yung net worth ni Leigh no." Masungit pa na sabi ni Sam dito.

Hays. Nakakaawa naman si Tinkerbell. Kras nya daw kasi talaga yang si Alliston.

Saka pagkakataon na namin ito ni Terry na makakain ng masasarap at libre. Masyadong mabait yang si Alliston. Pag sinabi kong ginugutom kami ni Sammie at Leigh, for sure lahat ng gusto namin ni Terry bibilhin nya for us.

"C'mon Leigh, kawawa naman nga si Alliston. Dito na lang sya matulog sa guestroom. Wala naman natutulog sa kabilang kwarto e." Sabi ko pa.

"E kung ikaw kaya yung tadtarin at isako ko, Vanilla?"

I motioned to zip my mouth. Boses pa lang ni Leigh mukhang mamamatay na ko.

"Ayy, Tanga naman netong si Van." Komento pa ni Terry.

Si Railey naman na katabi si Grant at Hariette ay tawang-tawa naman. Nandun sila sa pinto ng unit ni Railey. They were enjoying the sight too. Ang sama nila. Hindi man lang nila naiisip yung kapakanan ni Alliston.

"Lagot ako kay Leigh o. Nakikita mo ba yan?" Itinuro ko pa yung naiinis na itsura ni Leigh. She's truly pissed off.

Bakit ba kasi sya nagagalit? Para makikitulog lang naman si Alliston e. Sa mansyon nga nila dati nag.i.stay si Alli dati. Ngayon nagdadamot na sya.

Vanilla's Poser GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon