22

145 10 30
                                    

Kasalukuyang naghihintay si Kiara kasama ang Ama't Ina niya sa labas ng kwartong kinalulugdan ni Caleb.

Isang oras na rin mahigit silang nasa ganoong pwesto. Nakatungo si Vena at magka-daop ang palad at nagdarasal. Ang Ama niya naman ay nakatingin sa kawalan at tila nananalangin din.

Si Kiara naman walang tigil ang panalangin na sana ay maayos lamang ang pinsan at wala masiyadong komplikasyon kung may sakit man ito.

"Where's the patient's family?"

Sabay-sabay silang nag-angat ng tingin sa doktor na tumingin kay Caleb. Mabilis silang lumapit dito.

"Kami po, Dok. Kumusta po ang pinsan ko?"

Hindi pa rin mapakali si Kiara kahit pa naisugod na si Caleb sa hospital. Hangga't hindi niya nasisigurong nasa maayos na lagay ang pinsan ay hindi niya mapipigilang mag-alala para rito.

Sinisisi niya ang kaniyang sarili. Pakiramdam niya ay siya ang may kasalanan kung bakit nagkagano'n si Caleb. Kung hindi sana niya sinabi iyong nangyari at inilihim na lamang ay hindi sana ito lalabas. . . at mas lalong hindi ito matutumba dahil sa hindi niya malamang dahilan.

Ang kaniyang Ina'ng si Vena ang nakatulong niya upang maisugod si Caleb. Mabuti at mayroon silang mabubuting kapitbahay.

Sobrang bilis na ng tibok ng puso ni Kiara. Masiyado kasing nagdurugo ang ilong ni Caleb kanina at kitang-kita ang kahirapan niya sa paghinga.

Nag-abang ng sagot si Kiara ngunit wala siyang napala sa doktor. Sa halip ay nilingon nito ang kaniyang nga magulang.

"Pwede ko po ba kayong makausap?" Seryoso ang doktor nang sabihin iyon. May lumaganap na kaba sa kaibuturan ni Kiara dahil doon.

May namumuong toerya sa isipan niya ngunit ayaw niyang tanggapin iyon.

Kung hindi malala ang nangyari sa pinsan ay kayang-kayang sabihin ng doktor sa harapan niya iyon ngunit hindi; may sakit ang pinsan niya at hindi niya iyon kayang tanggapin.

Tumango ang kaniyang Ina at saka siya nilingon. "Maiwan ka na muna rito," pagbibigay niya ng utos.

Wala siyang nagawa kundi tumango. Nanghihina siyang naupo sa mahabang kulay itim na upuan at saka roon inihatid ang mga magulang paalis kasama ang doktor.

Sa paglipas ng oras ay mas lalo siyang hindi mapakali. Nangangati na siyang malaman kung ano ang mayroon kay Caleb at nagka-gano'n ang doktor.

Naiiyak na siya. Wala pa man ang resulta ay nawawalan na siya ng pag-asa.

Todo panalangin siyang sana ay walang mangyari sa kaniyang pinsan. Napakabuti nito kaya kung magkataon man ay hindi niya deserve ang kung ano man ang mararanasan niya.

Naghintay siya ng halos kalahating oras bago muling bumalik ang lantang gulay na mga magulang. Napatayo siya sa pagkakaupo at sinalubong ang mga ito ng isang tanong na kanina pa niyang gustong malaman

"Ma, anong sabi ng doktor?" Umaasa siyang magandang balita ang kaniyang matatanggap ngunit isang sampal ng katotohanan ang naganap.

"May sakit siya, Anak. May malalang sakit ang pinsan mo."

Mabagal at maraming beses na nagpaulit-ulit sa kaniyang pandinig ang sinabi ng mga magulang. Hindi niya napigilan ang mapailing.

"Hindi totoo 'yan, 'Ma!" Tuluyan na siyang napaluha.

Ngunit mariing umiling ang lumuluha na ring si Vena. "Iyon ang totoo, Kiara. May Myeloid Leukemia raw ang pinsan mo."

Patuloy na nailing si Agatha. "Hindi 'yan totoo," sambit niya sa gitna ng pagsinghot. "Paanong malalaman ng doktor na mayroong ganoong sakit si Caleb sa loob lang ng isang oras? Hindi totoo 'yan. Nagsisinungaling ka, 'Ma."

Caleb's Secret (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon