25

212 11 43
                                        

Tahimik na naglalakad si Agatha sa hallway ng hospital. Alas dies na ng umaga at kagagaling niya lamang sa kanila. Patungo na siya sa kwarto ni Caleb nang marinig niya ang pag-iyak ni Vena.

May gumapang na kaba sa kaniyang loob. Nagmamadali siyang tumakbo at saka nilapitan ang umiiyak na babae.

Kasama nito ang kaniyang asawa. Naroon din si Kiara na umiiyak. Nagsimulang mangatog ang tuhod ni Agatha.

"A-Ano pong nangyari?" Hindi na napigilan ni Agatha ang magtanong.

Nilingon siya ng mga ito. Ang mga lumuluhang mata ng mga ito ay nakita niyang masiyado nang namumula, tanda na kanina pa silang umiiyak.

Nagkatinginan sila, nagpaparamdaman kung sino ang dapat na sumagot. Sa huli at si Vena rin ang sumagot.

Inaya niya si Agatha na maupo at saka roon sinimulang paliwanagan.

Nahihirapan siyang magkwento dahil sa kaniyang pagsinghot.

"Si Caleb."

Iyon pa lamang ang naririnig ni Agatha ngunit malaki na kaagad ang epekto sa kaniya. Iba ang pakiramdam niya at hindi na siya kaagad mapakali.

Nilingon niya ang pinto ng kwarto ni Caleb at saka muling nilingon si Vena. "Ano pong mayroon kay Caleb?"

Atat na atat na siyang malaman. Ang mga luha niyang nangingilid ay nagbabadya ng pumatak ano mang oras.

"Kanina pa siya sumusuka ng dugo, Agatha," singhot ni Vena; muli niyang piniglan ang pag-iyak. "Inaasikaso na siya ng mga doktor pero patuloy pa rin kanina pa."

Tuluyang nanlabo ang mata ni Agatha dahil sa pagtulo ng kaniyang mga luha. Hindi niya matanggap ang sinasabi ni Vena. Ayaw iyon tanggapin ng kaniyang sistema.

"H-Hindi totoo 'yan," iling niya. Nangangatal na ang kaniyang labi at patuloy ang pagsinghot dahil sa pagluha. Ano mang oras ay bibigay ang katawan niya. "Pupuntahan ko siya. . . H-Hindi ako maniniwala sa sinsasabi n'yo hangga't hindi ko siya nakikita."

Marahas niyang pinahid ang luha at saka tumayo ngunit pinigilan siya ni Kiara. Naiiling niya itong kinausap. "'Wag, Agatha. Inaasikaso na siya ng mga doktor. Alam kong hindi nila pababayaan ang pinsan ko."

Mas lalong napaiyak si Agatha dahil hindi niya makita si Caleb. Gustong-gusto niyang makita ito. Pakiramdam niya ay kapag hindi niya ito nakausap ngayon ay hindi na niya ito kailanman makakausap.

Wala siyang ibang nagawa kundi ang maupo sa kaninang kinauupuan. Pakiramdam niya ay bibigay ang tuhod niya. Pinanghihina siya ng masakit na balita.

Wala siyang tigil sa pag-iyak habang naghihintay sa mga doktor. Napatungo na lamang siya dahil mas lalo siyang nahihilo sa pabalik-palik na si Kiara sa harapan niya.

Lahat sila ay nalugmok sa masamang balita; nananalangin na sana ay maging maayos na ang kalagayan ni Caleb.

Nang marinig na tumunog ang pinto ay sabay-sabay silang napalingon dito. Mabilis na tumayo si Agatha at nanguna nang lumapit sa doktor.

"D-Dok, kumusta po si Caleb? Okay na po ba siya? Please, dok, gawin n'yo po ang lahat para maging maayos siya." Halos lumuhod na si Agatha sa pagmamakaawa.

Ngunit nahahabag lamang na tiningnan siya ng doktor. "Ginawa na namin lahat, Ms, pero siya na ang magde-decide. I'm so sorry but we already did our best."

Iniwan na siya ng doktor na lumuluha. Dumiretso ito sa tiyahin ni Caleb at ito ang kinausap. "Maaari na kayong pumasok pagkatapos ng isang oras. Sa ngayon ay hayaan n'yo na muna siyang makapagpahinga dahil nakatulog siya."

Caleb's Secret (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon