Kabanata XXII: Liwanag at Dilim
Magkasamang dumating si Maria at ang kanyang Tiya Isabel sa San Diego para sa pistang darating. Naging bukambibig ang pagdating ni Maria sapagkat matagal na siyang hindi nakakauwi sa bayang sinilangan. Isa pa, minamahal siya ng mga kababayan dahil sa kagandahang ugali, kayumian at kagandahan. Labis na kinagigiliwan siya. Sa mga taga San Diego, ang isa sa kinapapansinan ng malaking pagbabago sa kanyang ikinikilos ay si Padre Salvi.
Lalong pinag-usapan si Maria, nang dumating si Ibarra at madalas na dalawin ito. May balak silang mamasyal kinabukasan.
Ibarra: “Ipapahanda ko ang lahat ng kailangan bago magbukang- liwayay.”
Maria: “Ayokong makasama ang kura.”
Ibarra: “Bakit?”
Maria: “Sa palagay ko’y binabantayan niya lahat ng kilos ko. Kinikilabutan ako sa kaniyang mga tingin na wari mo’y napakahiwaga. Madalas niyang itanong saakin kung napapanaginipan ko daw ba ang sulat ng aking ina. Maging sina Sinang at Andeng ay nababalitaan ding hindi raw ito masyadong kumakain tila nga napapabayaan na nito ang kaniyang sarili.”
Ibarra: “Ngunit hindi maaaring hindi natin siya kumbidahin. May kaugalian tayo dito at isa pa’y narito na siya.”
Naputol ang kanilang pag-uusap ng biglang dumating si Padre Salvi. Humingi ng paumanhin si Maria sa dalawa at iniwanan ang mga ito sa pagsasabing masakit ang kanyang-ulo. Sinamantala ni Crisostomo ang pagkakataon upang anyayahin ang kura tungkol sa kasiyahan.
Ibarra: “Isang kasiyahan sa bukid ang inihanda namin ng aking mga kaibigan. Maaari po ba kayong dumalo?”
Salvi: “Saan magaganap ang kasiyahan?”
Ibarra: “Sa ay batis po sa gubat idaraos, malapit sa puno ng balite. Iyon po ang napiling lugar ng mga dalaga.”
Salvi: “Para patunayan ko sayong wala na akong sama ng loob dahil sa nangyari, malugod kong tintanggap ang iyong paanyaya.”
Laganap na ang dilim ng magpaalam si Ibarra na uuwi na. Sa daan, nakasalubong niya ang isang lalaki na dalawang araw ng naghahanap sa kanya.
Pedro: “Hindi po ninyo ako nakikilala, Ginoong Crisostomo. Subalit may dalawang araw ko ng hinihintay ang inyong pagdating dito sa bayan ng San Diego…”
Ibarra: “May kailangan kayo saakin?”
Pedro: “Tinatawag nila akong tulisan kaya’t wala ni isa mang nagnanais na tumulong saakin.”
Ibarra: “Anong kailangan ninyo saakin ginoo?”
Pedro: “Nais ko pong huingi ng tulong sainyo.”
Ibarra: “Sumabay kayo saakin sa paglalakad at saka ninyo sabihin ang inyong pakay.”
At sabay na nawala sa pusikit na dilim sina Ibarra at ang lalaki.
BINABASA MO ANG
Noli Me Tangere (Role Play Script)
De TodoIto po ang ginawa kong script noong Grade 9 ako. Ang last chapters po (49-64) ay blangko po kinuha ko po kasi iyon sa ibang scripts dito sa wattpad. Nasa Kabanata 49-64 ang ilan pang detalye tungkol sa manunulat ng script na sinasabi ko. ❗BEWARE OF...