Sa edad na disiotso ay marami na akong napagdaanan. Nagawa kong magtrabaho kahit pa wala pa sa tamang edad. Ako na rin halos ang nagpapa-aral sa sarili ko dahil wala nang kakayanan ang ama ko.
Mabuti nga at sa wakas ay kalahating taon na lamang at magtatapos na ako. Kahit Senior High lang kasi kailangan ko munang mag-trabaho at mag-ipon para makapagkolehiyo ako. Kailangan ko munang tulungan ang pamilya ko.
Kasalukuyan ako ngayong naglalakad papasok sa eskwelahan na pinapasukan ko, ang Laguna State University. Nakatatawang sa isang unibersidad ko napiling mag-aral kaya heto ako, pakiramdam ko ay hindi ako nababagay rito.
Mayayaman kasi ang mga estudyante rito o kahit sabihing hindi mayaman ay may kaya sa buhay. Habang ako? Kumakapit lamang sa scholarship kaya kailangan kong pangalagaan ang mga grado ko.
Ayaw sa akin ng mga estudyante rito. Kusa silang umiiwas sa akin kapag dumaraan ako. Hindi dahil isa akong nakakatakot na tao o kung ano mang may masamang ugali kundi dahil sa pandidiri nila sa akin. Tama, pinandidirian ako ng mga estudyante sa eskwelahang pinapasukan ko.
Ewan ko ba kung bakit gano'n ang trato nila sa akin. Hindi naman ako mabaho, maayos naman ang suot ko dahil naka-uniform din naman ako katulad nila.
Hindi ko maintindihan, mahirap ako pero pare-pareho lamang kaming tao. Marahil ay dahil sa trabahong mayroon ako. Trabahong pinandidirian nila, pero trabahong mahal ko dahil iyon na lang ang tanging panghahawakan ko para makatapos ng pag-aaral.
Marami na akong naranasang pangungutya galing sa mga nakakasalamuha ko. Pangit, mahirap, salot, walang kwenta at marami pang iba. Hindi nila alam, iniisip ko na lang na mas bagay sa kanila ang sinasabi nila.
Alam kong walang pangit sa mundo. Mahirap? Oo, inaamin ko na mas mahirap pa ako sa mahirap pero hindi ako salot na katulad ng sinasabi nila. Hindi rin ako walang kwenta dahil ang walang kwenta ay ang mga ginagawa nilang panghuhusga sa akin.
Mas matinding pagtitiis ang ginagawa ko kapag nasa classroom na ako. Minsan ay hindi ako makapag-focus dahil sa mga nandidiring tingin nila sa akin. Kadalasan, sa library na lamang ako nagtutungo para hindi ako ma-bully.
Mabuti sila at mapepera kaya nabibili ang gusto kahit hindi magtrabaho samantalang ako ay ilang araw, minsan ay buwan pa ang inaabot para lang matustusan ang pangangailangan ko.
Nasa tapat na ako ng eskwelahan namin. Tiningnan ko ang magkabilang gilid ko upang alamin kung mayroon bang sasakyan na daraan at nang makitang wala ay saka ako tumawid.
Nasa kabilang kalsada na ako nang may bumusina sa may likuran ko. Mabilis akong napalingon doon. Isang kulay itim na kotse ang bubundol sa akin!
Hindi ako kaagad nakakilos dahil sa takot. Mabuti at tumigil ang sasakyan at hindi masiyadong malakas ang naging pagtama sa akin ng unahan ng sasakyan. Gano'n pa man ay napalayo pa rin ako dahil sa impact. Muntikan na akong matumba!
Napangiwi ako dahil sa kirot na naramdaman. Lumabas ang nagmamaneho ng sasakyan.
"Ano ba? Are you trying to kill yourself, huh?" maarteng tanong niya. Siya pa ang may ganang magalit samantalang siya ang naka-bangga sa akin.
Pero kahit pa gano'n ay wala akong pagpipilian. "P-Pasensya na," paumanhin ko. Hindi ko gusto ng away at iyon ang iniiwasan kong mangyari.
"Sa susunod kasi ay tumingin ka sa dinadaanan mo! Tsk! Naiinis ako sa 'yo! Sisirain mo pa ang kotse ko! Palibhasa ay mahirap at naiingit sa amin! Gold digger ngang talaga kaya gagawin lahat para magkapera!"
Heto na naman tayo sa salitang iyon.
Napailing na lamang ako dahil sa pagkadismaya. "P-Pasensya na ulit," muli kong sambit. Pinili kong ilihim ang sakit na naramdaman mula sa salitang binitiwan niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/223836682-288-k660989.jpg)
BINABASA MO ANG
Caleb's Secret (Completed)
Ficción GeneralMatalino, matiyaga, marangal, may paninindigan, at mapagmahal. Lahat iyan ay katangian ni Caleb. Siya ay simpleng namumuhay hanggang sa makasalamuha niya si Agatha, ang babaeng maarte, mayaman, maganda, at masama ang ugali. Dahil huling taon na nil...