Kabanata 37: Kapitan Heneral
Kapitan Heneral: “Bakit hindi ko nakikita ngayon ang binatang si Crisostomo Ibarra?”
Tiyago: “Wala pa po siya, pero hindi ko alam kung darating pa siya kapitan heneral.”
Magalang na sabi ni Kapitan Tiyago.
Samantala, kinausap muna niya ang binatang Taga-Maynila na nagkamaling lumabas habang nagsesermon sa misa si Padre Damaso. Ang paglabas ng binata sa simbahan ay ikinagalit ni Damaso. Namumutla at nginig ang buong katawan ng binata ng pumasok siyang kausapin ng Heneral. Ngunit, ng lumabas na ito, nakangiti na siya. Ito ay tanda ng mabuting ugali ng Kapitan-Heneral. Mayroon siyang panahon basta sa katarungan.
Scene 2
Kagawad: “Mga Padre pinapapasok na po kayo ng kapitan heneral.”
(Pumasok sa silid ang mga pari Salvi, Sibyla, Martin)
Kapitan Heneral: “Bakit po hindi niyo kasama si Padre Damaso?”
Padre Sibyla: “May sakit po siya.”
(Papasok sa silid sina Maria Clara at Kapitan Tiyago.)
Kapitan Heneral: “Anak po ba ninyo ang dalagang ito?”
Tiyago: “Anak din po ng kaniyang kamahalaan.”
(Uupo sa silya ang lahat)
Kapitan Heneral: “Mapalad ang iyong mga magulang. Marami akong naririnig na papuri sa inyo subalit higit kong pinasasalamatan ang inyong ginawa sa nangyari kaninang pananghalian.”
(Lalapit ang kagawad sa kapitan heneral)
Kagawad: “Nariyan na po si Ginoong Crisostomo.”
Kapitan Heneral: “Karangalan kong muli kayong makaharap bago ko lisanin ang bayang ito.”
Padre Salvi: “Kapitan Heneral nais ko po lamang ipabatid sa inyo na si Ginoong Ibarra ay isang excommunicado.”
Kapitan Heneral: “Hangad ko ang mabilis na paggaling ni Padre Damas. Sa aking palagay ay panahon na upang magbalik siya sa Espanya. Pagpalain nawa kayo ng Diyos.”
Napaamang ang mga revencia at masama ang loob.
Padre Martin: “Kami po ay aalis na Kapitan.”
Naramdaman ng kaparian ang malamig na pakikitungo sa kanila ng Heneral dahil sa kasalanan ng isang pari.
(Magkakasalubong sina Maria Clara at Ibarra ngunit hindi sila magkikibuan)
Scene 3:
(Sa loob ng silid ngunit si Ibarra na an kausap ng Heneral)
(Magbibigay Galang si Ibarra)
Kapitan Heneral: “Ikinagagalak ko pong Makita kayo.”
(Mabibigla si Ibarra)
Kapitan Heneral: “Wag ninyong pag- alinlanganan ang pagbibigay ko ng katarungan. Ipanatag ninyo ang inyong kalooban.”
Ibarra: “Karangalan pong malaki ang ganitong pagtanggap mula sa kamahalaan.”
Kapitan Heneral: “Nais kong imungkahi sa hari ng Espanya na kayo’y parangalan sa inyong mithiing makapagpatayo ng paaralan.”
Ibarra: “Napakaliit ng nagawa ko para pagkaabalahan ng panahon.”
Kapitan Heneral: “Tungkol naman sa nangyari sa inyo ni Padre Damaso. Wala kayong dapat ikabahala hangga’t ako ang namamahala sa Pilipinas. Kakausapin ko ang arsobispo at pakikialaman ko ang inyong pagiging excomunicado.”
Sa pagkukuwento, lumitaw na nagkapalad si Ibarra na makatagpo ang pamilya ng kapitan Heneral noong siya nagpunta sa Madrid. Tinanong ng Heneral kung wala man lang liham na tagubiling dala si Ibarra para sa kanya. Hindi na kailangan ito, ani Ibarra sapagkat lahat daw ng mga Pilipino ay tinagubilin sa Heneral. Sa pagpapahayag ni Ibarra ng kanyang sariling pananaw sa buhay, nagpamuni ng Heneral na matalino ang binata.
Kapitan heneral: “Higit na nababagay sa Europa ang inyong karunungan at talino.”
Ibarra: “Salamat po subalit higit na maligayang mamuhay sa sariling lupain kung saan namuhay rin ang aking mga magulang.”
Kapitan Heneral: “Kung ganon ay iginagalang ko ang inyong nais.”
Pinahalagahan ng Heneral ang paninindigan ni Ibarra sapagkat inaakala niyang higit nga niyang kilala ang Pilipinas kaysa sa kanya. Nang maalala niya si Maria, sinabi ng Heneral kay Ibarra na puntahan na niya ang kanyang kasintahan at itagubilinang paparoonin sa kanya si kapitan tiyago.Ipinagugunita niya kay Ibarra na samahan siya sa pamamasyal. Tumango si Ibarra at umalis na.
Scene 4:
(Sa labas ng silid habang papauwi na ang Heneral, kausap niya sina Kapitan Tiyago at ang Alkalde)
Kapitan Heneral: “Hindi na dapat pa maulit ang pangyayari sa pananghalian. Pangalagaang mabuti ang kapakanan at kaligtasan ni Ginoong Ibarra. Bigyan siya ng kaluwagan sa kanyang magagandang proyekto at layunin. Ipaabot din sa alperes ang bagay na ‘to.”
Alkalde: “Masusunod po.”
KApitan Heneral: “Binabati ko ang inyong mamanugangin. Karapat- dapat siya kay Maria Clara. Kung sakaling kukulangin sa Padrino sa araw ng kanilang kasal ay nagpriprisinta ako.”
(mababahala si Tiyago at mapapatango na lang.)
Samantala, kaagad na hinanap ni Ibarra sa Maria. Kumatok siya sa silid ni Maria sapagkat naririnig niya ang boses nito. Pero, hindi binuksan ang pinto at sa halip ay si Sinang ang sumilip.
Sinang: “Pupunta kami sa dulaan ngayong gabi. Anuman ang iyong nais sabihin ay isulat mo na lamang.”
(Isasara na ni Sinang ang pinto.)
(Aaalis na si Ibarra)
![](https://img.wattpad.com/cover/227165450-288-k710714.jpg)
BINABASA MO ANG
Noli Me Tangere (Role Play Script)
AcakIto po ang ginawa kong script noong Grade 9 ako. Ang last chapters po (49-64) ay blangko po kinuha ko po kasi iyon sa ibang scripts dito sa wattpad. Nasa Kabanata 49-64 ang ilan pang detalye tungkol sa manunulat ng script na sinasabi ko. ❗BEWARE OF...