20

159 8 26
                                        

Lalabas na sana si Agatha nang mapagpasiyahan niyang magpaalam muna sa mga magulang niya.

Nasa tapat na siya ng kwarto nang marinig niyang nag-uusap ang mga ito. Nakasiwang kasi ang pintuan ng kanilang kwarto.

"Medyo naaawa ako sa anak natin, Roger." Nagmula ang boses sa kaniyang Ina, si Janne. "Nakikita kong nasasaktan siya. Magmula noong ma-hospital siya ay hindi ko na siya nakitang ngumiti."

"Hayaan mo na lamang ang anak mo, Janne," ani Roger, ang kaniya namang ama.

"Pero bumabawi tayo sa kaniya!"

"That's it, Janne!" Pasigaw at mariin ngunit mahina ang boses ng Ama niya. "Bumabawi nga tayo sa kaniya. Kaya nga natin tinakot ang tutor niya na layuan siya 'di ba? Kaya nga tinakot natin siyang hindi siya makakahanap ng trabaho dahil makikipag-ugnayan tayo sa lahat ng agency, 'di ba?"

Nagsimula siyang magtaka. Nangunot ang noo niya dahil sa mga nariring sa magulang.

"Hindi kita maintindihan kung anong pagbawi ang mayroon doon sa ginawa natin, Roger." Narinig niya ang buntong hininga ng Ina. "Paanong pagbawi iyon kung nasasaktan ngayon ang anak natin?"

Naiintindihan niya ang mga sinasabi ngunit ayaw niyang maniwala. Gusto niyang paniwalain ang sarili na sana ay hindi na lang totoo ang nariring.

"To give her a good life, Janne! Ano ka ba? Don't you get my point?"

Pabilis nang pabilis ang tibok ng puso niya. Sa huling pangungusap na sinabi ng kaniyang ama ay napag-tagpi-tagpi niya lahat ang mga narinig.

"So that's it. Sila ang nanakot kay Caleb para gawin niya iyon," mahinang bulong niya sa hangin.

Nakagat niya ang labi ang mapupulang labi upang pigilan ang iyak. Tahimik niyang tinahak ang hagdan at saka bumaba. Hinanap ng mata niya ang kinaroroonan ng kaniyang driver.

Nang makita ito sa may parteng kusina ay agad niyang itong pinuntahan.

"Nasaan ang susi ng sasakyan?"

Ang palad niya ay nakabuka sa harapan ng nangungunot ang noo niyang driver. "Bakit po ma'am?"

Bigla na lang siyang nagalit. Kumukulo ang dugo niya dahil sa galit at hinanakit.

"Just give it to me and don't ask questions, Alberto." Binigyan niya ng diin ana bawat salitang binanggit.

Kahit hindi alam ang gagawin ay kinuha ni Alberto ang susi sa kaniyang bulsa. Nang makita ito ni Agatha ay agad niya itong hinablot at saka dali-daling iniwan ang napakakamot sa noo na si Alberto.

Dumiresto si Agatha sa sasakyan. Nang makapasok ay kaagad niyang binuhay ang makina. Tinanggal niya ito sa pagkaka-parke at saka pinaandar palabas ng mansyon.

Hindi na siya nagawa pang harangin pa ng mga guwardiya pagkat tinted ang sasakyan. Inakala nilang ang driver niya ang nagmamaneho at hindi siya.

Halos paliparin niya ang kotse patungo sa lugar nina Caleb. Marunong siyang magmaneho, given na iyon, pero hindi siya nag-aral mag-paandar nang mabilis.

Maraming sasakyan ngunit hindi niya iyon alintana. Ang tanging nais niya lamang ay makarating kaagad sa kinaroroonan ni Caleb.

Mahigpit ang hawak niya sa manibela at iyon ang pinanggigigilan. Hindi niya pa rin lubos na maisip na gano'n ang ginawa sa kaniya ng kaniyang mga magulang.

Para siyang isang manika na pinaglaruan; isang de-remote na laruan at kinokontrol ng kaniyang mga magulang.

Hindi niya maatim na nasa legal na siyang edad ngunit patuloy siyang pinangungunahan ng kaniyang mga magulang.

Caleb's Secret (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon