Kabanata XXIV: Sa Kagubatan
Pagkatapos na makapagmisa ng maaga si Pari Salvi, nagtuloy ito sa kumbento upang kumain ng almusal. May inabot na sulat ang kanyang kawaksi. Binasa niya ito. Kapagdaka’y nilamutak ang liham at hindi na nag-almusal. Ipihanda niya ang kanyang karwahe at nagpahatid sa piknikan.
Sa may di – kalayuan, pinahinto niya ang karwahe. Pinabalik niya sa kumbento . Namaybay siya sa mga latian hanggang sa maulinigan niya si Maria na naghahanap ng pugad ng gansa. Naniniwala ang mga dalaga na sinuman ang makakita ng pugad upang masundan niya at makita parati si Ibarra nang hindi siya makikita nito.
Tuwang-tuwa si Pari Salvi sa panood sa papalayong mga dalaga. Nais niyang sundan ang mga ito. Pero, ipinasya niyang hanapin na lamang ang mga kasama nito. Sinalubong si Padre Salvi ng mga dinatnan sa piknik at maging ang Alperes ay nakisalubong sa kaniya. Napansin ng alperes ang galos sa mukha ng kura.
Alperes: “Tila nasugatan kayo, nahulog ba kayo?”
Salvi: “Hindi. Naligaw ako at nakapasok kung saan-saan.”
Pagkaraang makapananghali, napag-usapan nina Padre Salvi ang taong tumatampalasan kay Padre Damaso na naging dahilan ng pagkakasakit nito.
Alperes: “Sino ba ang taong iyon?”
Salvi: “Hindi ba’t ang salarin ay ang tao ring nagtapon sa inyo sa labak, Alperes?”
Kamala-mala, dumating si Sisa. Nakita siya ni Ibarra, kaya kaagad na iniutos na pakainin ito. Ngunit, mabilis na tumalilis si Sisa.
Alperes: “Nawawala ang dalawang anak ni Sisa, Padre Salvi. Hindi po ba’t sila ang inyong mga sacristan? Noong kayo’y nawalan ng kaunting salapi ay agad ninyo akong ipinagising sa aking sarhento. Ngunit tila hindi kayo nababahahala ngayon na nawawala ang inyong mga sacristan.”
Salvi: “Dahil ako ang mananagot sa pera ng simbahan.”
Alperes: “Tunay nga po kayong isang taong banal!”
Namagitan na si Ibarra sapagkat magpapangana na ang dalawa.
Ibarra: “Nais ko pong ipagamot ang babaeng nabaliw at sa tulong ninyo’y maipahanap ang mga nawawala niyang anak.”
Kadagdaka’y nakiumpok na si Ibarra sa mga nagsisipaglarong biinata at dalaga na naglalaro ng Gulong Ng Kapalaran. Nagtanong si Ibarra kung magtatagumpay siya sa kanyang balak. Inihagis niya ang dais at binasa siya ang sagot na tumama sa: " Ang pangarap ay nanatiling pangarap lamang." Ipinihayag niyang nagsisinungaling ang aklat ng Gulong ng Kapalaran.
Mula sa kanyang bulsa, inilabaas niya ang isang kapirasong sulat na nagsasaad na pinatibay na ang kanyang balak na magtayo ng bahay-paaralan. Hinati ni Ibarra ang sulat, ang kalahati ay ibinigay kat Maria at ang natitirang kalahati ay kay Sinang na nagtamo ng pinakamasamang sagot sa kanilang paglalaro. At iniwanan na ni Ibarra sa paglalaro ang mga kaibigan.
Dumating si Pari Salvi. Walang sabi- sabing hinablot ang aklat at pinagpunit-punit ito. Malaking Kasalanan, anya ang maniwala sa aklat sapagkat ang mga nilalaman nito’y pawang kasinungalingan. Nabanas si Albino.
Albino: “Malaking kasalanan po ang makialam sa pag-aari ng iba.”
Tinalikuran lamang sila ng kura matapos nitong punitin ang aklat at saka umalis. Nakaalis na rin ang alperes nang dumating ang sarhentong may kasamang gwardiya sibil at pinaghahanap si Elias.
Ibarra: “Anong kailangan ninyo?”
Sarhento: “Ang inyong piloto na si Elias, ang bangkero, kailangan namin siyang dakpin sapagkat siya ang bumugbog kay Padre Damaso.”
Ibarra: “hindi ko big makialam sa inyong tungkulin ngunit kaaalis lamang ng Alperes. Kung maaga kayo’y tiyak na nakasalo pa kayo sa aming panganghalian.”
Pagkasabi niya nun ay tumalikod na siya at bumalik sa kaniyang mga kaibigan. Ipinahalughog ng sarhento ang buong paligid ngunit hindi niya nakita ang bangkerong si Elias.
Nagpasyang umalis na sa gubat ang mga dalaga at binata ng unti-unting lumalaganap ang dilim sa paligid. Magtatakipsilim na.
![](https://img.wattpad.com/cover/227165450-288-k710714.jpg)
BINABASA MO ANG
Noli Me Tangere (Role Play Script)
De TodoIto po ang ginawa kong script noong Grade 9 ako. Ang last chapters po (49-64) ay blangko po kinuha ko po kasi iyon sa ibang scripts dito sa wattpad. Nasa Kabanata 49-64 ang ilan pang detalye tungkol sa manunulat ng script na sinasabi ko. ❗BEWARE OF...