Tatlong linggo na simula nang maging full time tutor ako ni Agatha. Araw-araw pagkatapos ng maghapong klase ay dumidiretso kami sa kanila para mag-aral. Kapag may assignment ako ay doon ko na rin ginagawa dahil may internet. Oo, wala akong cellphone pero nakatutuwang ipinapahiram niya sa akin ang sa kaniya nang walang pag-aalinlangan.
Hindi lingid sa kaalaman ko na nagbabago na siya. Minsan ay nakikita ko siya sa canteen na may babaeng sinisigawan siya pero hindi na niya pinapatulan. Sinabi ko kasing hindi masama ang magbaba ng pride at huwag makipag-away.
Paunti-unti ay natututo siya. Unti-unti ay nagkakapalagayang loob na rin kaming dalawa. Pero hindi sa kaibigan niyang si Violet. Ewan ko ba pero ang init ng dugo niya sa akin. Wala naman akong ginagawa sa kaniyang masama pero pakiramdam niya ay may gagawin akong hindi niya gusto. Sa madaling salita ay wala siyang tiwala sa akin.
Hindi ko naman siya pinapansin dahil hindi ko naman kailangang hingiin ang tiwala niya. Isa pa ay kusa dapat iyong ibinibigay, pinaghihirapan iyon.
Hindi naman pwedeng tumigil sa pag-ikot ang mundo ko dahil lamang sa kaniya.
Noong nakaraang linggo ay nagkaroon kami ng buwanang pagsusulit. Dahil nakakapag-aral naman ako nang maayos ay nakapasa ako. Masaya na ako roon pero mas masaya ako para kay Agatha. Hindi lamang kasi siya basta nakapasa, matataas pa ang mga nakuha niyang scores sa bawat subject.
Dahil doon ay pinatawag ako ni Dean.
"Mukhang natuturuan mo nang maayos si Agatha, Caleb. Ipagpatuloy mo lang ang ginagawa mo," papuri niya sa akin.
"Salamat po, Dean. Asahan n'yo pong tuloy-tuloy na iyon." Hindi ko alam pero ang taas ng kumpyansa ko na magagawa iyon ni Agatha.
Dahil din sa matataas na nakuha ni Agatha ay inilibre niya ako. Napansin niya kasing luma na ang bag ko kaya ibinili niya ako ng bago.
Ayaw ko sana tanggapin pero mapilit siya.
"Hindi mo ako kailangan bigyan ng ganiyan, Agatha. Sana hindi na lang dahil napagtiya-tiyagaan pa naman itong luma ko," tanggi ko pero mariin siyang umiling.
"Ano ka ba, Caleb? Tanggapin mo na 'to, deserve mo ng panibagong bag," pilit niya.
Napanguso ako. "Sigurado ka ba?"
Nginitian niya ako. "Sigurado ako, Caleb kaya magtatampo ako kapag 'di mo 'to tinanggap." Siya naman ang sumimangot.
Napatawa ako. "Sige na, tatanggapin ko na. Salamat dito, Agatha ah? Napasaya mo ako." Pinigilan kong maluha dahil sa wakas ay napalitan na ang bag kong pasira na. Hindi ko na rin kailangan mag-ipon ng pambili ng bago dahil binigay na niya.
Nginitian niya lamang ako. "Walang anuman, Caleb."
"Hayaan mo, Agatha, kapag nakuha ko ang sweldo ko ay ililibre kita. Kahit saan mo gusto basta hindi mahal."
Natawa lamang siya dahil sa sinabi ko. "Hindi mo kailangan gawin 'yon."
Ayaw niya pa pero ako naman ang hindi nagpapigil.
"Ah, eh basta ililibre kita. Hindi naman pwedeng ikaw lang 'di ba?"
Napuno ng tawanan ang tagpo naming iyon sa gate ng bahay nila.
Pagkatapos niya ibigay sa akin ang bag ay ginamit ko rin kaagad kinabukasan. Nakakatawa pero pakiramdam ko ay katulad na rin nila ako. Pakiramdam ko ay belong na ako sa eskwelahang pinapasukan ko.
Araw ng huwebes nang maaga akong magpaalam kay Agatha. Masama kasi ang panahon at mukhang uulan.
"Ahh, Agatha, pwede bang maaga ako umuwi ngayon? Mukhang uulan kasi e, kailangan ko pa labhan itong uniform ko." Hindi na ako nahiya pa. "Tapusin mo na lang iyang sino-solve mo tapos bukas ko titingnan kung tama."
BINABASA MO ANG
Caleb's Secret (Completed)
Ficción GeneralMatalino, matiyaga, marangal, may paninindigan, at mapagmahal. Lahat iyan ay katangian ni Caleb. Siya ay simpleng namumuhay hanggang sa makasalamuha niya si Agatha, ang babaeng maarte, mayaman, maganda, at masama ang ugali. Dahil huling taon na nil...
