Kabanata 36: Suliranin

339 2 0
                                    

Kabanata 36: Suliranin

Isang malaking gulo ang nangyayari sa bahay ni Tiyago dahil sa hindi inaasahang pagdating ng Kapitan-Heneral. Si Maria ay panay ang pagtangis at hindi pinakikinggan ang payo ng kanyang ale at ni Andeng. Paano nga, pinagbawalan si Maria ng kanyang ama na makipag-usap kay Ibarra habang hindi pa inaalis ang eskomonyon sa binata.

Saglit na umalis si Kapitan Tiyago sapagkat pinapupunta ito sa kumbento. Pinatuloy na inaalo naman ni Tiya Isabel si Maria sa pagsasabing susulat sila sa Papa at magbibigay ng malaking limos. Madali namang mapapatawad si Ibarra sapagkat nawalan lamang ng ulirat si Padre Damaso. Si Andeng ay nagboluntaryong gagawa ng paraan para magkausap ang magkasintahan.

Agad ding umuwi si Kapitan Tiyago.

(Kinausap siya ni Tiya Isabel)

Tiya Isabel: “Bakit tila malungkot ka yata?”

Kap. Tiyago: “Sinabi ni Padre Sibyla na sirain ko daw ang kasunduan tungkol sa pagpapakasal nina Maria at Crisostomo. Sinabi niya rin na huag tanggapin si Ibarra sa ating tahanan at ang utang kong limapung libong piso ay huwag ko na raw bayaran. Pinapili nila ako kung ano ang mahalaga, ang limampung piso o aking buhay at kaluluwa.”

(Lalong iiyak si Maria Clara)

Kap. Tiyago: “Huwag ka ng umiyak anak. May ipapakilala si Padre Damaso na kanyang kamag-anak na nakatakdang dumating galling sa Europa. Iyon daw ang mas nararapat mong aging katipan.”

(Hindi makapaniwala si Tiya Isabel)

Tiya Isabel: “Nahihibang ka na ba Tiyago?! Sa tingin mo ba ganoon lang kadaling magpalit ng nobyo?!”

Dahil kaibigan ni Kapitan Tiyago ang Arsobispo. Iminungkahi ni Tiya Isabel na sulatan ito. Pero, sinabi ng Kapitan na mawawalang kabuluhan lamang sapagkat ang arsobispo ay isang prayle rin at walang ibang paunlakan kundi ang mga kapwa prayle. Pagkarrang pagsabihan ng Kapitan si Maria na tumigil na ito sa kangangalngal at baka mamugto ang mga mata. Hinarap na niya ang paghahanda sa bahay.

Pamaya-maya dumating na nga ang Kapitan-Heneral. Ang buong kabahayan ni Kapitan Tiyago ay nagsimula ng mapuno ng mga tao. Si Maria naman ay tumakbo sa silid at nagdasal sa Mahal na Birhen. Nasa ganito siyang kalagayan ng pumasok ang kanyang Tiya Isabel at sinabing gusto siyang makausap ng Kapitan-Heneral. Mabigat man sa loob ay unti-unti na siyang nag-ayos ng katawan.

Noli Me Tangere (Role Play Script)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon