Kabanata 19: Mga Suliranin ng Isang Guro

452 2 0
                                    

Kabanata XIX: Mga Suliranin ng Isang Guro

Kahit na dumaan ang malakas na bagyo,ang lawa ay hindi gaanong nabagabag. Palibhasa ito ay napapaligiran ng mga bundok. Sa tabi ng lawa, nag-uusap sina Ibarra at ang binatang guro. Itinuro ng guro kay Ibarra kung saang panig ng lawa itinapon ang labi ni Don Rafael. Sang –ayon sa kanya, kasama si Tenyente Gueverra nuong itinapon ang bangkay. Wala siyang tanging magawa nuon kundi makipaglibing.

Malaki ang utang na loob kay Don Rafael. Nuong bagong salta ito sa San Diego, ang Don ang tumustos sa kanyang mga pangangailangan sa pagtuturo. Sinabi ng guro kay Ibarra na ang malaking suliranin niya at ng mga mag-aaral ay ang kakulangan ng magagastos.

Ibarra: “Sinabi ninyong tumutulong ang aking ama sa pagpapaaral sa mga bata?”

Guro: “Opo. Napakabait na tao ni Don Rafael.”

Ibarra: “Kung ganoon ay nais kong ipagpatuloy ang ginawang pagtulong ng aking ama sa halip na hanapin ko ang katarungan sa kanyang sinapit. Marahil ay higit niyang ikalulugod iyon.”

Natuwa ang guro sa tinuran ni Crisostomo. Saka ibinaling ang usapan sa mga suliranin tungkol sa edukasyon ng mga bata.

Guro: “Nawawalan sila ng interes sa pag-aaral dahil kulang sila sa panghihikayat ng kanilang mga magulang. At kung may mga bata naming may interes sa pag-aaral ay nagiging sagabal naman sa kanila ang kahirapan. Isa pa’y kailangang iwasto at maisaayos ang pagtuturo. Nakasanayan ng mga bata ang magsaulo sa halip na unawaing mabuti ang leksyon.”

Ibarra: “Bakit hindi ninyo nagawang lutasin ang suliraning iyan noon pa?”

Guro: “Pinipilit ko po. Subalit dala ng maraming kakulangan ay hindi ito medaling nagawan ng solusyon.”

Ibarra: “Ano ba ang higit na makakatulong sa kanila?”

Dahil din sa kakulangan ng mga bahay-paaralan, ang klase ay ginaganap sa silong ng kumbento sa tabi ng karwahe ng kura. Nasanay ang mga bata na bumasa ng malakas. Ito ay nakakabulabog sa kura, kaya nakakatikim ng sigaw, at mura ang mga bata at guro.

Nabanggit din ng guro kay Ibarra na dahil sa pagbabagong kanyang ginawa, madaling natutuhan ng mga mag-aaral ang wikang kastila. Pero siya ay nilait ni Pari Damaso sa pagsasabing ang wikang kastila ay hindi nababagay sa katulad niyang mangmang. Ang kailangan lamang niyang matutuhan ay tagalog.

Ipinaris pa siya ni Pari Damaso kay Maestro Circuela, isang guro na di marunong bumasa ngunit nagtayo ng eskwela at nagturo ng pagbasa sa kanyang mga estudyante. Labag man sa kanyang kalooban, wala siyang magawa kundi sumunod kay Pari Damaso. Pero, nag-aral din ang guro ng wikang kastila para sa kanyang pansariling interes.

Guro: “Nagkasakit ako dahil sa sama ng loob lalo na ng sabihin ng isa kong mag-aaral na siya’y magsasakristan na lamang sapagkat nakakapagpababa ng pagkatao ang pag-aaral.”

Ibarra: “Ngunit sa kabila po ba ng lahat ay nasisiyahan kayong may mga naturuan kayong mag-aaral?”

Guro: “Opo. At higit akong nasiyahan nang mailipat si Padre Damaso sa ibang lugar at nagkaroon ako ng kalayaang gumawa ng ilang pagbabago sa pagtuturo.”

Bukod dito, dinagdagan niya ang mga aralin sa katesismo, pagsasaka, kagandahang asal na hango sa Urbanidad ni Hustensio at Felisa at sa Kasasysayan ng Pilipinas. Pero, sa lahat ng mga araling ito dapat unahin ang pagtuturo ng relihiyon, ayon sa mga bagong kura nang ipatawag niya ang guro.

Naunawaan ni Crisostomo ang lahat ng idinaraing ng guro kaya’t nangako siya.

Ibarra: “Hindi kayo dapat mawalan ng pag-asa. Inimbitahan ako sa pulong ng tribunal. Ito na marahil ang magandang pagkakataong upang ihain sa kanila ang iyong mga suliranin.”

Noli Me Tangere (Role Play Script)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon