17

123 9 76
                                        

Dumating ang araw ng kaarawan ni Caleb. Nagpasiya ang kaniyang Tiyahin na si Vena na magkaroon ng kaunting salu-salo sa kanilang bahay.

Ang sabi ni Caleb ay hindi na kailangan dahil ayos lang naman pero sabi ni Vena ay isang beses lang naman daw iyon sa loob ng isang taon kaya kailangangang paghandaan.

Hindi na siya nagreklamo pa.

Bumili ang kaniyang Tiya ng pansit, spaghetti, at karne dahil magluluto rin ito ng shanghai. Gusto niya rin sanang ibili ng maliit na cake si Caleb pero hindi na ito pumayag. Aniya pa ay sobra-sobra na ang ibinigay nila sa kaniya.

Napatawa pa ang kaniyang Tiya nang sinabi niyang ayos na sa kaniya ang isang maliit na cupcake na mayroong kandilang nakatusok sa gitna na kaniyang hihipan.

Bandang tanghali na nang magtungo si Caleb kina Agatha. Pagkatapos niya itong i-assist ay nagpaalam na rin siya sa kaniya para umuwi. Gusto kasi ni Vena na naroon siya sa bahay. Kahit si Caleb ay iyon ang gusto para makatulong din sa kanila kahit papaano.

"Pwede ba akong pumunta? Invited ba ako?" ani Agatha.

Tumango si Caleb. "Oo naman, Agatha. Pero pagpasensyahan mo na dahil hindi katulad ng bahay ninyo ang pupuntahan mo. Ang mga pagkain din na naroon ay hindi mamahalin."

Inirapan lamang siya nito. "Hindi naman ako nagrereklamo, Caleb. Ayos lang sa akin iyon. Basta may ibibigay akong regalo sa 'yo mamaya," kindat niya pa.

May sumibol na boltahe ng kuryente sa katawan ni Caleb. Pinigilan niya kaagad iyon at saka nginitian ang kaharap.

"Hindi na kailangan, Agatha. Sapat na sa aking naroon ka. Isa pa ay may sasabihin din ako sa 'yo mamaya."

Napangisi si Agatha. "Ano 'yon? Aamin ka na rin sa akin?" Sinundot niya pa ang tagiliran ng lalaki. Napaiwas naman kaagad si Caleb dahil malakas ang kiliti niya roon.

Napamaang ito. "Malalaman mo mamaya," buntong hininga niya. "Sige na, aalis na ako. Pupuntahan kita rito mamaya para maituro ko sa 'yo ang daan papunta sa amin. Mga alas singko y medya ay maghanda ka na."

Masiglang tumango si Agatha.

Alas dos ng hapon nang makarating si Caleb sa bahay. Inabutan niya roon na naghahanda na ang kaniyang Tiya para magluto. Ang kaniyang Tiyo naman ay nasa trabaho pa rin. Malamang ay alas sinko pa ng hapon ang uwi nito.

Kahit walang pahinga ay nagprisinta na siya kaagad sa mga kailangan gawin.

Gamit ang maliit na kutsilyo ay hiniwa niya ang mga bawang, sibuyas, at kung ano-ano pang kailangan na hiwain.

Muntikan na siyang umiyak pagkatapos sa sibuyas. Ika niya pa ay mabuti pa raw iyong sibuyas dahil matapang. Hindi katulad niya na susuko na kaagad.

Napapabuntong hininga siyang nailing. Ibinaba niya ang mga kagamitan at saka nilingon ang tiyahin. "Tita, ano pang kailangan gawin?"

Nilingon siya ng kaniyang Tiya. Nasa harapan ito ng kalan at naggigisa na. Nakakulay itim itong apron at mayroon ding suot na hairnet.

"Tawagin mo na muna si Kiara sa kwarto niya at magpatulong kang magbalot ng karne sa wrapper para maprito ko na rin ang shanghai."

Tumango si Caleb at saka nagtungo sa tapat ng kwarto ng pinsan. Kumatok siya, tatlong beses para sigurado. "Kiara!" pagatawag niya.

"Bakit?" Sumagot mula sa loob ang pinsan na busy sa paggamit ng cellphone. Puro siya scroll sa facebook dahil walang ka-chat.

"Lumabas ka na raw muna diyan sabi ni Tita. Magbalot na raw tayo ng karne!"

Nabuhay ang dugo ni Kiara. Paborito niya ang shanghai kaya mabilis siyang umalis sa pagkakahiga sa kama. Iniwan niya ang kaniyang cellphone sa lamesang naroon sa gilid ng kaniyang kama.

Caleb's Secret (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon