23

153 9 44
                                        

Kahit pinagsabihan na ni Kiara na 'wag siyang sundan ay hindi pa rin nagpapigil si Agatha. Sinundan niya ito at hindi niya alam inaasahan kung saan sila nakarating.

Kinusot pa ni Agatha ng mata ngunit iyon pa rin ang nakita. Isang hospital ang pinuntahan ni Kiara.

Nang makitang pumasok si Kiara sa loob ay sumunod siya. Todo pasalamat siya sa Panginoon dahil hindi siya napapansin ng sinusundan.

Nakarating sila sa ikalawang palapag at nakita niyang tumigil si Kiara sa tapat ng isang kwarto.

Pinanood niya ito kung paanong pihitin ang seradura ng pinto at saka pumasok. Nang makitang magsarado ang pinto ay saka siya tuluyang lumapit.

Malalim siyang bumuntong hininga nang makarating sa tapat ng kulay kahel na pinto. Isa pang buntong hininga ang pinakawalan niya bago tuluyang itaas ang kanang kamay at kumatok ng tatlong beses.

Hinawakan niya ang seradura gamit naman ang kaliwang kamay at saka pinihit iyon. Dahan-dahan niya iyong tinulak paloob at saka siya pumasok.

Ang inabutan niya roon ay si Kiara kasama si Caleb na nakahiga sa kulay puting hospital bed.

Nanlaki ang mga mata niya. Hindi niya iaasahan na aabutan niya sa ganoong kalagayan si Caleb.

Mabilis na tumayo si Kiara sa pagkakaupo sa tabi ng kama ni Caleb. Sinugod kaagad siya ng babae.

"Hindi ba at sinabihan na kitang 'wag mo akong susundan?" Pinanlakihan siya ng mata ni Kiara ngunit hindi siya nagreklamo, hindi rin niya ito pinansin.

Dumiretso siya kay Caleb na hindi rin mapakali sa pagkakahiga.

"Caleb," mahinang aniya. Nanginginig siya habang papalapit. Kaunti na lamang at mahahawakan niya na si Caleb ngunit hinawakan siya sa braso ni Kiara.

Natigil siya at saka nilingon si Kiara.

"Nag-iisip ka ba o sadyang tanga ka lang, Agatha?" Masama ang tingin ni Kiara rito. Kung kayang makapatay ng tingin ay nakalupasay na si Agatha sa sahig.

Kahit siya ay nanginginig na rin sa panggigigil.

Napapikit na lamang siya. Ayaw niyang makipagtalo kay Kiara dahil ubos oras lamang iyon.

"Kiara."

Magkasabay nilang nilingon si Caleb dahil sa biglaang pagsingit nito.

"What?" singhal ni Kiara. "Don't tell me na hahayaan mo siya rito?" Kaunti na lamang ay magtatama na ang kilay niya dahil sa pagkakakunot ng noo niya.

Dahan-dahang tumango si Caleb. "Iwan mo muna kami, Kiara."

Napamaang si Kiara, hindi siya makapaniwala sa gustong mangyari ng pinsan.

Matalim ang tingin na ipinukol niya kay Agatha at saka muling ibinalik sa pinsan.

"Pwede ba 'yon, Kiara?"

Napapikit siya at saka bumuntong hininga. Tumango siya sa kawalan ng magawa. "Fine!" Naiiling siyang nilisan ang kwarto; pabagsak niyang isinarado ang pinto.  

Nang masiguradong wala na si Kiara ay hinarap ni Caleb si Agatha.

"Anong ginagawa mo rito, Agatha?" Pinanatili niya ang seryosong mukha. May nararamdaman siyang pananakit sa may parteng tagiliran ngunit hindi niya iniinda.

Naupo si Agatha sa kaninang inuupuan ni Kiara.

"Ikaw ang dapat tinatanong ko niyan, Caleb. Anong ginagawa mo rito? At saka bakit ang dami naman atang nakakabit sa katawan mo?"

Caleb's Secret (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon