Kabanata 46: Ang Sabungan

367 1 0
                                    

Kabanata 46: Ang Sabungan

Kapitan Basilio: “Ano bang manok ang dala ni KApitan Tiyago?”

Lalaki: “Kanina’y tumanggap siya ng dalawang sasabungin at ang isa’y lasak.”

Kapitan Basilio: “Mailalaban ko kaya ang aking manok na bulik.

(papasok sa sabungan si kapitan Tiyago kasa ang dalawang alalay at may dalang isang lasak na manok at malaking putting tinali)

Kapitan Basilio: “Naibalita saakin ni Sinang na nasa maayos nang kalagayan si Mari Clara.”

Kapitan Tiyago: “Wala na siyang lagnat ngunit nanghihina pa.”

Scene 2

(lalapit si Bruno kay Lucas)

Bruno: “Wala na kaming pera kaya hindi na kami makakapusta. Pero di ba kilala mo kami? Baka maaari ninyo kaming pahirain kahit konti.”

Lucas: “Ikaw si Bruno at ang kapatid mo ay si Tarsilo. Anak kayo ng pinatay ng gwardiya sibil sa palo. Batid kong wala kayong balak maghiganti.”

Tarsilo: “Hindi niyo na dapat pakialaman ang bagay na yan dahil ang pakikialam ay nakamamatay. Kung wala sana kaming kapatid na babae, matagal na rin kaming nabitay.”

Lucas: “Duwag lamang ang nabibitay. Iyong mga lakas at salapi.”

Bruno: “Pautangin niyo na kami kahit bente pesos at ibabalik naming sa dobleng halaga.”

Lucas: “Hindi akin ang perang ito kundi kay Don Crisostomo Ibarra. Ipinagkakaloob niya ito sa mga taong handang maglingkod sa kanya. Kung hindi niyo kayang ipaghiganti ang inyong ama ay hindi ko ito maibibigay sa inyo.” (tusong ngingiti)

Bruno: “Sige. Wala namang pinagkaiba ang mamatay sa bitay at mamatay sa baril.”

Tarsilo: “Tama na.”

(magsasabong na malungkot si Bruno dahil hindi sila nakapusta)

Tarsilo: “Gusto mo ba talagang pumusta?”

(tatango si Bruno)

Tarsilo: “Hindi kaya maging kaawa-awa ang kapatid nating babae?”

Bruno: “Kay Don Crisostomo galing ang pera, di ba kaibigan siya ng kapitan heneral? Anong ikinakatakot natin?”

(lalapit sila kay Bruno)

Tarsilo: “Pumapayag na kami sa gusto mo.”

Lucas: “Sige.”

Bruno: “Magkano ang ibibigay saamin?”

Lucas: “Kung makakahanap pa kayo ng ibang kasama upang sumalakay ay bibigyan ko kayo ng tigtatlongpung piso at sampu naman sa bawat kasama. Kung magtagumpay ang pagsalakay ay tatanggap ng gantimpalang tig- isang daang piso buhat kay Don Crisostomo at sa inyo naman ay doble. Alam niyo namang mayaman si Don Crisostomo.”

Bruno: “Sang-ayon ako.”

Lucas: “Wala kayong pinagkaiba sa ama niyong matapang!”

(pupunta sila sa isang tagong lugar)

Lucas: “Bukas ay darating ang mga armas na dala ni Don Crisostomo. Sa makalawa, ganap na ikawalo ng gabi ay magtungo kayo sa libingan upang tumanggap ng utos. May panahon pa kayo para makahanap ng bagong makakasama.”

Tarsilo: “Sige”

(Maghihiwalay na ang tatlo)

Noli Me Tangere (Role Play Script)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon