15

126 10 52
                                        

Wala namang pinagkaiba sa pagtakbo ng oras ang mga lumipas na araw ngunit tila naging mabilis ito. Hindi ko alam lung bakit pero halos hindi ko namalayan na linggo na ulit ngayon, isang linggo na rin ang nakalipas simula noong samahan ako ni Agatha na magpagupit.

Isang linggo na rin simula noong pakiusapan ko siya kung maaari ba niyang itigil na kung saka-sakali ang nararamdaman niya para sa akin. Alam kong nasaktan ko siya dahil doon pero may dahilan ako. Mas gugustuhin ko siyang masaktan sa ngayon kaysa mas masaktan siya sa mga susunod na araw kapag nalaman niya ang bagay na itinatago ko sa lahat.

Bagay na alam kong makakasakit sa kaniya nang todo sakaling aminin ko na ang bagay na iyon.

Humahanap lamang ako ng tamang tiyempo upang sabihin iyon.

My dirty little secret.

Maaga akong naghanda ngayong araw para sa pagpunta kina Agatha. Nagpresinta ako kina Tita na ako ang magluluto ng agahan.

Pagkakain ko ay naglinis na rin ako ng bahay. Maaga rin naman nagising si Tita pero gusto kong ako ang gumawa noon. Nais kong kawang-gawa ko iyong gawin.

Si Kiara naman ay tulog pa. Madalas kasi siyang magpuyat lalo na kapag walang pasok kinabukasan. Mayroon siyang pinapanood, kung hindi nagkakamali ay k-drama ang tawag doon.

Iyon ang kinahihiligan ng karamihan sa kabataan.

Kumatok ako sa doorbell nang makarating ako sa harapan ng tahanan nina Agatha. Agad akong dinulugan ng kanilang gwardiya na pinapasok din ako kaagad dahil nakilala niya na rin ako.

"Salamat po," sambit ko. Nginitian niya ako at saka tumango. Ginantihan ko rin siya ng ngiti at saka dumiretso na sa kanilang pasilyo.

Muli akong kumatok sa kanilang pinto nang makarating ako sa tapat noon.

Ibinalik ko ang kaliwa kong paa patalikod at saka isinunod ang kanan kong paa upang makausod kahit kaunti.

Naghintay ako ng ilang segundo bago tuliyang nagbukas ang pinto. Iniluwa nito ang nakangiting si Agatha. Nakakulay kulay puti siyang damit at maong na short na hanggang itaas ng tuhod naman sa pang-ibaba.

"Good morning," ngiti ko.

"Good morning din." Binuksan niya nang malawak ang kanilang kahoy na pinto. "Halika, pasok ka," tango niya sa akin.

Ngumiti ako. Hinubad ko ang suot na tsinelas at nagpagpag ng paa sa basahang nakalapag sa harapan ng pinto. Pagkatapos ay kinuha ko sa lagayan nila ng panloob na tsinelas ang tsinelas na madalas kong gamitin kapag pumupunta ako sa kanila.

Nagtungo kami sa tanggapan nila, ang sala. Nakahanda na roon ang mga kailangan naming gamitin. Mayroon ding laptop din sa gilid niya.

Mayroon kasi siyang kailangang tapusin na presentation daw sa isa niyang subject. Agad kaming magsimula. In-assist ko siya sa kailangan niyang gawin at hinayaan ko siyang gumawa ng kailangan niyang gawin.

Sinabi kong hanapin niya sa mga libro ang kailangan niyang isama at kapag wala masiyadong makuhang sagot ay saka mag-search sa internet. Ngunit malabo iyon dahil alam kong maraming makukuha sa libro. Mas reliable pa ang mga impormasyon na makukuha niya.

Kapag naman may tanong siya tungkol sa dapat niyang ilagay ay sinasagot ko kaagad.

Seryoso siyang nagbubuklat sa mga libro niya. Pabalik-balik ang tingin niya roon at sa kaniyang laptop kaya naman nagawa ko siyang titigan. Kung minsan ay naiiling siya, nangungunot ang noo at napapabuntong hininga dahil nakita niya na ang kailangan niya isama sa presentation.

Hindi ko napansin na mayroon na palang tao sa kaniyang likuran. Napapunta lamang sa kaniya ang aking atensyon nang tumikhim siya.

Kinakabahan akong tiningnan siya. Si Agatha naman ay parang wala lang.

Caleb's Secret (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon