19

135 8 33
                                        

Para si Caleb na problema at lungkot na tinubuan ng mukha. Hindi niya na halos maramdaman ang saya o kung maramdaman man niya ay kaagad ding napapalitan ng lungkot.

Monotonous. His life's monotonous. Paulit-ulit lang, paulit-ulit lang din na nasasaktan.

Lulan sa kaniyang higaan ay nagbalot siya ng kumot. Niyakap niya ang kaniyang unan at hinayaang pumatak ang kaniyang luha roon.

Dumating siya kanina ng madaling araw at wala nang inabutang gising. Ngayon ay inumaga na siya kakaiyak. Hindi siya nagpupuyat pero ngayon ay wala siyang tulog. Kahit pagod ay hindi siya makatulog dahil pilit siyang ginigising ng lungkot. Hindi siya nito pinatutulog at tila gustong-gusto na iparamdam sa kaniya ang sakit.

Pumapasok sa isipan niya ang mga ala-ala na magkasama sila ni Agatha. Gusto niya biglang puntahan ang dalaga at humingi ng tawad sa ginawa ngunit hindi niya magawa dahil tinuldukan na nito ang koneksyon nila sa isat-isa. Wala na siyang magagawa dahil sa maikling panahon ay nakilala na niya si Agatha.

Ginagawa niya ang mga sinasabi niya kesehodang masaktan siya. Gano'n siya katapang, hindi katulad niya na nagpadala sa damdamin niya.

Ngayon tuloy ay kahit siya ay nasasaktan. Para siyang kandilang unti-unting natutunaw at sigarilyong unti-unti nang nauupos.

Kasalukuyan pa rin siyang nagmumukmok hanggang sa katukin na siya ni Kiara. Hindi niya inaasahan na alas otso na pala ng umaga.

"Caleb?"

Tinanggal niya ang pagkakatalukbong ng kumot. Nanghihina siyang naupo sa hinihigaan. Nagkusot pa siya ng mga mata dahil pakiramdam niya ay pipikit na ang mga iyon dahil sa sobrang antok.

"Bakit?" sagot niya. Kinailangan niyang sumigaw upang marinig sa labas.

"Kakain na! Lumabas ka na diyan!"

Huminga siya nang malalim. Gusto niyang kumain ngunit wala siyang gana. "Sige! Susunod na lang ako, Kiara!"

Hindi na muling sumagot ang nasa kabilang pinto. Dumiretso na ito sa kusina at sinabi sa mga magulang na susunod na lamang si Caleb.

Muling bumalik sa pagkakahiga si Caleb. Ipinikit niya na ang mga mata at hinayaang kainin ng lungkot. Pero ang mga ala-ala ay nagsilbing barakong kape at hindi siya pinatutulog.

Napalunok siya. May tumulong luha sa mga mata kasabay ng paghampas niya sa sentido. Naiinis siya! Gusto niyang magwala ngunit hindi niya magawa. Nirerespeto niya ang tinitirahan. Naisip niya ring baka palayasin siya kapag ginawa niya iyon.

Lumipas na naman ang isang oras at hindi pa rin siya makatulog. Hindi ma-blangko ang isipan niya. Napakaraming umiikot doong mga tanong.

Paano kung hindi niya ginawa iyon?

Paano kung hindi niya nasaktan si Agatha sa ginawa niya? Magiging masaya ba siya kapag gano'n ang nangyari?

Hindi niya alam. Nalilito siya dahil hindi niya alam ang sagot.

Pero isa lamang ang sigurado siya. Iyon ay kahit anong maging reaksyon ni Agatha ay masasaktan siya.

Nasaktan siya nang sabihan siya ni Agatha ng mga salitang hindi niya gustong marinig, ngunit sa kabila noon ay sinabi rin ni Agatha na mahal siya nito.

Sa kabilang banda, kung hindi iyon ang nangyari at parang wala lamang kay Agatha ay tiyak na mas masasaktan siya.

Iyon ay dahil umasa siyang may nararamdaman din sa kaniya ang dalaga.

Hindi niya namalayan na mayroon na naman palang kumakatok sa kwarto niya. Nalaman niya na lang nang magsalita ito at makuha ang atensyon niya.

"Hindi mo ata naririg ang pagkatok ko kaya nagdesisyon na akong pumasok."

Caleb's Secret (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon