"Raise your hand if you agree and if not, don't," anunsyo ng aming guro.
Siya ang pinaka-istrikta sa lahat ng aming guro. Palibhasa english ang subject na itinuturo ay ayaw niyang may magsasalita ng tagalog sa kaniyang klase.
Ang sabi niya ay para rin naman daw iyon sa amin para masanay kami at maging handa sa mga kukuhanin naming propesyon. Tama naman siya at dahil sa kaniya ay lumawak ang aking bokabolaryo sa ingles at natutunan ko gumamit nang tama.
Pero kahit gano'n ay hindi ako sanay makipag-usap ng ingles. Ayoko lang, baka kasi sabihan nila akong feeling mayaman at iyon ang ayaw ko mangyari kaya hanggang sa abot ng aking makakaya ay gusto kong tagalog ang midyum na gamit ko sa pakikipag-usap.
"Yes ma'am!" sagot ng lahat.
"Alright. Education is the key to success," banggit niya.
Nagtaas ng kamay ang lahat ng kaklase ko, pero ako ay nanatiling nakababa ang kamay. Hindi dahil sa wala ako sa sarili ko, hindi lang talaga ako sang-ayon.
Ayoko namang itaas ang kamay ko dahil lamang nakataas sila. Ayokong magpadala sa kanilang paniniwala dahil mayroon akong sarili. May sarili akong prinsipyo sa buhay.
"Mr. Relova." Nakuha ng aming guro ang atensyon ng lahat. Ibinaba ng lahat ang kamay at saka tiningnan ako.
"Y-Yes ma'am?" Tumayo ako mula sa pagkakaupo. Tumubo ang kakaunting kaba sa dibdib ko. Mukhang magigisa pa ako nito.
"Everyone raised their hands except you. . . will you explain to us why? Isn't education is the key to success?"
Huminga ako nang malalim bago sumagot. Nakakatakot na husgahan na naman nila ako dahil sa magiging sagot ko. Wala pa nga ay may mga naririnig na akong bulungan sa paligid. Nagmamagaling daw ako pero hindi ko na lamang pinansin. Hindi naman pagmamagaling ang ginagawa ko. Sinunod ko lang ang gusto ng guro namin, iyon ay huwag magtaas ng kamay kapag hindi sang-ayon.
"Dahil naniniwala po ako—" panimula ko pero hindi ko na kaagad naituloy.
"We don't understand what you're talking, Mr. Relova. Kindly speak in english please?" sita niya sa akin.
Napatungo ako. Inilibot ko ang aking paningin sa classroom nang tumunghay ako. Iba't -iba ang reaksyon ng mga kaklase ko. Mayroong mga natutuwa dahil napagalitan ako, mayroong nag-aabang sa sagot ko at mayroong mga nakabuka ang bibig.
Ibinalik ko ang paningin sa aming guro.
"S-Sorry, ma'am."
Tinanguan niya lamang ako. "Proceed."
Inayos ko sa aking isip ang sentence na isasagot ko. Nang mabuo ay saka ako nagsimulang sumagot.
"Ma'am, b-because I don't understand what kind of success will be achieved by educated people knowing that sometimes t-they're using their knowledge to bring other people down. . . I think that the key to succes isn't education at all, ma'am," I answered full of honesty.
"I believe, it's humanity."
BINABASA MO ANG
Caleb's Secret (Completed)
Fiction généraleMatalino, matiyaga, marangal, may paninindigan, at mapagmahal. Lahat iyan ay katangian ni Caleb. Siya ay simpleng namumuhay hanggang sa makasalamuha niya si Agatha, ang babaeng maarte, mayaman, maganda, at masama ang ugali. Dahil huling taon na nil...
