Kabanata IX: Mga Suliranin Tungkol sa Bayan
May isang karwaheng nakatigil sa tapat ng bahay ni Kapitan Tiyago. Ang nakasakay sa loob nito ay si Tiya Isabel at hinihintay na lamang na sumakay si Maria. Tiyempong dumating si Pari Damaso at tinanong ang mag-ale.
Padre Damaso: “SAan ang tungo ninyo?”
Maria Clara: “Kukunin po naming sa kumbento ang aming mga gamit.”
Ang ganito ay hindi minabuti ng pari, bubulong-bulong na nagtuloy na nagtuloy siya sa bahay ni Tiyago. Ang pagbulung-bulong ng pari ay inaakala ni Isabel na mayroon itong minimemoryang sermon.
Nahalata kaagad ni Kapitan Tiyago ang pagbabagong anyo ng pari nang hindi nito iabot ang kamay nang magtangka siyang magmano rito. Sinabi ng pari na kailangang mag-usap silang sarilinan ni Kapitan Tiyago. Pumasok sila sa isang silid at isinarang mabuti ang pinto.
Scene 2
Sa kabilang dako, pagkaraang makapagmisa si Pari Sibyla, kaagad na nagtuloy siya sa kumbento ng mga Dominiko sa Puerta de Isabel II. Dumiretso siya sa isang silid at tumambad sa kanyang paningin ang anyo ng isang matandang paring may sakit. Sinigilahan siya ng matinding pagkaawa rito. Ikinuwento ni Pari Sibyla sa paring may-sakit ang tungkol sa naganap na pagkakaalitan nina Pari Damaso at ni Ibarra.
Padre Sibyla: “Si Ibarra ay mabuting tao,nagpalitan pa nga kami ng kurokuro ni Padre Damaso.”
May Sakit: “Anong kuro kuro naman ito?”
Padre Sibyla: “Si Crisostomo Ibarra ay isang napakabait at mayaman na binata, si Maria Clara naan ay anak ni Kapitan Tiyago na gobernadorcillo ng bayang ito. Sa makatuwid lubos na makakatulong sila sa pagsulong ng korporasyon at kapatiran sa panahong ito.”
May Sakit; “Dahan dahan nang nawawala ang ating kayamanan lalo na sa Europa dahil sa pagtaas ng buwis na nagiging dahilan ito ng pagkawala ng ating mga ari-arian. Hindi na dapat tumaas ang buwis sa ating lupain sapagkat ang mga Pilipino ay natututo ng mamili ng lupa sa iba’t ibang lugar na lumilitaw na kasimbuti rin ng sa atin o higit pa.”
Padre Sibyla: “Sa palagay ko’y tama ang iyong tinuran.”
Padre Sibyla: “Nalaman ko rin na hindi nagsubong ag tinyente sa kapitan- heneral at nakiisa pa it okay Padre Damaso.”
Padre Sibyla: “pero nalaman din ito ng kapitan, naibalita nga ito sa pahayagan ni Laruja. Kaya nagpalipat nalang si Padre Damaso sa higit na mas mabuting bayan.”
Scene 3:
Sa kabilang banda naman, natapos na rin ang masinsinang pag-uusap nina Kapitan Tiyago at Pari Damaso.
Padre Damaso: “Dapat sinabi mo na mo na ito saakin ng maaga.”
Padre Damaso: “Iminumungkahi ko na mas mabuti kung kailanman huwag ka nang magsinungaling sapagkat inaama rin na naman ako ng iyong anak.”
Kapitan Tiyago: “Opo.”
Pag -alis ng pari, kaagad na pinatay niya ang mga ipinatulos na dalawang kandila kay Maria na patungkol para sa maluwalhating paglalakbay ni Ibarra patungong San Diego.
BINABASA MO ANG
Noli Me Tangere (Role Play Script)
DiversosIto po ang ginawa kong script noong Grade 9 ako. Ang last chapters po (49-64) ay blangko po kinuha ko po kasi iyon sa ibang scripts dito sa wattpad. Nasa Kabanata 49-64 ang ilan pang detalye tungkol sa manunulat ng script na sinasabi ko. ❗BEWARE OF...