"Napansin ko lang, Caleb."
Napatingin ako kay Agatha nang bigla siyang magsalita. Araw ng miyerkules ngayon at naglalakad kami patungo sa kanila dahil kailangan ko siyang i-tutor.
Nagbago na ang schedule namin. Napag-usapan naming lunes, miyerkules, biyernes at linggo na lang ang schedule namin. Iyon ay dahil nakasasabay na rin siya sa klase.
Aniya ay madalas na siyang makinig sa discussion nila kaya naman halos kahit hindi ko na rin siya maturuan sa oras na kailangan ko siyang i-tutor.
Sa suweldo ko naman ay sinabi kong bawasan na lamang dahil nabasawasan din naman ang araw ng pagta-trabaho ko pero ayaw niya. Ika niya ay tulong niya na rin sa akin.
Noong una ay ayoko talagang pumayag pero kalaunan ay pumayag na rin dahil wala na akong nagawa.
"Ano 'yon?" tanong ko. Nakapasok na kami sa loob ng sasakyan niya at nagsimula nang magmaneho ang kaniyang driver.
"Masiyado nang malago ang buhok mo," aniya.
Tumaas ang kamay ko at hinagod ang malago ko na ngang buhok. Tama siya, kailangan ko na magpagupit.
"Oo nga e, hayaan mo dahil sa susunod na suweldo ko ay magpapagupit na rin ako."
"Hindi." Napatingin ako sa kaniya dahil sa isinagot niya. Nangunot ang noo ko.
Agad niyang dinugtungan ang isinagot. "I mean, sa linggo. Sasamahan kita magpagupit. May kakilala akong magaling na manggugupit," aniya.
"'Wag ka mag-alala, libre ko."
Mas lalong nangunot ang aking noo. "Hindi na, Agatha. Sa susunod sa suweldo ko na lang. Nakahihiya naman sa 'yo dahil nabawasan na nga ang araw ng pagta-trabaho ko tapos ililibre mo pa ako."
"Pero gusto ko e— at saka mura lang naman 'yon. Hindi naman aabot ng isang libo ang magagastos," pilit niya.
Napalunok ako dahil sa pagpipigil. "Pero gagastos ka pa rin."
"Oh, sige. Pumili ka," pagbabanta niya.
Namilog ang ang bibig ko kasabay ng pagkunoy ng noo. "Mamili sa?"
Umismid siya. "Mamili ka. . . mawawalan ka ng trabaho o hahayaan mo ako na ilibre ka para sa pagpapagupit mo?"
Malalim akong napabuntong hininga. "Sige na, pumapayag na ako. Pero pakiusap, Agatha. Huli na 'to, hindi na ako papayag sa susunod dahil hindi magandang tingnan. Baka isipin na naman ng iba na—"
"Na ano?" taas kilay niya. "Na pineperahan mo ako?" Inirapan niya ako.
"Oo," napatutungong sagot ko.
"Tsk. Masama na pala ngayon ang tumulong?" Napatingin ako sa kaniya. Seryoso siyang nakatingin sa bintana ng kotse at tinatanaw ang mga gusali naming dinaraanan.
"Sa pagkakaalam ko ay hindi iyon masama kaya problema na nila iyon kung gano'n ang iisipin nila, at saka nasa tao naman iyon."
Natigil siya ng ilang segundo at saka humarap sa akin. "Bakit, Caleb? Gano'n ka ba? Pineperahan mo lang ba ako?"
Mariin akong umiling. "Bakit mo naman naisip 'yan?" kunot-noo ko. "Siyempre, hindi."
Manipis na ngiti ang iginanti niya sa akin. "Mabuti," sagot niya at saka muling ibinaling ang paningin sa labas. "Dahil masasaktan mo ako sakaling malaman ko na pineperahan mo nga lang ako," bulong niya na hindi narinig.
"Ano 'yon?"
Hinarap niya ulit ako. Pinagkatitigan niya ako at saka napapabuntong hiningang umiling. "Wala. 'Wag mo na lang 'yon pagkaisipin."
BINABASA MO ANG
Caleb's Secret (Completed)
General FictionMatalino, matiyaga, marangal, may paninindigan, at mapagmahal. Lahat iyan ay katangian ni Caleb. Siya ay simpleng namumuhay hanggang sa makasalamuha niya si Agatha, ang babaeng maarte, mayaman, maganda, at masama ang ugali. Dahil huling taon na nil...
