Kabanata 47: Dalawang Donya

361 1 0
                                    

Kabanata 47: Dalawang Donya

(namamasyal ang mag- asawang de espadanya)

Victorina: “Ang papangit ng mga bahay, paano sila nakakatira rito?”

Tiburcio: “Victorina…”

Victorina: “At bakit wala manlang may nagbibigay galang satin? Kailangan turuan sila ng urbanidad katulad ng ginagawa sakanila ng mga kura at gwardiya sibil.”

Tiburcio: “Paano kung gantihan ako?”

………

Donya Victorina: “Naiinggit ka saakin!”

Consolacion: “Naiinggit ako sa kulot mong buhok!”

Tiburcio: “Umuwi na tayo wag mo na siyang pansinin.”

Victorina: “Hayaan mo akong turuan ng leksiyon ang babaeng ‘to. Hindi mo ba ako kilala? Hindi mo ba alam na hindi ako taga lalawigan at ako’y taga- maynila? Hindi nakakapasok sa loob ng bahay ko ang alperes dahil hanggang pitoan lamang sila.”

Consolacion: “Siyanga ba? Dahil ba ang nakakapasok lang sa bahay mo ay isang pilantod?”

Victorina: “Kung makapagsalita ka! Isa ka lang namang hamak na labandera na kinalantari ng alperes.”

Consolacion: “Ha! Yang asawa mo, isa yang pekeng doctor! Wala na bang ibang kastila ang nagkakagusto sa’yo kaya pilay nalang ang inasawa mo?”

Victorina: “Ikaw----

(dadating ang alperes kasama si padre salvi)

Padre Salvi: “Napakalaking kahihiyan ang eskandalong ito!”

Alperes: “Hwag mo na kaming pakialaman!”

(haharap ang alperes kay tiburcio)

Alperes: “Ang mabuti pa’y iuwi niyo na ang asawa niyo Don Tiburcio.”

(umalis na ang dalawa)

Victorina: “Ngayon din ay luluwas tayo ng maynila para puntahan ang kapitan heneral. Saying ang suot mong pantalon para kang hindi lalaki.”

Tiburcio: “Alam mo namang pilay ako.”

Victorina: “Dapat ay hinamon mo siya ng rebolber.”

Tiburcio: “Hindi pa ako nakakahawak ng….”

(hahablutin ni Victorina ang pustiso ng asawa at tatapak tapakan ito)

Scene 2

(dumating na sila sa bahay ni Kapitan Tiyago)

Victorina: “Hamunin mo ng dwelo ang alperes ngayon din.”

Linares: “Pero bakit?”

Victorina: “Gawin mo kung hindi’y ibubuklat ko sa lahat kung sino ka.”

(uuwi nan g lupaypay si Kapitan Tiyago)

Victorina: “Kailangan hamunin ni Linares ng dwelo ang alperes, kung hindi ay huwag ninyo siyang ipapakasal kay maria clara. Hindi marapat na makapangasawa ang inyong anak ng lalaking duwag.”

(tatayo si maria clara)

Maria: “Sinang, maaari mo ba akong samahan sa aking silid?”

(tatayo si sinang at magtutungo na sila sa silid ni Maria Clara)

Scene 3

(nakahanda na ang mga maleta ng mag- asawa)

Victorina: “dalawang libo lahat ang kailangan ninyong ibayad para sa serbisyo ng asawa ko.”

Tiyago: (ibibigay sa kanila ang pera)

(umalis na ang mag-asawa sakay ng kalesa at naiwan naman doon sa bahay nina kapitan Tiyago si Linares)

Noli Me Tangere (Role Play Script)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon