08

119 13 7
                                    

Naglalakad ako patungo sa canteen upang kumuha ng tubig. Tama, mayroon kasing libreng tubig doon, nasa water dispenser. Inilagay iyon para sa mga estudyanteng katulad ko na wala masiyadong pera.

Dala-dala ang maliit na bote ng mountain dew na ginawa kong tubigan ay nagtungo ako sa tabihan malapit sa exit dahil doon iyon nakalagay. Pinuno ko ang aking lalagyan at saka uminom. Pagkatapos ay saka ko ulit pinuno para hindi na ako bumalik mamaya kung sakaling mauhaw ulit ako.

Lalabas na ako ng canteen nang mapatapat ang mata ko sa tampulan ng mga estudyante. Wala sa sariling pinanood ko sila.

Nakita ko si Agatha na may tinatarayan na babae. May hawak siyang isang bote ng tubig at balak niya ata iyong ibubuhos sa kaharap na babae.

Nangunot ang noo ko dahil sa ginagawa niya. Lumalabas na naman ang kaniyang ugaling iyon. Nailing na lamang ako. Sabagay, ugali niya na iyon at mahirap nang baguhin peto kahit pa ganoon ay naniniwala pa rin akong kaya niya iyong baguhin.

Nakataas na ang kamay niya nang mapatapat sa akin ang paningin niya. Bigla siyang natigilan. Nanatili ang kamay niyang nakataas pero makaraan ang ilang segundo ay dahan-dahan niya ring ibinaba.

Nakikipag-away siya sa hindi ko malamang dahilan. Naiiling na naglakad ako palabas ng canteen at hindi na siya pinansin.

Hindi ko alam kung bakit at hindi ko maintindihan kung bakit bigla siyang natigil sa akmang gagawin nang makita ako.

Hindi ko tuloy malaman kung anong mayroon sa akin at nagkagano'n siya bigla.

Dumaan ang mga araw at nakikita ko pa rin siyang gano'n. Nang minsan ay nakita ko siyang may hawak na pagkain at akmamg ibubuhos sa malamang ay nakaaway niyang babae pero nang makita niya ako ay biglang hindi niya itutuloy, dahilan upang makaalis ang kaaway niya.

Nang minsan pa ay may tinalapid siyang babae at nang makita ako ay mukhang tanga siyang tinulungan din ang tinalapid na babae at humingi ng pasensya.

Naiiling na lamang ako kapag naaalala ko ang mga iyon. Mukha siyang wala sa sarili. Gusto niyang magbago kapag nakikita niya ako pero kapag hindi niya ako nakikita ay ginagawa niya ang mga bagay na iyon. Wala ring kwenta kung tutuusin. Mas pinasasama niya ang imahe niya.

Nakalipas na ang isang linggo at noong huli naming pagkikita ni Agatha para i-tutor ko siya ay naging maayos naman. Nakasasabay na siya sa mga itinatanong ko dahil nag-advance daw siya sa pagbabasa.

Ewan ko kung ano ang nakain niya at ginawa niya iyon.

Madali na rin siyang makatanda ng mga itinuturo ko. Ang dahilan niya ay nakikinig na raw siya sa klase minsan. Oo, minsan dahil tinatamad pa raw siya. Hindi maganda ang rason niya kaya muli ko siyang pinagsabihan.

"'Wag kang tamarin sa mga bagay na kailangan mo talagang gawin. 'Wag kang tamarin makinig sa mga itinuturo ng mga guro mo dahil hindi sila tinamad na aralin iyon."

Wala siyang nagawa kundi ang mapatungo at humingi ng tawad.

Ngayon ay naglalakad ako pabalik sa room galing sa library. Katatapos lamang namin kumain ni ma'am Saavedra at nakapagbasa rin ako ng kaunti para sa mga subjects ko.

Malapit na ako sa room ko nang may humarang sa aking isang estudyante. Lalaki ito at mukhang mabait. Nakasuot siya ng uniporme na katulad ng sa akin kaya malamang ay schoolmates o batchmates kami. Mayroon din siyang salamin. Nerd ang tawag ng iba sa kaniya pero hindi ako.

Hindi porke't malaki ang salamin niya ay gano'n na siya. Maaring malabo lamang ang kaniyang mata.

"Ikaw ba si Caleb?" tanong niya.

Caleb's Secret (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon