07

144 16 13
                                    

Kasalukuyan ako ngayong naglalakad pabalik sa room nang mamataan ko si Agatha. Naglalakad siya mag-isa at pabalik na rin ata sa room niya.

Hindi ko na sana siya papansinin pero may nakita ako. Nangunot ang aking noo. Hindi ako sigurado kaya medyo lumapit pa ako sa kaniya. Nang mapatunayang tama ang hinala ko ay saka ako mabilis na tumakbo papalapit sa kaniya.

Tinanggal ko ang pagkakasabit ng bag ko sa aking balikat at inilagay iyon sa may parteng likuran niya.

Nagugulat, nagtataka at nanlalaki ang matang nilingon niya ako. "Ano ba? Bakit mo idinidikit 'yang bag mo sa may pwet ko? Mayakis ka ba?!"

"Tulo—" Hindi niya naituloy ang gagawing pagsusumbong dahil tinakpan ko na ang bibig niya.

"'Wag ka na magsumbong, Agatha. Para sa 'yo rin 'to kaya 'wag mo akong pag-isipan nang masama."

Tinanggal ko ang pagkakatakip ng kamay sa kaniya. "Bakit ba kasi?"

"M-May tagos ka," seryoso at hindi na nahiyang siwalat ko.

Nakita ko ang agarang pamumula ng mukha niya. Malamang ay nahiya dahil sa aking sinabi. "S-Sigurado ka?"

Seryoso akong tumango. "Kaya 'wag ka nang maarte diyan, Agatha. Hindi ko rin gustong gawin 'to pero dahil alam kong ayaw mong mapahiya ay ginawa ko na rin."

White lies ata ang tawag sa ginawa ko. Alam kong ayaw niya mapahiya pero ginusto ko ang ginawa ko. "Tara na, tatakluban ko 'to hanggang sa makarating ka ng banyo," sambit ko.

Aligaga siyang tumingin sa paligid. Nang makitang wala masiyadong tao ay saka siya tumingin sa akin at tumango.

Nagtungo kami sa banyo. Malamang ay hindi ako pumasok sa loob dahil pangbabae naman iyon.

Tinanong ko siya kanina kung may pamalit ba siya pero ang sabi niya lamang ay mayroon daw siyang extra na pamalit sa kaniyang bag.

Hinintay ko siyang makalabas. Ewan ko kung bakit dahil pwede ko naman siyang iwanan pero pinili kong hintayin siyang makalabas.

Pagkalabas niya ng banyo ay lumapit siya sa pwesto ko. "Salamat, Caleb," napayuyukong sambit niya.

"Walang anuman, Agatha," nakangiting sagot ko. Gusto ko ang kaniyang ipinakitang pasasalamat. Hindi iyon pilit at sobrang natural.

Nagsimula na kaming maglakad pabalik sana sa sari-sariling room nang makita kami ng kaibigan niya. Agad lumayo sa akin si Agatha.

"B-Bakit kasama mo 'yang basurang 'yan?" tanong ng kaibigan niyang napag-alaman kong Violet ang pangalan. Kulang na lamang siguro ng ilang sentimetro at magtatama na ang kilay niya.

"H-Ha? W-Wala, nakita lang niya ako tapos sunod nang sunod sa akin," paliwanag niya kaagad. Agad humiwalay sa akin si Agatha at saka nagtungo sa kaibigan.

Unti-unting naglaho ang ngiting nasa labi ko kanina. Tila ay sinaksak ako ng ilang libong karayom sa aking puso.

Sana pala talaga ay umalis na lang ako kanina noong nasa loob pa siya ng banyo para hindi ko nararamdaman 'to ngayon. Nakaupo na sana ako ngayon sa classroom at payapa ang isip na naghihintay sa aming guro.

Ngumisi ang kaibigan niya at saka ipinulupot ang kamay kay Agatha. Agad siyang naniwala sa sinabi ni Agatha.

"Serves him right! Hayaan mo, Agatha, tutulungan kitang makaganti sa kaniya." Inirapan niya pa ako at saka pinagtaasan ng kilay. Literal na maarte siya.

Habang tinatarayan ako ni Violet ay nakita ko ang natutulirong si Agatha. Hindi niya alam ang gagawin at mararamdaman niya kaya hindi niya maitapat sa akin ang kaniyang mga mata.

Caleb's Secret (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon