18

135 9 24
                                        

Mabilis na naisugod si Agatha sa pinakamalapit na hospital. Mabuti at nang nangyari iyon ay tapos na si Alberto kaya nagpatulong si Caleb na isakay ito sa kotse.

Hindi alam ni Caleb ang gagawin. Hindi naman kasi siya madalas sa hospital. Ngunit tandang-tanda niya pa ang araw kung kailan siya unang nagtungo sa hospital.

"Where's my daughter?" Humahangos na dumating ang mga magulang ni Agatha. Kagaya ng inaasahan niya ay hindi ito maagap na nakarating. Mahigit dalawang oras na kasi nang tumawag si Alberto sa mansion at ngayon lamang sila nakarating.

Mas inuna nila ang trabaho kaysa kay Agatha.

Tumayo si Caleb upang salubungin ang mga ito at magbigay ng galang. Ngunit siniringan lamang siya ng pormadong lalaki kaya wala siyang nagawa kundi ang tumungo.

"I will repeat. Where's my daughter?" Mararamdaman ang galit, awtoridad at iba pa ngunit hindi halos mabakas ang takot para sa anak.

"Nasa loob po." Iminuwestra ni Caleb ang kwartong kinalulugdan ni Agatha. Namula ang mata ng Ama ni Agatha.

Walang imik itong pumasok sa kwarto. Malakas pa niyang dinanggi sa balikat si Caleb dahilan para mapaisod ito nang kaunti.

Sumunod sa kaniya ang asawa.

Nakatungong bumalik si Caleb sa kinauupuan kanina. Sa likod no'n ang kwarto ni Agatha.

Dapat ay umalis na siya dahil wala namang dahilan para manatili. . . ngunit hindi niya ginawa. Ang damit niya ay marumi na rin ngunit wala siyang balak umuwi para magpalit.

Ang sabi ng doktor na tumingin sa dalaga ay nahimatay lamang ito at walang dapat ipag-alala dahil ilang oras na pahinga lamang ang kailangan at tuluyan na ring magigisng. Tinanong pa nila kung ano ang nagyari kaya sinabi ni Caleb ang totoo. Wala kasing ibang makasasagot noon kundi siya dahil siya lang din naman ang naroon dahil nga huli na ang mga magulang.

Nang matapos isalaysay ang buong pangyayari ay sinabi ng doktor na iyon daw ang isa sa dahilan kung bakit ito nahimatay. Dahil daw sobra siyang nasaktan at hindi niya kinaya iyon.

Napagpasiyahan ni Caleb na lumabas muna. Gusto niyang makalanghap ng sariwang hangin dahil hindi sariwa ang hangin na nalalanghap sa hospital. Naglalasa na halos iyong gamot.

Kinakabahan siya, totoo iyon dahil kapag may nangyaring masama kay Agatha ay siya ang mananagot. Alam niyang maraming koneksyon ang pamilya ni Agatha kaya naman kayang-kaya nilang ipakulong siya. Hindi niya iyon nais na mangyari.

Tumingin siya sa kalangitan. Bilog na bilog ang buwan at kumikinang ang hindi mabilang na mga bituwin. Ang ulap naman ay halos magkulay asul na. Sobrang ganda noon dahil mala-starry night ang vibe. Maganda sana kaso hindi ma-feel ni Caleb.

Maling oras na makita niya iyon dahil napakarami niyang tanong ngayon.

Isa na roon ay kung bakit kinakailangan niyang saktan si Agatha lalo na at labag iyon sa kalooban niya. Kung wala lang isinasaalang-alang na mga bagay ay hindi niya iyon gagawin.

Mahal niya si Agatha ngunit hindi sapat ang pagmamahal na mayroon siya para hindi niya ito magawang saktan.

Halos kalahating oras din si Caleb sa labas. Lumanghap pa siya ng sariwang hangin bago mapagpasiyahang bumalik sa na sa loob. Room 203 ang kinalulugdan ni Agatha kaya umakyat siya patungong second floor.

Inabutan niya roon ang isang doktor na kalalabas lamang. "Dok, kumusta si Agatha?" Nag-approach siya rito.

May sumilay na ngiti sa labi ng doktor. "Maayos na siya. Nagising na rin at pwede na ring makauwi mamaya."

Caleb's Secret (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon