Nang dumating ang araw ng sabado ay nagsimula na rin kaagad ang pagiging tutor ko kay Agatha Denniz— Agatha pala, iyon ang gusto niyang itawag ko sa kaniya.
Hindi ko maiwasan na humanga nang unang beses kong makapasok sa bahay— mansyon nila. Malaki ang mansion nila pero hindi na ako nagulat dahil inaasahan ko na iyon. Pagpasok ko pa lamang ng kanilang pinto ay bumungad na sa akin sa dalawang gilid ang dalawang hadan patungo sa pangalawang palapag. Sa kaliwa ko naman ay naroon ang kanilang kusina. Dirty kitchen ata ang tawag doon kapag sa mayayaman. Masasabi kong kumpleto ang kanilang kagamitan doon.
Sa gitna ay nakita kong naroon ang kanilang sala at naroon kami ngayon. Nakaupo ako sa kulay puti nilang sopa, natatakot nga ako dahil baka mamura ako nitong kasama ko kapag nagkabahid iyon ng kahit kaonting dumi. Siya naman ay nakaupo sa sahig at nakapanghalumbaba ang kamay sa pabilog na lamesa sa aming harapan. May nakasapin doong kulay puti ring tela.
Nakakahiyang kumilos sa ganitong klase ng lugar. Kailangan ko ng ibayong pag-iigat dahil hindi ako sanay.
"Magsimula tayo sa subject kung saan ka nahihirapan," sabi ko.
Inirapan niya kaagad ako. Kitang kita ko ang paggalaw ng kulay kayumanggi niyang pares ng mga mata.
"Sa lahat ng subject ay nahihirapan ako." Bumagsak ang balikat niya dahil sa kawalan ng pag-asa. Hindi ako makapaniwalang nahihirapan siya sa lahat ng subject.
"Anong unang subject mo?"
"Creative Writing," sagot niya.
"Sige, sa creative writing tayo magsimula." Hinanap ko ang libro niya para sa subject na iyon. "Anong chapter n'yo na rito?"
"Twelve," mabilis na sagot niya. Binuklat ko ang libro niya at nahinto sa chapter na sinabi niya. Dahil napag-aralan na namin iyon ay hindi na ako mahihirapan.
Nagsimula na ako kaagad turuan siya. Sa una ay nagtanong ako ng mga definition at pinahulaan ko sa kaniya ang sagot. Hindi ko iyon kinuha sa chapter 12 kundi sa mas nauna pang pahina pero hindi niya pa rin masagot.
Hindi nga ata siya nag-aaral.
"Tsk! Bakit ba ang hirap ng mga tanong na ibinibigay mo? Napag-aralan na ba namin 'yan?" Kitang-kita ko kung paanong nangunot ang kaniyang noo. Kaonti na lang ay magsasalpukan na ang dulo ng dalawa niyang kilay.
"Alam mo bang galing sa chapter 11 ang mga itinatanong ko sa 'yo?"
"Malamang hindi!"
"Malamang ay hindi ka rin nakikinig kaya hindi mo alam," pilosopong sagot ko.
Sa tingin ko ay kung magiging mabait ako ay hindi siya matututo at patuloy niya lamang akong babarahin kaya kailangan kong alamin kung magiging maayos kung sa ganitong paraan.
"Tsk! Wala naman kasing kwenta ang itinuturo nila!"
Isa rin ata sa masama niyang ugali ay ang pagiging reklamador.
"Mas mawawalan ng kwenta ang perang ibinabayad ng mga magulang mo para sa tuition fee mo kung hindi ka makikinig sa mga guro mo. At saka isa pa, wala kang karapatang sabihing walang kwenta ang mga itinuturo nila, nagpuyat sila para doon kaya dapat mong i-appreciate ang mga ginagawa nila."
"Tsk! Ang dami mong sinasabi! Wala ka rin namang kwenta!"
Nagpanting ang tainga ko dahil sa tinuran niya. Wala siyang karapatang sabihan ako ng gano'n. Nagtatama na ang mga ngipin ko dahil sa pagtitimpi.
"Alam mo, Agatha, hindi masamang magsabi ng mabuti. Hindi ka ba napapagod magsalita ng mga masasakit na salita sa kapwa mo kahit hindi mo naman sigurado ang mga sinasabi mo?"
BINABASA MO ANG
Caleb's Secret (Completed)
General FictionMatalino, matiyaga, marangal, may paninindigan, at mapagmahal. Lahat iyan ay katangian ni Caleb. Siya ay simpleng namumuhay hanggang sa makasalamuha niya si Agatha, ang babaeng maarte, mayaman, maganda, at masama ang ugali. Dahil huling taon na nil...