06

156 15 24
                                        

"Oh, kumusta? Nakuha mo ba ang sagot sa pinapasagutan ko sa 'yo kahapon?"

Kasalukuyan kami ngayong papasok ni Agatha sa kanilang mansion. Iniwan ko ang aking tsinelas sa may gilid ng pintuan at saka sumunod sa kaniya pagpasok.

"Oo!"

Naupo siya sa sopa, gano'n din ako. Magkatapat kami pero may harang na pabilog na lamesa sa harap namin. Nakakatuwang nakahanda na roon ang mga gamit na kakailanganin namin.

Pakiramdan ko tuloy ay hinintay niya talaga ang pagpunta ko dahil gusto na niya kaagad matuto.

Napangiti ako dahil sa kaniyang isinagot. "Anong nakuha mo?"

Siniringan niya kaagad ako. "Psh! 'Wag mo na alamin!" Muling umikot ang mga mata niya.

"Pero kailangan kong malaman, Agatha," pilit ko.

"Bakit ba kasi kailangan mo pa alamin?" Nag-iwas siya ng tingin at saka napayuko na tila nahihiya.

Nangunot ang noo ko. Anong ginagawa niya? Nagda-drama ba siya?

"Kasi kailangan?" patanong na sagot ko. Umismid siya. "Kasi kailangan kong malaman kung tama ba talaga ang nakuha mong sagot," bawi ko.

"Pero alam ko sa sarili kong tama ang nakuha kong sagot!"

"Paano ako makasisigurong tama ang sagot mo kung ayaw mo sabihin sa akin ang nakuha mo?"

Malalim siyang napabuntong hininga, saka siya nakangusong sumagot.

"Fine! I wil tell you." Halatang napipilitan lamang siya.

Napatawa ako dahil ang cute niya sumimangot. Medyo lang naman, walang malisya.

"So, ano ang nakuha mong sagot sa passage?"

"I am a good person."

Napangiti ako. Tama ang nakuha niyang sagot. Siguro naman ay hindi mali na sabay kong ituro ang akademik at tamang asal sa kaniya.

"Tama! Tama ka," doble ang ibig sabihin na sagot ko. Pinalakpakan ko pa siya.

"W-What?"

"Sabi ko ay tama ka."

"Bakit pakiramdam ko ay iba ang gusto mong sabihin nang sabihin mong tama ako?" Muling nagsalubong ang kilay niya. Tinawanan ko lamang siya.

"Aish! You're insane!"

Mas lalo akong napatawa.

"Teka pala," bigla ay nasabi ko. Bigla akong may naisip.

"Ano na naman?" Ipinanganak na ata siyang maarte.

"Nag-search ka ba ng sagot sa internet?"

Hindi lingid sa kaalaman ko na malakas ang kanilang internet. Matik na iyon sa tulad nilang mapepera.

Tumaas anv kilay niya. "Are you underestimating me? Of course, I'm not!"

Masiyado ata siyang defensive?

"O-Okay, relax, ako lang 'to, nagtatanong lang ako." Itinaas ko ang dalawa kong kamay tanda ng pagsuko.

"Hmp! Bakit mo ba kasi naisip na nag-search ako? Like what the hell I should do that? Kung gagawin ko 'yon ay walang kwenta ang pinag-aralan ko. Tsk!"

Napangiti ako.

"Mabuti kung gano'n na hindi ka nag-search, ibig sabihin lang noon ay may alam ka at matalino ka," sambit ko habang kinukutkot ang kuko. "Alam mo bang mahihirap at karamihan sa pinasagutan ko sa iyo ay hindi n'yo pa napapag-aralan at sa susunod na mga araw pa lamang?"

Caleb's Secret (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon