24

148 11 28
                                        

Dahil sa tulong ng mga magulang ni Agatha ay nagsimula nang kalabanin ng mga doktor ang sakit ni Caleb. Nahihiya pa noong una sina Vena ngunit pumayag na rin dahil sino ba naman sila para tanggihan ang tulong na kailangang-kailangan nila.

Sa unang araw ay mahirap dahil nag-a-adjust pa rin si Caleb. Hindi siya sanay kaya sobrang sakit.

Chemotheraphy ang tanging magagawa sa kaniyang sakit. Radiation iyon kaya lalong masakit.

"Ahh!" mahabang sigaw niya. Rinig na rinig iyon ni Agatha na nasa labas. Bawat sigaw ni Caleb ay mas lalong nagpapatindi ng sakit na narardaman niya.

Alam niyang masakit iyon ngunit alam niya ring kakayanin iyon ni Caleb dahil matapang ito. Tanging mahinang pag-iyak ang kaniyang nagawa.

Nakahawak siya sa bintana at saka isinandal din doon ang kaniyang ulo. Nasasaktan siyang marinig ang mga sigaw ni Caleb dahil sa sakit na nararamdaman ni Caleb.

Wala siyang ibang nagawa kundi ang manalangin sa Panginoon.

'God. Alam kong hindi ako naging mabuti sa buong buhay ko. Pero si Caleb, naging mabuti po siya. Sana po ay malampasan niya ang lahat ng kinakailangan niyang malampasan para gumaling siya sa sakit niya. Napakabuti niya po, hindi po niya deserve ang ganito kaya please po. Sana po ay tulungan n'yo ang taong mahal ko.'

Mabilis na lumipas ang mga araw, linggo at mga buwan. Ang pasko at bagong taon ay lumipas na rin.

Nag-celebrate sila sa hospital ng mga okasyon na iyon. Wala man sa bahay ngunit masaya silang nagdiwang. May mga pagkaing dinala ang mga magulang ni Agatha na kanilang pinagsaluhan.

Ngayon ang ika-limang buwan ni Caleb sa hospital. Patuloy pa rin ang kaniyang chemotheraphy at nangangayayat na siya.

Ang kaniyang buhok ay kinailangan na ring gupitin dahil nanlalagas na.

"'Wag ka mag-alala, Caleb. Kahit ganiyan ang buhok mo ay ikaw pa rin ang pinakagwapong tao sa buong mundo."

Katatapos lamang ni Caleb ngayon sa kaniyang chemotheraphy. Nasa loob siya ng kaniyang kwarto ay pinakakain ni Agatha.

"Talaga ba?" nakalabing ani Caleb.

Tumango si Agatha. "Oo naman. 'Di ba ay sinabi mo sa akin na hindi naman sa istura nababase ang pagiging gwapo at maganda?"

Muli niyang pinigilan ang pagluha dahil kitang-kita niya ang pagod sa mga mata ni Caleb.

"Kaya hindi porke't wala ka nang buhok ay hindi ka na gwapo. Gwapo ka, Caleb, at mas lalo kang gumagwapo kapag ngumingiti ka. Kaya pwede ko bang makita ang ngiti mo, Caleb?"

Unti-unting na-stretch ang labi ni Caleb. Ngumiti siya katulad ng pabor na hinihingi ni Agatha. Hindi dahil napililitan siya kundi dahil masaya talaga siya.

Ayaw niya kasi sanang magpakita muna kay Agatha dahil nga sa buhok niya. Natatakot kasi siyang baka bigla na lang siyang iwanan ni Agatha, hindi dahil sa baka walang tumustos ng gastusin niya sa hospital ngunit dahil kay Agatha na lamang siya kumukuha ng lakas.

"Salamat, Agatha," anas niya. Kaunti na lamang at maiiyak na siya. "Salamat dahil kahit ganito na ang itsura ko ay nanatili ka."

Nailing si Agatha. Kung pwede lang hampasin si Caleb ay nagawa na niya. "Ano ka ba? Hindi no, bakit ko naman gagawin 'yon?"

Tanging iling lamang ang naisagot ni Caleb. Hindi niya alam ang dapat na isagot kay Agatha.

Ipinatong ni Agatha ang plato sa lamesa na nasa tabi ng kama ni Caleb. Huminga siya nang malalim at saka muling nag-kwento.

Caleb's Secret (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon